Chapter 2: Encounter

Start from the beginning
                                    

“Teka lang ha kukuha lang ako ng bayad.” Umupo muna ako sa isa sa mga upuan doon at naghintay ng sandali. Hindi pa naman siguro ako malelate nito.

“Oh ito iha! Balikan mo nalang mamayang hapon ang basket mo!” Napatayo ako at tinanggap ang bayad ni Aling Delia.

“Maraming salamat po talaga, aalis na po ako at may klase pa po ako!” pagpapaalam ko at nagsimula nang tumakbo paalis sa karenderya niya.

Nilalakad ko lang mula bahay hanggang sa unibersidad na pinasukan ko. Hindi naman kasi malayo at kung mag tritricycle pa ako eh gastos pa 'yon. Ano namang silbi ng paa ko aber?

Maraming magagarang sasakyan ang dumadaan. Wala naman akong pakialam kung anong sabihin nila. This is my life!

August pa ngayon kaya malayo-layo pa ang summer. Pinakapaborito ko kasing buwan ang summer at nakakapgtrabaho ako sa municipal hall. Dagdag kita.

“Safira!” Napalingon ako at parang may tumatawag sa pangalan ko. Hindi nga ako nagkamali. Nakasakay siya sa magara niyang sasakyan habang nakadungaw siya sa bintana. Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan niya sa tapat ko.

“Joy!” sambit ko. Siya ang tanging kaibigan ko sa unibersidad. Mabait kasi ito kahit na may kaya ito sa buhay.

“Sakay ka na!” saad niya sabay bukas ng sasakyan nila. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay.

“Ay naubos benta mo?” Malungkot na tanong niya nang mapansing wala akong dalang basket.

“Ah oo binili lahat ni Aling Delia. Wag kang mag alala may sobra pa 'yata sa bahay. Punta ka mamaya!” saad ko. Napangiti naman ito.

“Hala sige. Ang sarap naman talaga kasi magluto ng biko ang mama mo Sasa!” Napatawa naman ako. Alam ko kasing paborito niya ang lutong biko ni mama.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang Montain University. Isa ito sa mga mahal at sikat na University dito sa Pilipinas kaya noong may scholarship silang binigay ay agad akong nag take ng exam at maswerte naman akong nakapasok.

“Wala tayong klase mamayang twelve to two so punta tayong mall Sasa!” Except sa paborito niya ang biko ay paborito niya ring pumunta sa mall.

“Eh ano wala akong pera Joy. Ikaw nalang kaya?” sagot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

“Naiintindihan ko naman 'yon Sasa, ano ano kaba. Samahan mo ako, ako na bahala!” Nakangiting saad niya.

“Pero Jo—”

“Walang pero-pero Sasa!” Tumahimik nalang ako at alam ko namang hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya at pipilitin lang din naman niya ako.

Bumaba na kami mula sa sasakyan niya at sabay na naglakad patungo sa building ng mga nursing students.

Napatingin ako sa mga kapwa estudyante kong abala sa mga ginagawa nila. Lahat ay busy at nakatingin sa mga gadgets nila. Ako nga wala akong cellphone at tanging keypad lang na binigay ng Tita ko. Si Joy nalang ang tinatanong ko kapag may inaannounce sa gc o hindi kaya ay pupunta nalang ako sa pinakamalapit na computer shop saamin.

“Ang busy naman nilang lahat e wala pa nga ang finals!” wika ni Joy habang nakatingin sa mga kapwa estudyante namin. Bukod sa mahal ang tuition ng University na'to hindi karin makakapasok kapag hindi malaki ang grades mo.

“Good morning ma'am!” sabay naming bati namin ni Joy nang makita namin si Ma'am Bogador. Ngumiti ito saakin dahil kilala niya na ako at palagi naman kasi akong nasa office kapag walang klase dahil nga isa lang akong scholar.

“Ms.Ellison pakibigay nga ito kay ma'am Elizabeth nasa office siya. May klase pa ako and I'll be late if babalik pa ako.” I made a smile at tinanggap ang folder niya.

“Thanks Ms.Ellison.” Tumango lang ako.

“Grabi naman porket scholar ka lang e mang uutos na siya ng basta-basta ang layo kaya ng office!” reklamo ni Joy. Huminga ako nang malalim at ngumiti.

“Okay lang Joy 'no. Scholar ako rito at obligasyon ko naman ito. Kulang pa nga ang mga utos nila sa dapat kung bayaran sana,” paliwanag ko.

“Mauna ka nalang sa classroom susunod nalang ako,” dagdag ko.

“I'll go with you Sa!” Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakahiya naman sa kaniya kung isasama ko pa siya.

“Wag na Joy. Kaya ko na'to. Thanks!” wika ko sabay tulak sa kaniya. Wala siyang nagawa at pumasok na sa classroom. Nasa kabilang building pa ang office. Dadaan pa ako sa Engineering department bago ko marating ang office.

Huminga ako nang malalim bago tumakbo ng napakabilis. Ganito kasi ang ginagawa ko palagi sa tuwing nagmamadali ako.

Hindi ko namalayang may nakabangga na pala ako kaya nahulog ang laman ng folder.

“The f*ck? Are you blind?” Napatingin ako sa matangkad na lalaki na nakabangga ko. Napatingin lahat ng mga estudyante sa direksiyon namin dahil sa lakas ng boses niya. Arte nito siya pa nga ang bumangga saakin siya pa'tong galit!

“I'm sorry,” Tanging sagot ko kahit pareho naman naming kasalanan. Alam kong wala akong laban sa kagaya nilang mayayaman.

“Just be careful next time miss.” Tumango lang ako para matapos na. Pinulot ko ang mga papeles na nahulog mula sa folder pero nagulat ako nang may tumulong sa aking isang lalaki. I don't know him.

“Ako na!” saad niya at pinulot lahat ng papeles. Hindi ako makaimik at tinignan lang siya habang pinupulot ang mga papelas. It just new.

Napatingin ako sa classroom kung nasaan ako. Nasa engineering department na pala ako.

“Salamat,” saad ko at kinuha na ang papeles mula sa kaniya.

“Uh sorry pala sa kaibigan ko, mainitin lang talaga ang ulo.” Kaibigan niya pala 'yong nakabangga ko. Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad.

“Wait miss!” Nasa ikaapat na hakbang palang ako ng tinatawag na naman niya ako. Or ako ba?

Lumingon ako at napatingin sa hawak niya. It's my ID.

“Is this yours?” Naglakad ako pabalik at kinuha mula sa kaniya ang I.D ko.

“Salamat ulit!” saad ko bago tuluyang umalis.

“Nice meeting you Ms. Safira Ellison!” dinig kong sigaw nito pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Where stories live. Discover now