"Sa office mo na lang ako i-drop."

"Gabi na. Idideretso na kita sa bahay mo."

"Hindi na kailangan. Sa office mo na 'ko ibaba."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi mo ba alam na delikadong bumyahe ng gan'tong oras?" galit na ang tono ng boses niya. Aba at masyadong concern naman yata 'tong boss ko?

"Alam ko ho, sir. Kaya nga ho may susundo sa 'kin sa opisina." Pinakadiin-diin ko na sa kanyang may susundo sa 'kin para manahimik na ang kaluluwa niya. Gustuhin ko man na ideretso niya na 'ko sa bahay para hindi na rin maabala pa si Nathan ay hindi ko naman kayang itaya na baka makita niya si Sydney. I have to carefully hide my daughter from him until Nathan finishes his work and we can get back to the States.

Paghinto namin sa tapat ng Castillejo Group ay saktong naro'n na ang sasakyan ni Nathan.

"I'll go ahead," sabi ko at hinawakan na ang handle ng pinto. Pero napahinto ako sa tanong niya.

"Kayo ba ulit niyang ex mo?"

Natigilan ako. Ano naman sa kanya kung oo o hindi?

"I don't think it's necessary for me to answer that question, sir," mabilis na sagot ko at tuluyang lumabas na ng pinto. Sinalubong ako agad ni Nathan at sinulyapan pa nito ang sasakyan ni Damon bago ako nito pinagbuksan.

"Mukhang pagod na pagod ka, Tin."

"Haaay naku sinabi mo pa." Napabusangot ako at napahugot ako ng malalim na hininga bago ikinabit ang seat belt ko. "Sobrang manhid ng mga paa ko sa pagod at gusto ko na lang na matulog. Can I take a nap?"

"Sure. Gisingin na lang kita pagdating natin." Sumandal ako ng maayos sa seat ko at medyo ibinaba ito.

"Si Sydney nga pala?" tanong ko kahit nakapikit.

"Already asleep. Don't worry alam naman niyang busy ka kaya hindi ka niya na hinintay." Tipid akong ngumiti at naramdaman ko na ang matinding antok.

"Thank you, Nathan," mahinang sagot ko bago ako tuluyang takasan ng diwa ko.

"Basta ikaw."

The next day iniwan ko na lang ang sasakyan ko sa parking ng kumpanya para hindi na maabala pa si Nathan kahit pa pinipilit niyang okay lang na sinusundo niya 'ko. May hiya pa naman ako kahit papaano dahil kapag sinundo niya 'ko ay pati si Isla kailangan naming abalahin para may maiwan kay Sydney sa bahay.

"Tingin mo ba kailangan na talaga nating kumuha ng yaya ni Sydney?" tanong ko kay Nathan habang nag-bi-breakfast kami. Noon pa naman niya 'to sinuggest sa 'kin nung sinabi kong magtatrabaho ako pagdating dito. Actually nasa US pa nga kami ay gusto niya ng magpahanap ng yaya ng bata kaso lang ay kumontra ako.

"Payag ka na?"

"Natatakot kasi akong baka makatagpo tayo nung mga katulad sa ibinabalita sa TV. Yung sinasaktan nila 'yung mga alaga nila?"

Napatingin si Nathan sa anak kong busy sa paglalagay ng snacks and liptint nito sa bag. Tapos bigla siyang tumawa kaya napataas ang kilay ko.

"Sydney is a very smart little girl," sabi niya nang nakatitig pa rin sa anak ko. "Tingin mo ba siya 'yung tipo ng bata na basta lang magpapa-api?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Are you saying na mas mataas ang chance na ang anak ko ang mang-api sa magiging yaya niya?" Doon biglang humagalpak ng tawa si Nathan at nawala tuloy ang pangamba kong maaapi ang anak ko.

So after that talk, we've finally decided na maghanap na nga ng yaya ni Sydney. Since busy ako sa trabaho, tinulungan na 'ko nina Isla at Nathan sa paghahanap. Nasa kalagitnaan ako ng fieldwork ko kasama ang boss kong kampon ni Satanas nang mag-text si Isla na nakahanap na raw sila.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Where stories live. Discover now