"Naiintindihan kita Xi. Pero mas mabuti rin na sila ang haharap sa kapatid mo dahil alam nila ang dapat gagawin. At para rin malaman nila kung gaano kalala ang kalagayan niya"

I sighed.

"You have a point..."







XENON'S POV:

I click my tongue while driving as I think of the argument again I have with mom earlier.

Hindi ko sila maiintindihan. Bakit sobra kung mangingialam sila sa buhay ko. They already freeze my bank accounts and I didn't complain to them about that. But now, they even want to take my condo back and want me to stay again at the house, and even forbid me from drinking? That's so freaking annoying.

It's my only escape from everything. Why do they want to take it away? They don't don't understand my situation.

Hindi nagtagal ay narating ko rin ang destinasyon ko. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakapasok sa underground parking lot nang may makasalubong akong pamilyar na bigbike na sasakyan. Pero hindi yun ang nakapagpatigil sa akin kundi ang taong sumasakay dito.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at dali-daling bumaba ng sasakyan. Tumakbo ako palabas at hinanap ito. Nilibot ko ang lugar na pwede nitong daanan hanggang mapagod ako, ngunit hindi ko pa rin ito mahagilap.

F*ck! It's her! Hindi ako pwedeng magkakamali! I swear to go God it's her! The bigbike! The body built! And the face! She finally came back!

Natigil ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Naalala ko naman ang dalawang can ng beer na ininom ko kanina bago pumunta ng bahay. Ngunit inalis ko din yun sa aking isipan dahil alam kong wala namang epekto sa akin ang ganun karami.

Di nagtagal ay napagpasyahan ko ring bumalik sa kotche at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Hindi naman matanggal ang ngite sa aking bibig hanggang sa makapasok ako ng condo ko.

***

Kinabukasan ay tumambay naman ako sa parking lot, baka sakaling makita ko siya ulit ngunit hindi ito nagkatotoo. Pero hindi ako susuko kaya bumalik ako ulit kinabukasan. Itinigil ko na rin ang pag-inom upang hindi ako madala sa lasing at masira ang lahat.

Ngunit lumipas na ang isang linggo at hindi ko pa rin siya nakikita. Ngayon nagsisi ako kung bakit ako uminom noong araw na yun. Hindi ko mapagkailang naisip ko minsan na baka namamalikmata lang ako noong araw na yun o di kaya naghahalucinate. Pero sana hindi ito ang totoo. Ang sakit na eh..ang sakit-sakit na. Araw-araw na lang akong umaasa. Umaasa na babalik siya. Na magkita ko siya uli.

















MAT'S POV:

Abala akong nagv-video game nang biglang tumunog ang phone ko sa mesa. Nakafull volume kasi ito kaya naririnig ko ito.

Tinapos ko muna ang kalaban ko bago ito sinagot.

"Yes bro?",tanong ko kay Xen sa kabilang linya.

"Let's drink",aya niya.

"Diba pinagbabawalan ka na niyan? Tsaka paano ka iinum eh finreeze nga ang lahat ng accounts mo? Ano na ang ipangbabayad mo sa iinumin mo?",tanong ko.

"Tsk, I'm not literally penniless"

"Pero bro---"

"Are you coming or not?",putol niya sa akin.

SHE became the campus HEARTTHROB (Season 2)Where stories live. Discover now