05

43 11 17
                                    


|CHAPTER 5 |

***


KINABUKASAN maaga akong nagising. Ang sarap ng tulog ko, siguro dahil nasa probinsiya ako. Malamig ang simoy ng hangin, wala masyadong ingay ng sasakyan at mga tao hindi katulad sa Manila na umaga pa lamang mga bunganga na ng mga marites ang maririnig. Ang maririnig mo rito ay ang paghampas ng alon sa dagat at mga huni ng ibon.

Tumayo ako sa aking higaan at nagtungo sa banyo para makapag-ayos ng sarili.

Palabas na sana ako ng aking silid ng mahagip ng aking tingin ang jacket ni Caden na isinabit ko kagabi sa isang coat stand. Nilapitan ko iyon at nalanghap ko na naman ang kanyang pabango na naghahalo sa kanyang natural na amoy, his scent is really addicting.

Kagabi nga para akong buang, i kept on smelling his jacket because I was addicted by his scent.


Sumunod kaagad ako kay Caden kagabi pagkatapos kong suotin ang jacket niya dahil nalalamigan talaga ako.

As I go back to the hall i keep on smiling, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nangyari. Hindi ko mapigilang kiligin, sino ba ang hindi kikiligin?pinahiram niya sa akin ang jacket niya so it means may pake siya sa akin or I'm just assuming things?.

I admit it!, Meron akong nararamdaman para sa kanya. I feel like I'm attracted to him, pero hindi ako sigurado sa aking nararamdaman.

Tama nga siya hinahanap na ako sa loob ng bulwagan para sa picture taking. Iniwan ko si Gino doon sa may swing ng walang paalam.

Gagong! lalaking yun nanghahalik bigla.

Dad seems to noticed the jacket I was wearing so he asked me who it belonged to, ang sinabi ko nalang na akin iyon. And tita Harriet on the other hand, she said that the jacket is familiar to her, I just smiled  at her.



Ng matapos na ang party hinanap ko si Caden upang isauli sana ang jacket, ngunit hindi ko siya nakita. Maybe he was with Vixen?


LUMABAS na ako ng aking silid, sakto rin na lumabas si Caden sa guest room na katabi ng aking kwarto. He looks really fine in the morning. Wearing a black shorts , and a white shirt na hakab na hakab sa kanyang maskuladong katawan.

I smiled at him, then went downstairs to eat breakfast.

Pumunta ako sa komedor upang mag-agahan. Naabutan ko si Nanay Meding doon na abala sa pagmamando sa ibang kasambahay.

Nanay Meding is a Mayordoma here in our house, ang kanyang asawa rin ang namamahala sa kwadrahan. Malapit si nanay Meding sa akin dahil naging yaya ko rin siya.

We treat our helpers  here as a part of our family, not just as a worker.

" Good morning, nanay!" masiglang bati ko sa kanya. Napapitlag siya dahil sa gulat at muntikan na niya akong mabato ng sandok.

" Diyos ko!, ikaw talagang bata ka." Kita sa mukha niya ang pagkagulat, nginitian ko lang siya.

" Sorry na nanay" natatawang sabi ko sabay yakap sa kanya.

" O, siya sige, pumunta kana roon sa hapag, nandoon na sila" Tumango ako at sinunod siya. Naabutan ko roon sina Papa, Tita Harriet at si Caden na nakaupo na sa hapag.

Ang bilis niyang naka-abot rito ah, hindi ko man lang namalayan.

May super powers ba siya?

Naabutan ko sila doon sa hapag na nag-uusap.

" Good morning, Papa" I greeted my dad before kissing his cheeks.

Loving you in every Chances Место, где живут истории. Откройте их для себя