Chapter 9: Alak

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko na kanilang ikinabigla. Nanlaki pa ang mata ni Yesha nang makita ako.

"Oh, Laxxus!" masiglang sambit niya. Napakunot ang aking noo nang mapansin ang pamumula na nama ng kaniyang pisngi't mata.

"Bawal ang ginagawa niyo, hindi dapat kayo umiinom at naninigarilyo sa paaralan." tila wala silang pinakinggan.

Iniabot sa akin ni Yesha ang maliit na baso na may laman na alak. "Tikman mo ito. Masarap siya, Laxxus."

Napailing ako. "Hindi ko iyan tatanggapin dahil hindi pwede at bawal." saad ko. "Menor de edad pa kayo kagaya ko tapos umiinom at ano, naninigarilyo? Isa pa, ano ang laman ng plastik na iyan?"

Nakita ko ang pagkunot noo ng mga kaibigan niya. Tila naiinis pa sa akin dahil sa dami kong katanungan.

"Menor de edad pero masarap ang pamumuhay ng ganito, Laxxus. Nakakawala ng problema sa buhay." sagot ng lalaki sa akin.

"Tama si Jin," segunda naman ng isa.

Jin pala ang pangalan ng medyo long-hair na kaibigan ni Yesha.

"Pero kahit pa, mali pa rin ang pag-inom at pagyoyosi sa paaralan. Hindi niyo ba nabasa ang student handbook?"

Bakit ko nga pala sila papakialaman kung kaya naman nilang lusutan ang kanilang masamang gawain. Mayayaman sila at kaya nilang bayaran kahit sino.

"Wala kaming pakialam sa student handbook na 'yan. Basta malaya naming nagagawa ang kagustuhan namin." giit ni Jin.

Kumunot ang aking noo, "Kung ayaw niyong itigil ang inyong ginagawa, ako ang magsusumbong kay Bb. Clara!" inis kong saad sa kanila.

Akma na akong maglalakad paalis nang bigla akong higitin ni Jin at ang kasama niyang lalaki.

"Subukan mo kaming isumbong, ikaw ang ituturo namin!" banta nila sa akin.

"Saksi ako sa masama niyong gawain, hindi ko maaaring hayaan na lang iyon. Sinisira niyo ang buhay niyo. Nababaliw na kayo!" sigaw ko sa kanilang pagmumukha.

Nagpumiglas ako sa hawak nila kaya nabitawan nila ako at napaupo sila sa damuhan. Tumawa ang dalawa na tila walang pakialam sa aking sinabi.

"Kung nababaliw na kami, alam kong gusto mo rin ang ginagawa namin, Laxxus. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Nais mo rin tikman ang alak at sigarilyo." saad ni Jin na siyang ikinatigil ko.

Kumuyom ang aking kamao. Oo at kagustuhan ko iyon noon pero hindi ko ginawa dahil kailangan kong maghanap ng trabaho na ipangtutustos sa sarili ko.

"Mas nanaisin ko pang magbuhat ng mabibigat na bagay sa palengke kaysa ang sirain ang buhay ko sa ganiyang pamamaraan." malamig kong sambit.

Napatawa si Yesha, "Maraming estudyante ang sumusubok nito ngayon sa paaralang ito, Laxxus. Hindi mo lang alam dahil hindi mo pa sila lubos na nakikilala." saad naman ni Yesha sa akin.

"Hindi ako interesado na makilala at malaman ang kabaliwang ginagawa nila. Sasabihin ko ang ginagawa niyo kay Bb. Clara." matigas kong sambit sa kanila.

Hinila nila akong tatlo at pilit na pinaupo. Nagpupumiglas ako pero ayaw nila akong pakawalan.

"Bibigyan ka namin ng pera... huwag mo lang kaming isumbong," pagsulsol sa akin ni Jin. Natahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin kung pera na ang pinag-uusapan.

"Bibigyan ka namin ng pera basta tikman mo ito," muling wika ni Yesha. "Wala namang mawawala sa iyo," dugtong pa niya.

Pinag-isipan ko ng mabuti ang kanilang alok. Pera na iyon, tanging kailangan ko lang tikman ang ibinibigay ni Yesha sa akin na alak.

Napabuntong-hininga ako. Binitawan ako nang dalawa. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang alak na hawak ni Yesha. Inamoy ko pa iyon kaya mas lalo silang nag-cheer sa akin.

Ipinikit ko ang aking mata at inisang lagok ang alak na iyon. Nasuka ako dahil sobrang pait niyon sa aking lalamunan. Malamig sa bibig at hindi maganda ang lasa. Nagtawanan sila.

"Sabi sa iyo, masarap diba?" kapagkuwan ay tanong ni Jin.

"Masasanay ka rin kaya sa susunod sumama ka na sa amin, Laxxus."

Hindi ako nakasagot. Hindi maproseso ng utak ko ang sasabihin. Nang matikman ko ang lasa ng alak, tila nagustuhan ko iyon, kahit pa labag sa loob ko na gawin iyon. Hindi ko ipagkakaila na naakit ako sa pagtikim kaya sinubukan ko ulit.

"Ganiyan nga Laxxus, masasanay ka rin at sa paglipas ng araw ay hahanap-hanapin mo na rin," sabi nila sa akin.

Nang muli ulit akong titikim, naiwan sa ere ang aking kamay, hindi ko iyon itinuloy kaya napansin nila. Mabilis akonog tumayo, masakit ang aking ulo.

"Nasaan ang pera?" tanong ko. "Nagawa ko at hindi ko kayo isusumbong," sambit ko.

Inilapag nila ang tig-iisang libo sa aking harapan. Mabilis ko iyon kinuha at mabilis na umalis roon kahit na masakit ang aking ulo dulot sa alak na tinikman ko. Hindi na ako pumasok nang tanghaling iyon at dumiretso ng uwi.

Sa pagtikim kong iyon, hindi ko inaasahan na sa aking pag-uwi ay hahanapin ng aking bibig ang kakaibang lasa ng alak. Pinigil ko ang aking sarili na huwag bumili dahil alam kong mali pero sa lumipas na oras ay lumabas ako.

Naghanap ako ng maaari kong pagbilhan at nang makabili ay mabilis rin na umuwi at doon nagpakalango sa alak.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon