Chapter 11

5.1K 140 3
                                    

Kinakabahan ako na baka hindi ko na maabutan si Drey.
Mag aalas nuebe trenta na bago ako nakarating ng NAIA.

Pagbaba ko hinanap ko agad ito.

"Drey?!Drey!!"sigaw ko nang makita ko sila na magkasama ng Mommy niya at ni Sara.

"Anung ginagawa mo dito?"tanong agad ni Ma'am Dahlia sa akin.

Hindi ko ito pinansin sa halip pumunta ako sa harap ni Drey.

"Drey akala ko okay na tayo,sabi mo hindi mo ako iiwan"umiiyak na sabi ko dito.

"Sara,Drey halina kayo,papasok na tayo sa loob"-matigas na utos na sabi ng Mommy nito.

"No!Drey ,please nakikiusap ako,puwedi ba ako naman ang piliin mo?"-lumuhod na ako sa harap niya.

"Puwedi ba kami naman ng baby natin ang piliin mo?buntis ako !"nag mamakaawang sabi ko dito.

Pero wala akong nakitang emosyon sa mukha niya.

Humarap ako kay Sara habang nakaluhod.

Yumuyuko akong umiiyak dito at rinig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid ko.

"Maawa ka sa akin,buntis ako.Kailangan ng baby ko ng isang ama"-namamaos na sabi ko dito at hindi na rin ako makahinga dahil sa sobrang pag iiyak.

Pero hindi nito ako pinansin at nilampasan niya lang ako.Pero si Drey nasa harapan ko pa din.

Tumingala ako dito,hindi ko mababasa ang emosyon sa mukha niya.

Mapait akong ngumiti ng nilampasan niya rin ako.Parang nahirapan akong huminga.Parang tumigil na rin ang mundo ko.Hindi ko namalayan kung ilang minuto ba ako nakaupo sa semento at panay tingin sa akin ng mga tao.

Parang wala akong nararamdamang sakit kundi galit at pagkamuhi.

Maya maya lang may nakita akong isang kamay na inaabot sa akin.

Tumingala ako dito.

Si Zack Santiago.

Kinuha nito ang kamay ko at dahan dahan niya akong pinatayo.

Hindi na ako umimik,sumunod na lang ako hanggang hila hila nito ako patungo sa kanyang sasakyan.

"Start your new Life Jane,huwag mo sirain ang iyong buhay sa walang kwentang lalaki katulad ng kaibigan ko!"-galit na sabi nito.

Saksi ako sa nakita ko kanina na lumuhod ito harap ni Drey at Sarah.Nandoon kaming magkakaibigan dahil nga hinatid namin sa Airport si Drey.Hindi namin alam na asawa din ni Drey si Jane.Nakilala ko si Jane sa University noong nakaraang buwan.

Pati mga kaibigan ko medyo galit din kay Drey.Ano man ang reason ng kaibigan namin mali pa rin ang ginawa niyang pag iiwan sa mag-ina niya.

"Ayoko ko na mabuhay"-paos na sabi ko dito.Walang luha na tumutulo sa mata ko.

"Hindi mo dapat iniisip iyon,Umalis si Monteverde pero may kapalit,Nandiyan ang baby mo,magsimula ka kasama ang baby mo"mahinahong sabi ni Zack.

"Madali lang sabihin kasi hindi ninyo alam ang nararamdaman ko!"-diin na sabi ko dito.

"I'm here to help you,hindi kita iiwan.Nandito din ang mga kaibigan ko"-sagot nito na hinawakan pa niya ang kamay ko.

Tama.Umalis si Drey pero may iniwan na kapalit at iyon ang triplets ko.

"Sabi mo tutulungan mo ako right?"-tanong ko dito.

Ngumiti ito sa akin at tumango.

"Nakikiusap ako ,tulungan mo akong makauwi sa Probinsiya"-nagmamakaawang saad ko dito .

"Kung iyan ang desisyon mo,sige tulungan kita "-sabay haplos niya sa aking pisngi.

Ipinapangako ko sa aking Sarili hindi ko pababayaan ang mga anak ko kahit itinakwil na kami ng kanilang Ama!

Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon