FOURTEEN

654 34 4
                                    

I was waiting for Ammirah to finish her interview. Tahimik na umiinom lamang ako ng milktea sa isang sulok ng café. Tinanong ko siya kanina kung bakit hindi nalang sa café sa harap ng RU siya nag-apply, but apparently, di sila hiring kaya dito siya napunta.

I love the ambiance of the place. It feels homey. The interior design is also aesthetic. Hindi masakit sa mata ang pintura at napaka accomodating pa ng mga staff.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natanaw si Ammirah na palapit sa akin at malaki ang ngiti.

"Tanggap ako!" Masaya nitong saad at patalon na niyakap ako. Natutuwang niyakap ko din siya pabalik at masuyong hinaplos ang likuran.

"Congrats! Dahil diyan, I'll take you out on a date." Saad ko.

"Sinasabi ko na nga ba crush mo ako eh!" Saad nito at lumayo ng bahagya. "G! Every weekends lang naman trabaho ko dito." She smiled sweetly. The butterflies are not enough to stop me from falling for her.

Tumayo ako at nilahad ang kamay ko para abutin niya.

"I only have one simple rule, don't let go of my hand hanggang sa maihatid kita pauwi." Inabot niya ang kamay ko at ngumiti.

"Kahit habang buhay pa." At hinila niya ako palabas ng café. Napakalaki ng ngiti ko hanggang sa makapasok kami ng kotse.

"Luh! Pere keng tenge." Pabebeng saad ni Ammirah. Hindi ko napigilang matawa. There's no dull moment talaga kapag siya ang kasama ko.

Bumili kami saglit ng mga kakainin and then we went on a road trip papuntang Tagaytay. Good thing na ang dala kong car ay convertible. It's a frozen grey metallic, BMW Z4 M40i. It was my dream car, kaya naman pinag-ipunan ko talaga ito at binili.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Aaaaahh! Ang astig ng car moooo!" Saad ni Ammirah nang pumindot ako at tumiklop ang roof ng sasakyan.

"Yung paligid ang tingnan mo, kasing ganda mo." Saad ko dito nang nakangiti.

"Woooaaahh! Ang gandaaa!"

"Parang ikaw."

"Bola, di bagay sayo." Natatawang saad nito.

We spent the day driving around Tagaytay, stopping a few times to take some pictures or buy something to eat.

"Sierra! Picture tayo!" I smiled at lumapit dito.

"Kuya! Pwede mo ba kaming kunan ng picture?" Tanong nito sa lalakeng naglakad sa harap niya. "Thank youuuu!" Saad niya uli nang tumango yung lalake.

Tumabi sa akin si Ammirah at ngumiti ng malawak, naghihintay na umabot sa tatlo ang bilang ng kuya na kumukuha samin ng litrato.

Hinapit ko ito palapit sa akin, at dahil sa gulat, napalingon ito sa akin, kasabay ng huling bilang ng lalake. I smiled at her na siyang sinuklian niya ng isa ring ngiti at humilig sa dibdib ko.

Pinaikot ko ang mga braso ko sa kanyang bewang at hinalikan ang kanyang noo.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang humigpit ang yakap nito sa akin.

And maybe, Ember was right. I am also marupok, like Zara. But it's okay. As long as si Ammirah ang dahilan. I'm willing to be marupok over and over.

"Uh, excuse me po. Ang cute niyo pero heto na po yung phone. Stay strong po." Wala sa sariling inabot ko amg cellphone ni Ammirah at sinundan ng tingin ang papalayong lalake.

"Stay strong daw, yiiiiee." Natatawang pinisil ko ang pisngi ni Ammirah at binigay ang phone dito.

"Hala! Ang cute nito!" Saad nito habang nasa byahe kami pabalik ng Quezon City.

It was when Ammirah and I are looking at each other's eyes at nakapulupot ang isa kong braso sa kanya.

"Ito rin!" She showed me the next picture. Ito naman ay yung hinalikan ko siya sa noo, at nakangiti siya habang nakapikit.

"We look good ah. Walang binatbat yung crush mong piloto." I said.

"What do you mean? Ikaw yung crush kong piloto." Parang wala lang na saad ni Ammirah. Bigla akong napapreno dahil sa sinabi niya.

"You knew?!" Tanong ko.

"Yes. I realized na maarte nga pala si Ms. Claire pagdating sa pakikipagkaibigan. At alam ko kung sino sila, maliban sayo. Siguro dahil na rin sa bihira ka lang sumama sa kanila. But I connected all the dots and made a little research about you and tadaaa! My crushie pala is you." Di ko napigilang matawa sa sinabi niya at muling inapakan ang gas.

"But don't get me wrong ah, nakipagkaibigan ako sayo hindi dahil ikaw yung crush ko, well, konti pala, pero you're a good friend talaga. You got me sa unang pagkakakilala natin." Dagdag pa niya.

Then we went silent after that. I don't know what to say kaya naman nanahimik nalang ako. Ang totoo niyan nahihirapan akong iexpress ang nafifeel ko. So most of the times, I don't react.

Ammirah telling me that I was her crush made me feel giddy inside. The butterflies I'm afraid to feel again, went wild in my stomach. But I don't know what to react or say.

And maybe that's one of the reasons why my friends call me 'bato.'

"Galit ka ba?" Tanong ni Ammirah when we stopped sa harap ng tinutuluyan niyang boarding house.

"I...uhh..ano..." I stammered.

"It's okay, I get it. Hindi na ako lalapit sayo ever again. I'm sorry." At lumabas na siya ng sasakyan na malungkot ang mukha. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya

"Ammirah, wait!" Sigaw ko at sinundan siya. Hinawakan ko ang braso nito to stop her from going inside. May napatingin pa sa aming mga tao na nakatambay sa labas. "Hindi ako galit. I...I don't know what to say lang." Hinarap ako nito ng may mapanuksong ngiti.

"Yiiee speechless ka?" Napakurap ako sa sinabi niya. Ang bilis magbago ng mood niya. Parang kanina lang nagdadrama siya dahil akala niya galit ako.

"Grabe, ako lang to, crush!" Ngumiti nalang ako dito at pinat ang ulo niya.

"Goodnight. Thank you for today." I told her habang pinapat ko ang ulo niya ng marahan. Ngumiti din ito at niyakap ako. Her sweet scent makes me want to wrap her and take her home para gawing unan.

"Thank you din for today, Sierra. See you tomorrow." She said at tuluyan na pumasok sa tinutuluyan niya.

Then I went sa bar ni Rose para sa sawing puso nanaman ni Zara.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

;)

HOW TO STEAL A HEART (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon