Chapter 5: Beautiful Mess

ابدأ من البداية
                                    

After imagining I slowly open my eyes.

“Did you know class that as long as you can imagine it, you can have it?” masayang saad ni ma'am. Napatango-tango naman ang ibang kaklase ko habang ako ay naghihintay lang ng susunod niyang sasabihin.

“We have given the power to imagine it so it only means that were given a chance too to make it come true!” But it's just an imagination. Paano kung ang imagination mo ay sobrang impossible, do you think it will come true? 'Yan ang gusto kong itanong kay ma'am but instead I remained silent.

Natapos ang klase na tungkol lang sa mga pangarap ang topic ni ma'am Cassadie. May pangarap ako sa buhay pero hindi parin ako pani-paniwalang may pag-asa pa kaming makaahon sa kahirapan. Alam kong kapag naging professional na ako ay matutulungan ko na si Mama but do you think maaahon nito kami? As long as were breathing we will always have the dilemma to deal with.

Didiretso na ako sa engineering department at may duty pa ako kay senyor Apollo. Hay naku!

Tinignan ko ang schedule niya at agad pinuntahan ang classroom kung nasaan siya. Pagdating ko roon ay nakita ko itong natutulog. Seriously? Tinutulugan niya lang siguro ang klase niya!

Konti nalang ang mga kaklase niya at ang iba ay pumunta na sa next subject nila. As far as I know wala naman siyang susunod na klase. May iilang estudyante ring pumasok, siguro rito ang susunod nilang klase.

Labag man sa aking kalooban ay pumasok ako at tinungo ang upuan kung saan natutulog si Apollo. Ilang sandali akong napatitig sa maamong mukha niya. Matangos ang ilong nito, mahaba ang kaniyang pilik mata at manipis ang malarosas niyang labi. Dumako ang tingin ko sa itim na malambot niyang buhok. Gulo-gulo ito pero hindi ito bumawas sa kagwapuhang taglay niya. I'm not fantasizing I'm just saying the truth because what's the purpose of lying anyways.

Umiwas ako ng tingin nang biglang bumakas ang mata nito.

“Your stare is uncomfortable,” saad niya. Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Kanina pa siguro niya alam na tinititigan ko siya. Baka ano pang sabihin niya!

“Nagdududa lang ako at bakit  hindi ka nakikinig sa guro mo at nagawa mo pang matulog!” palusot ko. Humikab ito at tumayo na. Bigla itong umalis palabas ng classroom. Kita mo na? Wala talagang modo!

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at masyadong mataas ang mga paa niya. Bakit ba kasi ang tangkad nito?
Sinusundan ko parin siya at sa likod niya lang ako nakabuntot. Bigla itong huminto kaya bumangga ako sa likod niya. Napahawak ako sa noo ko dahil sa impact. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang siyang humihinto!

“Stop following me,” mahinahong saad nito. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Kahit anong sabihin niya hindi ko naman siya susundin!

“Ayoko nga. Inutusan ako ng dean at sa kaniya lang ako susunod!” tugon ko. Huminga ito nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko kung anong meron sa kaniya at lahat ng kababaihan sa nadadaanan naming department ay kinikilig pag nakikita siya pero pag nakikita nila ako ay bigla naman akong iirapan.

Hindi ko alam kung saan nga ba siya pupunta. Napagtanto kong ang daang tinatahak namin ay patungong library pala. Mag-aaral naba siya? Kung ganon edi mapapadali ang trabaho ko!

Hindi nga ako nagkamali at huminto nga siya sa library. Pumasok ito na hindi man lang sinulat ang pangalan niya sa record book. Hinayaan lang naman siya ng librarian.

Agad ko namang isinulat ang pangalan ko dahil hindi naman ako exempted. Bakit anak ba ako ng may-ari ng school?

Malaki ang library at hindi ko na siya makita. Marami pa namang pasikot-sikot dito. Inisa-isa ko ang bawat sulok at natagpuan ko naman siya sa pinakadulong bahagi ng library. Nakatabon ang isang libro nito sa mukha. Mabuti nalang at nagbabasa na ito.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن