Unang pumutol ng katahimikan ay si Hellos."That's imposible, wala akong natatandaang naging anak si Isabell." That's the name of the witch na gustong buhayin ni Francis.

Walang anak si Isabel? Then bakit siya tinatawag na nanay ni Francis?

"Then, that bastard must be one of her human experiments." Dagdag ni Zeid habang nakahawak sa kaniyang chin.
"That's possible.. Maybe before she died, she's been able to hide one of those.."

"Teka ano ba itong mga human experiments na 'to?" Tanong ko.

"Sila yung mga batang in-experimentuhan ni Isabell.. Brainwashing, torture, dissection.. Ginagawa nitong parang hayop ang mga bata at gagawing alipin." Sagot ni William sabay umigting ang kaniyang panga. "Isa ang aking ama sa mga taong nakipaglaban sa last war of the witches at binuhos niya ang kaniyang buhay para lamang maligtas ang mundo.. Tapos ngayon may gustong ulitin ang pangyayaring 'yon? Hangal!" Bakas sa kaniyang boses ang galit nito.

Of course, sino ba ang hindi magagalit? That war was a victory but it also caused deaths of hundreds of lives. G*go ka talaga Raye, you caused a huge mess to your own novel. Hindi ko na rin binanggit ang pangalan niya dahil baka masugod siya ng wala sa oras.



"So.. What would be our plan?" Tanong ni Hellos. Napatahimik ulit ang paligid.

"We should first find where that bastard is hiding." Sagot ni Zeid. "And probably, getting information through that bitch Lucia.."

"Kung gano'n, kailangan natin siyang arestuhin sa lalong madaling panahon." Pagtuloy ni William.
Yes, it should be like that... Kailangan naming gumawa ng paraan para pigilan sila as soon as possible.

"Y-your highness.. You're bleeding!" Biglang sabi ni William sa 'kin at doon ko na napansin ang pagtulo ng kung anong likido sa 'king ilong.

Napahawak ako rito. Blood. Agad naman akong inabutan ng panyo ni Zeid at inilagay sa ilong ko.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

Napatango ako. "Yeah, I'm okay... Don't worry." Ngiti ko but still, he looked at me with some unknown expression.










That same day, inayos na rin nila kaagad ang imperial order for arrest para kay Lucia at mukhang mamayang hapon na rin nila aarestuhin ito. Currently, naglalakad ako sa hallway papunta sa imperial library because, well, magbabasa na lang ako ng libro habang hinihintay ang balita. Wala naman akong ibang alam na gawin e.

(–,–)

"Just let me see her!"

Napatigil ako bigla nang mapansin ang kumpol ng mga maids sa 'di kalayuan sa 'kin. Hmm? Anong nangyayari doon? Nagsimula na akong lumapit do'n at napasilip. Huh?! Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Revia na nakasuot ng maid outfit habang may mga Knights din na hawak-hawak ang magkabilang braso nito. 

At anong ginagawa niya rito? I thought she's under house arrest?

"Let me go! Kailangan ko lang siyang kausapin kahit saglit lang!" Mangiyak-ngiyak niyang pakikiusap.

"Hindi pwede, Lady Revia.. Nandito ka na naman ba para saktan ang crown princess?!" Tanong sa kaniya ng isang knight.

Umiling ito. "No! W-wala akong planong gano'n!" Hagulgol niya.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن