PART 6

8 1 0
                                    


Kylla's POV

Ano ba binabalak ni George bakit niya gustong patayin si Victoria, at kung may kinalaman man siya sa pagkawala sa mommy ni Victoria, bat niya ginagawa ito lahat? Ano ba kailangan niya?

Umupo muna ako sa waiting area para ma release ang stress ko. Marami na kase akong iniisip, kailan pa ba ako makakabalik? And natatakot din kase ako baka kung mamamatay ako ay hindi na ako makakabalik ng tuloyan kaya masyado akong maingat sa mga taong nasa paligid ko.

Sa kalagitnaan ng aking pamamahinga, ginulat ako ni Katty.

"HOY!"

napadilat nalang ang mga mata ko mula sa pag idlip.

"Ano ba?!" naiinis na sabi ko.

"Hahaha pasensya na," paumanhin niya.

"Masyado kanang stress lately ha? Iniisip mo ba mommy mo?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya, *sigh*

"Marami akong iniisip" sagot ko, sabay uko ng aking ulo at pikit.

"Ok, para mabawasan mo yang stress mo, what if kunin mo nalang ang  stethoscope ko sa Hospital stuff, naiwan ko kase haha" pagaanyaya niya sa akin.

Pero parang tama naman siya masyado akong problemado this days, kaya kailangan ko ding magtrabaho para man lang mabawasan stress ko.

"Ok" sagot ko.

"Nasa nurse station lang ako ha?" Sabi niya sabay alis.

Papunta na ako sa Hospital stuff para kunin ang ipinakukuha niya.

(KINAGABIHAN)

May night shift ako ngayon kaya dito lang ako sa hospital buong gabi, iilan lang ang mga nurses na nandito, may dalawang nurses na nasa nurse station ang iba naman ay chinecheck ang mga patients.

Pero wala kase akong magawa, kaya pupunta nalang ako sa Hospital stuff room para don nalang matulog, wala din namang emergency.

Nangpapalapit na ako sa hagdan may, narinig akong nagkagulo, kaya dahan dahan akong umakyat. Padilim ng padilim ang paligid, bat ba kaseng walang ilaw dito, ng makatungtong ako sa second floor.

May nagkagulo sa private area, kaya nagtago ako sa isang mesa at don sumilip, hindi ko makita ang pagmumukha nila, pero mapapansin mo na may dalawang malalaking katawan na lalake at binubugbog nila ang lalaking naka black hoodie jacket habang naka tayo lang sa kilid ang isang naka doctor suit, hindi ko kase makita ang mga mukha nila dahil narin sa kadiliman.

Dahil sa takot ko at baka makita nila ako, agad akong bumaba.

Sa pagbaba ko nakasalubongan ko si Faith.

"Ok ka lang?" Tanong niya

"Parang namumutla ka ha?" Tanong ulit niya.

"Ah galing kase ako natulog at may napaginipan ako" pagsisinungaling ko.

"hay, uminom ka ng tubig don" sabi niya.

"Ok" sagot mo sabay alis.

(KINABUKASAN)

hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa nakita ko, natakot din rin ako baka nakita nila ako at papatayin.

Natulog ako sa isang bakanteng kwarto sa main floor.

Nang lumabas ako ng kwarto, aktong papasok din sana si Katty na may dala dalang pagkain.

"Para sa akin to?" Lambing na sabi ko.

Abandoned Hospital [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant