"Tsk, fine..",payag ko na lang.

"Alright, meet me at my usual place. Tell Red to come here also"

"Oo na, oo na.."

Naunahan naman ako nitong ibaba ang tawag. Napabuntong-hininga lang ako at tinawagan si Red.

"Bakit?",tanong nito.

"He's asking to drink with him again",sagot ko.

"So he's at it again? I thought he stopped this past few days?"

"Ewan ko. Baka nag-crave lang"

"Siraulo. Osige, saan ba siya? Doon ba ulit sa laging pinupuntahan niya?"

"Oo",sagot ko.

Matapos kong ibaba ang tawag ay agad din akong nagbihis at umalis ng bahay. Nang makarating ako ng bar ay naabutan ko si Xen na umiinom na.

"Bro, may problema ka na naman ba?",tanong ko sa kanya.

"Bakit? Hahanapan mo ba ng solusyon?",sa halip ay anas niya.

"Oo, kung makakaya ko lang"

"Tsk, wag na. Hindi mo kaya"

Nag-usap lang kami habang hindi pa dumadating si Red. At nang dumating dito ay sumali naman siya sa amin.

Ilang oras ang nagdaan ay napapansin naman namin na nalalasing na si Xen. At kung ano-ano na ang sinasabi nito.

"*hic* Ito pa...a--alam niyo bang nakita ko siya *hic* noong nakaraang linggo?",aniya.

Nagkatinginan kami ni Red.

"Si Ashton pa rin ba yang tinutukoy mo?",tanong ko kay Xen.

"Eh sino pa ba? *hic*",sagot nito. " *hic* Sa.. sa parking lot pa n--nga ng building ku..kung saan ang condo ko siya *hic* nakita. At simula no--noong  *hic* noong araw na yun, lagi na akong pumunta ng pa--parking lot baka *hic* sakaling makita ko siya. Pero mannn...hindi man lang yu...yun nangyari. Kasi y-yun pala ay guni-guni ko lang i--ito. Dahiiill..lasing ako konti. Ang...ang sakit lang. A-akala ko na *hic* na makikita ko siya. Kasi*hic* parang totoo talaga yung nnn..nakita ko nun eh. Hin---"

Hinayaan lang namin siyang magsalita hanggang sa masabi niya lahat. Nagkatinginan uli kamin Red.

"Anong palagay mo sa sinasabi niya?",tanong ko kay Red habang nagsasalita pa rin si Xen sa tabi ko.

"I don't know..",sagot nito.

"Pero posibleng totoo ang nakita ni Xen. Ngayon lang to nangyari sa kanya diba? Hindi naman siya naghahalucinate sa mukha nung tao sa tuwing naglalasing siya noon"

"Hindi natin alam. Sinabi niya nga diba na lasing siya ng araw na yun?",aniya.

"Hayss ewan ko na lang...."






                             ******

KINABUKASAN...




DAVINCI'S POV:

Habang tumatambay kami dito sa tabi ng school field ay narinig na naman namin ang isang pangalan na sentibo para sa aming lahat na magkaklase.

Tiningnan ko ang grupo ng mga babaeng  pinagkukwentuhan ang taong nagmamay-ari ng pangalan na yun sa gilid ko gamit ang aking peripheral view.

"Kung alam lang nila",sambit ng kakambal ko.

Naiintindihan naman namin  pinapahiwatig nito. Pinag-uusapan kasi ng mga babae ang pangungulila nila sa taong yun at ang magagandang panlabas na katangian nito.

"Totoo ba talaga yung ipinagtapat niya noon? Parang napakaimposible lang kasi. Hindi araw-araw maririnig o makikita at mararanasan natin yung tulad nun",sambit ni Harold.

"Mas nag-improve ka na Harold ah",komento ni Leo.

"Tsk, siya na nga ang nagsabi diba?",anas ni Vincent kay Harold.

"And that means those whole time na kung ano-ano ang pinaggagawa natin sa classroom ay nakikita ng isang babae lahat? Lalo na tuwing monday during p.e class natin?",sambit ni Cedric.

Isa-isa namang nagpulahan ang mga pisngi nila.

Ngayon lang talaga nila naisip yan?

"Pero hindi ba kayo nagtataka? Kahit na babae siya eh mas malakas pa siya satin. At bakit niya ginawa yun? Bakit siya nagkunwaring iba? May koneksiyon kaya ito sa mga taong nakaaway niya noong araw na yun?",sambit ko.

"That make sense...",lintaya ni Wade.

"Hayss...kailangan talagang bumalik yung taong yun. May utang pa siyang eksplanasyon sa atin",Vincent.

"Maiba ako, ano na ang gagawin natin sa dalawang babaeng yun?",anas ni Iman.

Tinutukoy nito sina Rese at Xia.

"Oo nga, mukhang nagsasabi naman ang dalawang yun ng totoo",Cedric.

"Pero nagsinungaling pa rin sila",salungat ni Leo.

Napabuntong hininga na lang ako.












SHE became the campus HEARTTHROB (Season 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя