Chapter 21

5.8K 177 9
                                    

Nalaman din ni Mommy Dahlia na nandito ang triplets,hiniram niya ito sa akin.May bahay pala sila dito sa US.Mas mabuti na lang nga na nandoon ang triplets para makapag pahinga naman si Kara.Pagkalipas ng ilang araw paunti unti ng tinatanggal ang aparato ni Drey dahil bumabalik na ang kulay nito.Sabi nga ni Doc nag reresponse na ito at tumatalab na pati ang gamot.

Umuwi muna si Jamie sa Pilipinas kasama si Ace at bumalik naman dito si Zack.

Nandito pa rin kami sa bahay ni Jamie.Ang triplets naman kakakuha lang ni Mommy Dhalia ,Mommy na rin ang tawag ko sa Mommy ni Drey dahil iyon ang gusto niya.Gumagayak na ako papuntang hospital, pinuntahan ko muna si Kara para magpapaalam muna ako.

Pero iba ang narinig ko

"Ohhhh..ahhh"-napatigil ako dahil sa ungol sa loob ng kuwarto ni Kara.

Napakagat labi tuloy ako at dahan dahang umalis .

Pag gumising na si Drey, isusumbong ko si Zack!

Pagkadating ko ng hospital,pinauwi ko na ang katulong nila mommy Dhalia dahil ako na ang papalit dito.

"Good morning,love"-bati ko dito at hinalikan ang kanyang labi .

"Ang haba ng tulog mo"-nakasimangot na saad ko dito .

Pumunta ako sa bintana para buksan ang kurtina.

"Kailangan mo ng sikat ng araw,para naman gumanda ang balat mo"-nakangiti na saad ko dito.

"Drey alam mo ba,okay na kami ni Mommy Dhalia,nakakatuwa kasi iyong triplets natin habol na habol sa lola nila"-natatawang sabi ko dito,kahit alam ko imposible na marinig niya ako.

"At isa pa Drey,pagalitan mo si Zack kasi ang bata pa ni Kara ayon kinakain na ng magaling mong kaibigan"-nakasimangot na sabi ko dito.

"Pupunasan muna kita,okay?"-

Pinunasan ko muna ang mukha niya,bumalik na ang kulay nito at may laman laman na ng kunti ang kanyang braso at pisngi dahil nag reresponse na ang mga gamot sa katawan niya.

Pagkatapos ko punasan ,pinalitan ko ang kanyang damit at pajama.

"Sana gumising kana,marami pa tayong plano"-malungkot na sabi ko at panay halik ko sa kamay nito.

"Alam mo ba love si Cassy may Kambal na sila ni Ulysses,Si Ann naman may anak na rin siya sa kaibigan mo din na si Lance,si Kelly sa kaibigan mo rin bumagsak kay Lewis,si Bea at Jenny ayaw pa yata mag aasawa dahil balak pa yata humuli pa ng mga kriminal"-

"Pero si Jamie iyong kaibigan mo din parang ma sekreto siya,pero naiinis ako kay Zack kasi parang pinag lalaruan lang niya si Kara,Si kara kasi ang katu katulong ko sa pag aalaga sa Triplets,balak ko pa nga Hon na tulungan siya makapag aral ulit"-

Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Pero ako never ako mapapagod sa pag hihintay sa iyo,dahil alam ko makakasama ka rin namin "-

"Sana kung may powers lang ako,pagagalingin na kita.Drey mahal na mahal kita,ikaw lang at ang triplets natin ang mahalaga sa buhay ko"-umiiyak na sabi ko na hindi ko na naman napigilan na maging Emotional.

"I love you too"-

Natulala ako dahil nagsalita ito at nakangiti ito sa akin..

"I said I love you too"-ulit na sambit nito.

Humagulhol ako at niyakap ko ito ng sobrang higpit.

"Gising kana!!oh my god! gising kana"-iyak na sabi ko dito.

Secret WifeWhere stories live. Discover now