TS - Chapter 3 ~ Meeting him...

Start from the beginning
                                    

HUGAS PINGAN.

LIGO.

BIHIS.

ALIS.

*sa office*

"SELENAA~!!!" Sino pa bang sisigaw ng pangalan ko ng ganito kaaga?

"Good Morning din sa'yo~" then I rolled my eyes. Lumakad ako papunta sa office ko.

"Selena, last night was... AMAZING!" sabay hawak niya sa pisngi niya. Hayy, kahit kelan talaga nagmana to sa nanay niya eh. "Grabe, kung nandun ka lang. Malamang mag-eenjoy ka rin." Makangiti naman to wagas. Nakatira ata eh. Or should I say, natira? Psh.

"Max, alam mo naman na hanggang tingin lang ako sa mga lalaki ngayon noh. Ni hindi nga ako nahawak ng lalaking client eh, alam mo yan." binuksan ko ang pintuan ng office ko at umupo sa upuan ko.

"Alam ko na man-hater ka pa din hanggang ngayon," he shrugged at umupo across my desk. "Gusto ko lang namang malaman kung pwede pang magbago isip mo eh."

"Una sa lahat... Hindi ako MAN HATER. Di ko lang talaga feel na makipag-socialize sa opposite sex." Binuksan ko ang laptop na nasa desk at tinignan ang mga naka line-up kong meeting with the clients.

"Okay, di na kita pipilitin kung ayaw mo. I'll go ahead, may meeting pa ko." then lumabas na siya ng pinto na all-smiles dahil sa nangyari sa kanya kagabi.

JASON'S POV

"Manong eto na ba ung address nung building na binigay ko?" sabi ko dun sa taxi driver.

"Oo, yan na yun. LSA buiding eh."

"Ah sige po. Eto na bayad oh." Tas bumaba na ko. Hassle talaga pag wala ung driver ko.

Pagpasok ko sa loob pumunta ako sa information desk.

"Yes, sir. How can I help you?"

"Ah, san ba ang office ni Ms. Selena De Vera?"

"Do you have an appointment with her, sir?"

"Ah, wala eh. Sabi niya lang kasi, pumunta ako dito. Pero wala siyang sinabing araw eh."

"Wait lang po ah?"

 Tumalikod ung babae tapos nagdial sa telepono.

Ano ba yan, kinakabahan ako. Papayag kaya siya? Sana naman. Kasi eto na ung last chance ko eh, konting panahon na lang ang meron ako. Kaso lang di niya pa ko lubos na kilala baka maalangan siya sakin. Pero kahit na, kaya ko naman magbayad eh kahit magkano pa yan. Hayy, bahala na nga mamaya.

Biglang humarap ung babae at tinanong ung pangalan ko.

"Jason, Jason Villareal."

Sinulat niya sa papel ung pangalan ko tas nagsalita ulit. "Ah sige sir, dun po muna kayo sa lobby. Dun niyo na lang po siya intayin."

Tumango lang ako at pumunta sa direksyong tinuro niya. Wow ha, ang ganda pala ng loob netong buliding na to, parang hotel lang. Ayun na yata ung lobby. Makaupo nga sa sofa na un.

SELENA'S POV

Nagring ung telepono habang may kausap akong kliyente. Lintek sabi nang ayoko ng nagpapaistorbo pag may kausap ako eh. No choice kaya sinagot ko na din. Information desk pala.

"Ah, ma'am may naghahanap po kasi sa inyo eh."

"May appointment ba yan sakin? Kung wala, paintayin mo na lang sa lobby, may kausap pa ko dito eh. Alam mo namang ayokong nagpapaistorbo diba?"

"Sorry po ma'am. SIge po ako na pong bahala."

Binaba ko na agad ung telepono.

"Uhm, where were we?"

Ay nako, eto na nga ba ung sinasabi ko eh. Nawala na ung concentration ko. Panira naman ng diskarte oh! Bukas na bukas din papaputol ko na tong pesteng telepono na to eh. At ipapadaan ko na lang kay Max lahat ng tawag.

After 15 minutes lumabas na din ung client ko. At dahil nga nawala sa momentum ung pag-uusap namin feeling ko ang pangit ng binigay kong payo. Matignan nga kung sino ung nanira ng araw ko at ng masira ko ang buhay niya. Psh.

Pagbaba ko pumunta agad ako sa information desk at tinanong kung nasan na ung naghahanap sakin.

"He's in the lobby ma'am. Eto na din po pla ung pangalan niya." iniabot niya sakin ang isang sticky note.

Jason Villareal..

Wala naman akong kakilalang ganun ang pangalan ah? At lalaki to malamang. "Ahm, anong itsura niya?"

"Medyo matangkad po, maputi. Tapos naka eye glasses po."

"Ok, thanks, Liza."

Pagdating ko sa lobby di ko na pala kailangang ipadescribe sa kanya kasi siya lang mag-isa ung tao dun. Nakatalikod siya kaya di ko pa rin makita ung itsura niya. Pero parang pamilyar siya. Nung malapit na ko sa kanya tinawag ko ung pangalan niya. "Mr. Villareal?"

Paglingon niya di ko pa rin maalala kung kilala ko ba siya. Parang nakita ko na siya pero parang hindi, ganun ung dating sakin.

"Good Afternoon, Ms. De Vera." medyo nag bow siya sakin. Halata mong kahit lalaki siya nahihiya pa rin. "Jason Villareal." tapos nilahad niya ung kamay niya sakin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo mas matangkad nga siya sakin. Maputi, di siya ganun kasingkit tulad ni Max. Maganda ang mga mata niya, medyo matangos ang ilong. Tapos ung lips niya mapula parang nag lip gloss.

"Is there something wrong?" Ay, nakatulala na pala ako sa kanya. Tae, ayoko pa naman na nahuhuli akong nakatitig sa isang tao. Iniabot ko na lang din ung kamay ko sa kanya. Ang almbot ng kamay niya parang babae.

"Nothing. Uh, have we met?" Segue na lang.

"Yeah. Sa bar, kagabi?" Wait, parang naalala ko na ah? AH!

"Ah right, ikaw ung nagwawala sa bar pero walang napansin?" Tumango naman ang loko.

"Paano mo nalaman na dito ako nagwowork?"

"Binigay mo sakin to oh." Iniabot niya sakin ung isang calling card. Oo nga pala iniabot ko to sa kanya bago ako umalis ng bar.

"Okay, so? I mean anong meron at sinadya mo pa ako dito?"

"Diba sabi mo tutulungan mo ko?" tapos parang nagliwanag ung mukha niya.

CRAP. Di ako natanggap ng lalaking client!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 Done! Nagkita na sila~ hehe. Ano sa tingin niyong tulong ang hihingin ni Jason kay Selena?XDD

Si Jason sa gilid ♥--->

VOTE. ♥

COMMENT. ♥

BE A FAN (kung trip niyo lang). ♥

The Sex TeacherWhere stories live. Discover now