Hanggang doon nalang ang usapan namin dahil may gagawin pa daw sya sa Dining Area para sa last dessert daw namin.

Kaya ang pinagtuunan ko nalang ng pansin ay sina Rhea. Medyo marami akong nalaman sa kanila, hindi lang sa kanila dahil kahit yung mga kasamahan nila ay naikuwento nila sakin. Nagkwento-kwento na kasi kami dahil tapos na silang kumain. Ako ay hindi naman ako kumain kanina. Hindi naman ako nahihiya. Ang ganda lang kasing panoorin na may mga kasamahan ka na kahit hindi mo pa masyadong kilala ay kasama mo na sila. 'Parang nawala sa sarili ko nung gabing yun na kilalanin muna sila bago palapitin sa sarili ko.' Tss.

Sa kwento ni Rhea, sya ang panghuling naging myembro ng kanilang groupo. 'Special' ang groupo nila sa Emerald Academy. Mga Group of Wizards na may mga 'Olympia Cards'. Tinatawag silang 'The Powerful Wizards' sa kanilang Academy. Kahit sa Smaragd City ay marami-rami ding nakakakilala sa kanya. Nung Una ay nagtataka sya kung bakit dyan sya sa mga so-called-powerful-wizards napunta, eh wala nga syang Olympia-Olympia Cards nayan. Akala nya kasi sa simpleng 'Class Section' lang sya mapupunta, pero hindi pala. Ang layo ng Imagination nya sa magiging section nya.

'Pareho pala kaming na experience sa First Day of School namin. Sa weirdo ko kasing panaginip, ang sabi sakin ng lintek na babaeng Sophia nayun sa Middle Class ako, eh ang ending nasa Supreme Class pala ako. Tss.'

Habang tumatagal sya doon sa Emerald Academy, dumating ang araw na nalaman nya na yung dahilan kung bakit nasa groupo sya ng mga sikat na 'Chosen' powerful wizards group. Dahil nasa kanya naman pala yung 12 Olympia Cards. Mas nakakagulat pa doon dahil ang lahat nga ng Cards na nasa kanya ay mga 'Original', hindi yung Fake or tinatawag din na 'Clone'.

'Alam ko nadin naman ang tungkol dyan, naalala ko nung napadpad kami sa Smaragd City nila, during our Official Training, pagkasaksak sakin ni Nicole, nawalan ako ng malay then may nakita ako. Nakita ko sya at ang lugar nila na sirang-sira dahil sa pagwawala nila. 'Magic Lost'. Sa sobrang lakas ng Mahika na nasa Labing-Dalawang Olympia Cards, nahirapan syang kontrolin to.'

Pinaliwanag nya samin kung ano ang Ibigsabihin ng tinutukoy nyang mga 'Olympia Cards'. Bale kaming Anim lang ang nag-uusap. Dahil ang Iba ay kumakain pa, ang Iba ay ewan ko lang, ang Iba naman ay halatang ayaw lumapit saming Anim. Pare-pareho silang walang alam sa Olympia Cards nayan, maliban sa akin. Pero syempre nakinig padin ako sa paliwanag nya kahit na may alam nanaman ako.

Pero nang marinig ko ang salitang 'Magiaconatus Book', parang mas ginaganahan pa akong makinig. Kahit sina Scarlet, Medea and Elaine ay hindi napigilang magulat dahil halos pare-pareho silang may alam sa Magiaconatus. Alam na alam nila ang librong yan. Pero ang mas nakakagulat... Sa sinabi ni Rhea...

"May napanaginipan ako... Isang babae na walang mukha, I mean yung mukha nya ay masyadong maliwanag kaya hindi ko ito naaaninag... Sisimulan ko sa una nyang sinabi. Ang 'Olympia Cards' ay gawa ni 'Salacia', ang 'Goddess of Water'. Kilala din ito bilang 'Magic Cards'. Kaya ito tinawag na OLYMPIA CARDS dahil OLYMPIA means a POWERFUL WIZARDS—Ibigsabihin silang mga 'Unang' naging 'Tagapangalaga' nito, the 'First Wizardry'. Then, CARDS for the SYMBOL. And the '12' stands for the PLANETS... Pero, 'Second-name' lang pala yan... Dahil ang Unang pangalan ng olympia cards ay ang '12 Magiaconatus Cards'. Pinalitan ito ni Salacia nang pinarusahan nya ang kauna-unang mga 'Chosen Powerful Wizards'. Nakakahiya daw kasi na hinati nila ang 12 cards, ginawan nila ng mga 'Clones' para sa City na prinoprotektahan nila. Tshaka para nadin laban sa mga 'Enchanters'. Kaya ayun, nagalit ang Goddess sa ginawa nila, pinarusahan niya sabay pinalitan ang pangalan ng cards, saka Itinapon nya ito sa kung saan-saang parte ng Smaragd City... From 12 Magiaconatus Cards to 12 Olympia Cards..."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Where stories live. Discover now