Prologue

1 1 0
                                    

Prologue,

"Umalis kayo dito mga hampaslupa kayo"


"Luis tama na nasasaktan ang bata! Maawa ka"



"Tuparin mo ang pangarap mo tandaan mo nandito lng si mama"



"sus nagpapalambing ang anak ko"



"Ma wag mo akong iwan "



"Patawarin mo ako anak"



"Kinamumuhian kita"

"MAMA!".Napabalikwas ng bangon ang dalaga .Tagaktak ang kanyang pawis. Sari saring eksena ang napaginipan nya tungkol sa kanyang ina , tungkol sa kanyang nakaraan .
Nakarinig sya ng yapak mula sa labas ng kanyang kwarto. Humahangos na pumasok sa silid ang kanyang nakakatandang kapatid na lalaki . Dali dali itong nagtungo at agad niyapos ang kanyang kapatid na kasalukuyang naka upo habang akap akap sa higaan ang dalawang tuhod.

  " Anong nangyari?. Shhhh nandito na si kuya"

Napa hagulgol na lang ang dalaga na halatang balisang balisa.

"K-Kuya si m-mama napanaginipan ko si mama"

"Shh tahan na walang may gusto sa nang yari .ok?"

Patuloy lang sya sa pag-aalo sa kanyang kapatid na patuloy na humahagulgol sa kangyang dibdib.
Awang awa sya sa sitwasyon ng dalaga. Gabi-gabi na lang siyang binabangungot. Ilang minuto ang lumipas unti-unti ng humihina ang kanyang paghikbi hanggang sa tuluyan na itong natigil. Katahimikanbang namayani sa gilid na iyon bahagyang inangat nang kanyang kuya ang mukha ng dalaga at agad pinunasan ang huling patak na luha. Nakatulog na muli ang dalaga marahil ay dala ng pagod sa pag iyak. Dahan dahang inihiga ng kanyang kapatid ang dalaga. Bahagyang hinalikan ang noo ng dalaga at tinitigan nya ito ng ilang segundo. Sinigurado muna nya na mahimbing ang tulognito bago sya naglakad papaalis. Bago nya isara ang pinto muli nyang sinilip ang dalaga.






"I'm sorry. Kung may mga bagay na hindi panasasabi ng katotohanan at tinatago ng mga kasungalingan . Sana maintindihan mo na nagawa lamang ito para sa iyong kapakanan". Bulong nya at tuluyang sinarado ang pinto upang pumunta na rin sa kanyang silid.







A/N: This story is all about family and friendships .No ROMANCE. Meron din namang touch of love pero di ko masasabi na masasalaysay ko talaga. More on family and friendships talaga .
If hindi mo type ang ganitong genre free to remove to your reading list or library . Yun lamang ho salamat
BITTER AKO EH. Chusss🤧

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 14, 2021 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Falsehood And MistakeKde žijí příběhy. Začni objevovat