Chapter 9

4.9K 152 7
                                    

Pumunta ako ng hospital para magpa check up.Sobrang daming buntis at pilahan pa,kaya natagalan bago ako tawagin.

"Jane Fuentes?"tawag sa akin ng Nurse.

"Ako po iyon"taas kamay na sabi ko.

"Ma'am pasok na po kayo sa loob"-

Pumasok na ako sa isang kuwarto kung saan nandoon ang doctor.

"Please have a sit ma'am"-sabi ng isang napaka guwapong doctor na medyo napatulala pa ako.

"So your two months delayed?"-he ask me.

"Ye-Yes po"nabubulol na sabi ko dito na biglang tumawa ito ng mahina.

Ang seksi niyang tumawa.Grabi na starstruck talaga ako.

"Are you nervous?"-nakangiting tanong niya sa akin.

"Po?hindi po!"-medyo napalakas pa ang pag sagot ko dito.

Ngumiti lang ito sa akin.Diyos ko ,hindi ko akalain na may doctor pala na ganito ka guwapo.

"Can you lay down here"- turo niya sa isang mahabang kama.

"I'm gonna check the heartbeat of your baby"-saad pa nito.

Tumayo ako at humiga sa kama,tinaas niya ang damit ko at may nilagay na malamig na cream sa tiyan ko,hindi ko alam kung ano iyon.

"Oh!"-sabi niya na ikinagulat ko.

"Bakit po?"kinakabahan na tanong ko.

"There's have three heartbeat"-namamanghang sabi niya na ikinagulat ko ng sobra.

"May lahi ba kayong triplets?"tanong nito.

"May mga kambal po ako,pero namatay sila noong isinilang at ako lang ang nabuhay"-blangko ang mukha ko dahil hindi ko talaga akalain na tatlong baby ang nasa tiyan ko.

"I'm sure masaya ang husband mo"nakangiti na sabi nito.

"Wala po akong Asawa"mahinang sabi ko na ikinanganga nito.

"Ahhmm..You need to be Careful kasi medyo mahina ang kapit ng mga baby's mo"paalala niya sa akin.

"Doc?kailan ang balik ko ulit? malaki po ba ang babayaran?"tanong ko dito na nag aalala din ako kasi kaunti lang ang pera ko.

"Bumalik ka ulit dito sa akin kapag three or four months na ang tiyan mo para mabigyan kita ng Vaccine"-saad nito na may nililista sa papel.

"Mahal po ba ang Vaccine? puwedi po ba mag discount?wala po kasi akong sapat na pera"-malungkot na sabi ko dito.

Tiningnan niya ako.

"Libre ang check up mo until manganak ka"-saad nito na sobrang titig na titig sa akin.

"Nakakahiya naman po"-

"It's okay Miss Fuentes,alagaan mo lang ang baby mo"-nakangiti na sagot nit.

"By the way, I'm doctor Garret Fournier"sabay lahad nito ng kanyang kamay.

Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay, sobrang lambot ng kamay nito.

"Here's my calling card,if you need help don't hesitate to call me,okay?"-sabi nito na talagang napakabait.

"Salamat po, nakalimutan ko po pala magpakilala,Jane Fuentes po pala"-nakangiti na saad ko dito.

"Your so pretty Jane"-sagot nito sa akin na ikinapula ng buong mukha ko.

"And Can you stop saying po,parang sobrang tanda ko na pag ganun"-natatawang sabi nito.

"Okay Doc"-nakangiti na saad ko dito.

Nagpaalam na ako na uuwi na at lahat ng vitamins at gamot ko ay nilibre na niya.Sobrang bait talaga ni Doc Garret.

Pagkadating ko sa inuupahan ko na apartment nadatnan ko si Drey sa labas ng pinto.Alam na niya pala kung saan ako nakatira.

Nakita agad ako nito.

"Jane-" sambit niya agad sa pangalan ko.

"Anong kailangan mo?"-tamad na tanong ko dito.

"Okay ka lang ba dito?"mahinang sabi niya.

"Yes,okay lang ako.Nakita mo naman di ba?bakit nandito ka baka makita ka ng Asawa mo"-nang uuyam na saad ko dito.

"Jane, I still love you"-mahinang sabi nito at tiningnan ko na may luha pa ito sa kanyang mga mata.

Secret WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя