TWO

1.8K 103 5
                                    


Tahimik na nagmamaneho si Claire papuntang bahay namin. Mayamaya akong tumitingin kay Astrid na nasa backseat sa sobrang kaba.

Claire is a lot more dangerous when she's not saying anything.

"Tita Claire, do you think my grandparents will like me?" Biglang tanong ng anak ko. Saglit na tinapunan ako ng tingin ni Claire bago ito ngumiti sa anak ko mula sa rearview mirror.

"They will love you, babygirl. You're so pretty kaya."

"So if I'm not pretty, they won't love me?" I bit my lip to stop myself from laughing. Astrid is a curious girl. Madami itong katanungan na minsan hindi ko alam ang isasagot ko.

"No, that's not what I meant. Uhmm... your parents really miss your mom, and they'll be really really really happy once they see you. I'm sure of it." Tumango si Astrid sa sinabi ni Claire.

"So, how did you know us?" Tanong naman ni Claire kay Astrid.

"My mom used to cry every night. She always tells me stories about you guys and someone name—"

"Okaaayy! We're here!" Pagpuputol ko sa sinabi ng anak ko. Tinaasan lamang ako ng kilay ni Claire bago nito tinabi ang kotse. Napabuntong hininga ako bago bumaba at kunin ang anak kong may nanunuring tingin.

"It's a secret." Tanging sagot ko dito na tinanguan niya naman.

"I want pancakes with lots of milo on the top." She said habang pinaglalaruan nito ang buhok ko. "And ice cream too, mom. Tita Rose told me she's baking me lots of cakes, can I help her?"

"We'll eat pancakes and ice cream later, and you can ask your tita Rose if you can help her. For now, let's meet your grandparents, okay?" She nodded at bumaba mula sa pagkakakarga ko.

Astrid is really smart. Mahiyain minsan pero madalas makapal ang mukha. She's really cute. She loves singing and dancing too. But most of the time she spends her time watching we bare bears.


Like her.

Napailing ako sa iniisip ko at sinundan ito. Nakatayo ito sa harap ng pinto at kumakatok. Mabilisang inikot ko ang paningin sa loob ng bakuran namin.


It's been seven years at wala man lang nagbago. It's exactly how I remember it.


"Good morning po! My name is Astrid Melissa Alvar, I'm your granddaughter po. My mom is Sierra Alvar, your daughter." Nahigit ko ang hininga ko nang makilala ang nasa pinto.

It's not my mom but Ammirah, my ex girlfriend.

"You look so young grandma. How old are you?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ng anak ko hanggang sa napatakip ito ng bunganga niya.

"Ohmygod!" Gulat na saad nito. Naguguluhang tumingin sa akin si Astrid na nginitian ko lamang at pinalapit sa akin.

"Astrid, meet your Tita Ammirah, Ammirah, my daughter, Astrid." Astrid's mouth formed an 'o' at napatango tango.

"That's her?" Turo pa nito kay Ammirah. Natatawang napatango nalang ako at saka hinarap si Ammirah.

It's too early to meet her but I can't do anything about it right now. Andito na rin naman, might as well face it.

I don't want to run away again.

"You look... beautiful. I mean, maganda ka talaga noon pa man but, you look more beautiful now that you have a daughter." Saad nito. Marahan akong ngumiti lamang dito at sumenyas na pumasok na.

"Can we...uhh come in?" Alanganin kong tanong.

"Oh right! I'm so sorry! Nasa kusina silang lahat at kumakain na." Tumango ako dito at sumunod.


I was wondering kung anong ginagawa niya dito. I mean, wala naman kaso kung close pa rin sila ng parents ko, but I just hope na di na siya maghabol sa akin.



Ang kapal ko sa part na yun.



"Sweetheart..."

"Yes?"

"Po?"



Napatingin kami ni Astrid kay Ammirah nang sumagot ito. Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi nito dahil sa pagkapahiya.



Sweetheart ang endearment namin before. But I don't know kung bakit siya sumagot. Or maybe nasanay lang siya na iyon ang tawag ko sa kanya.



"I think she still likes you, mom." Bulong sakin ng anak ko. Pinisil ko ang ilong nito na siyang dahilan para bumaba siya uli sa pagkakakarga ko at maunang tumakbo sa kusina.





"Your daughter is really cute. How old is she?" Tanong ni Ammirah.


"She's seven. Just turned 7 actually." I said.

"Wow! So...uhm... where's your wife?" Tanong nito. Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng sigaw mula sa kusina.




Agad akong napatakbo para tingnan kung anong nangyare dahil baka kung napaano na si Astrid. Pero ang bumungad sa akin ay ang anak kong nakikipag agawan ng plato sa isa pang tao na di ko inaasahan na makikita ko rin kaagad.


"This is my plate you brat! Get yours!" Inis na saad nito kay Astrid.


"No! Tita Ember said it's mine!" Sabi naman ng anak ko. Napatampal nalang ako sa noo ko nang mapansing kinukuhanan pa ng video ng mga kupal kong kaibigan ang pag-aagawan ni Astrid at Chrysta ng isang plato na may pancake.



"Astrid!" Tawag ko sa anak ko dahilan para mapatingin sa amin ang lahat. Bumakas sa mukha ng pamilya ko ang tuwa at ganun na rin si Chrysta na nakatulala sa akin.



"Mom! Pancakes!" Nakanguso itong bumitaw sa plato at napipilitang lumapit sa akin.


"Mom?!" Gulat na saad naman ng mga family ko at ni Chrysta.


"Don't tell me na nabuntis kita?! Ikaw ang may lawit!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chrysta at agad tinakpan ang tenga ni Astrid.



"Chrysta!" Sabay sabay na sigaw naman naming lahat.



"Oh please!" Umikot mata nito at naglakad papunta sa akin. Agad na kinuha sa akin ni Rose si Astrid habang ako naman ay napaatras sa biglaan nitong paglapit.




"You left for seven years at pagkatapos babalik kang may anak?! You fuckin' asshole!" Inis na saad nito at sinuntok ako sa balikat.


"Ooww!" Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko, na di man lang pinigilan si Chrysta.


"Ghad! Mapanakit ka pa rin!" Saad ko dito.

"Hey! Don't hurt my mommy!" Lahat naman kami napatingin kay Astrid nang yakapin ako nito. "You can have that pancake! But please don't hurt my mom!"



"Aaawww!"



"Shut up!" Sabay na saad namin ni Chrysta sa mga walang hiya kong barkada.


"Hey kid!" Tawag pansin ni Chrysta sa anak ko bago nito kinuha ang pinag-aagawan nilang pancake at ilahad ito sa harap niya.



"Let's make a deal. You can have this pancake, or I can give you a lot of sweets, in exchange for your mom, how does that sound?" Tiningala ako ng anak ko at nginitian.


"Okay! She's yours!" Walang alinlangamg sasd nito at masayang tumabi kay Zara at kumain. Gusto ko nalang mapatampal sa mukha ko dahil walang alinlangan na pumayag ang anak ko in exchange for food.


"It's settled, you're mine now." Saad nito.


"Astrid?!" Di makapaniwalang saad ko.

My daughter sold me to the devil.








~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

;)

HOW TO STEAL A HEART (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon