Chapter 2

5.7K 150 0
                                    

Nakapag ayos na ako ng sarili ko,pupunta na ako ng paaralan.Hindi pa rin Umuwi si Drey.Baka magkita rin kami sa paaralan,lagi kasi siya doon.

PAgdating ko sa School,pumunta muna ako sa tambayan namin.

"Hi,jane"bati agad sa akin ni Cassy .Napakaganda ni Cassy,pero isip bata pa din.Sobrang bait din niya, actually silang apat, sobrang bait.

"Jane,malapit kana maka graduate iiwan mo na kami."maiyak iyak na sabi ni kelly.Si kelly iyong pinaka maloko.Lahat na lang kalokohan  nasa kanya na.

"Nandito pa din ako,hindi ko kayo iiwan"..natatawang sabi ko.

"Arti mo kelly"sabi ni Bea na panay kain nito ng pansit.

"Saan kaya si Ann?akala ko pupunta siya dito"tanong ni Cassy

"Mamaya daw"saad ni Bea.Si Ann anak siya ng isang Senador pero napaka humble ni Ann.Hindi lahat nakakaalam na anak siya ni Senator. Hindi pinapakita ni Senator ang mga mukha ng kanyang mga anak sa media.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil may pasok pa ako,sumaglit muna ako sa kabilang building kung saan nandoon ang office ni Drey.

Sumilip ako pero walang tao.Malungkot ako na bumalik sa kabilang building ulit . pagdating ko sa class room as usual maingay na naman.

"Shit!nakita ko si Sir Drey Monteverde kagabi "wika ng kaklase ko na bigla na lang ako napaupo ng tuwid.

"Saan?"segundang tanong ng mataba kong kaklase

"Last night is the anniversary ng parents ni Sir Drey,of course we are invited,nakita ko siya na may kasama na napakagandang babae, fiancee daw niya"sabi ng kaklase ko.

Fiancee?how come?eh asawa niya ako.Kahit secret marriage kami dapat he will respect me.Natatakot ako,gusto ko umiyak.

"And you know what,ipinakilala niya rin naman iyong babae last night,model siya sa Victoria Secret,wala na tayong panama doon"dagdag pa nito .

Dali dali ko kinuha sa bag ko ang cellphone.Tinawagan ko ito,pero ring lang ng ring ito.Tinext ko ito na tawagan ako.Hindi ako makapag concentrate sa klase ko,ang dami kong iniisip.Kailangan ko umuwi agad,hindi na ako magpapaalam mamaya sa mga kaibigan ko,e text ko na lang sila.

Pagpatak ng alas kwatro ng hapon, dumiretso na ako palabas ng gate at nagpara ng taxi pauwi sa bahay.Sana nakauwi na siya ,gusto ko marinig mismo kay Drey ang totoo.

Nanlumo ako na wala pa din ito,gusto ko sumigaw na napakalakas.
Maya maya nag bukas ang pintuan.Si Drey!umuwi na siya.

"Drey".patakbo akong lumapit dito at niyakap ito.

"Bakit hindi ka umuwi,Drey naman eh,ni hindi ka man lang nagtext o tumawag nang hindi ako mag alala sa iyo"mahabang sabi ko dito

"Pagod ako Jane,I need to rest"sabi nito at tumalikod na papunta sa taas kung saan ang kwarto namin.

Nagbago na siya,hindi na siya tulad dati na napakalambing at makulit.ayoko ko isipin ang sinabi ng kaklase ko,pero hindi ko maiwasan isipin iyon na lalo ako nasasaktan.

Sumunod ako da kanya.nadatnan ko siya na nakahiga na at nakapikit na ang mga mata.

"Drey?"tawag ko dito pero hindi ito sumasagot.Napabuntunghininga na lang ako.Mamaya ko na lang siya siguro kausapin ,ipagluluto ko muna siya ng hapunan.

Ipinapangako ko na magsisikap ako para hindi ako mapapahiya sa pamilya ng asawa ko.Sobrang hirap pag hindi kayo pareho ng estado ng buhay ng iyong asawa, haggang kailan niya ako itatago ? Hanggang kailan ako magtitiis sa sitwasyon na ito.kahit pakiramdam ko niloloko na niya ako.

Nag iisa lang akong anak,ang Nanay ko namatay na dahil sa malubhang sakit ni hindi ko nga kilala ang mga grandparents ko na mga magulang ng aking ina.kahit ang tatay ko hindi ko kilala dahil namatay na ito noong dalawang taon pa lang ako.Ayoko ko na mangyari ito sa akin,natatakot ako na iwanan din ako ni Drey parang hindi ko kayanin.




Secret WifeWhere stories live. Discover now