Sabay pa kaming napabaling ni Ayana kay Arkin na bigla na lang lumitaw, may hawak hawak itong libro na kusang nagpapalit palit ang bawat pahina, kapag ang tingin ni Arkin napapadaku na sa kailaliman ng nakabukas na libro. Nasulyapan ko pa kung anong libro ang kanyang hawak. Ngayon alam ko na kung saan sya natutung magsalita ng English.

"Arkin!" Tawag ko, sabay turo sa libro nyang hawak.

"At your service... Madam Jp!" Nakangiting yumukod pa sya sakin.

'Abah! Parang tao na rin magsalita at umasta ang Dwendeng ito ah!' Natutuwa talaga ako sa kanya kapag nagsasalita sya, kasi sumasabay ang kanyang katawan sa bawat pagbigkas nya ng mga salitang bago lang sa kanya.

"Galing sa mundo nyo ang librong ito.. Regalo sa'kin ni Eruto, ang Tagalupang kabiyak ng aming Heneral Ixeo. Dito ako natutu magsalita ng lenggwahe nyu.." Ngumiti saka kumindat pang loko. "Ang galing ko nuh? Bilis kong matutu.. Hehe"

'Abah! Parang si Buggles lang din ang Arkin na'to ah! Parang pinagbiyak na bunga.. magkasing ugali, Mahangin.. huhh!'

Biglang nagkatawanan ang lahat maliban kay Buggles at Arkin na ipinagtaka ko. Kaya bumaling ako ng tingin kay Ayana.

"Nababasa't naririnig namin ang nasa isipan mo Jp."

"Ganun!" 'Oo nga naman.. mga Engkanto sila, bakit ba palagi ko yun nakakalimutan? Haayy...'

"Kamahalan, mag uumpisa ng pagdiriwang para sa inyong panauhin."

"Maraming salamat, Manta! Maaari mo bang sunduin sila Tata Gardo at Nana Selya sa kanilang tahanan?."

"Ngayon din po, Kamahalan.. Tutungo na po akong Silangan para sunduin ang 'yong mga magulang."

"Mga magulang? Sina Mang Gardo at Aleng Selya?"

Gulat na gulat kong tanong kay Ayana, na ang ngiti sa labi ay hindi man lang nawawala.

"Tamang narinig mo Jp! Ang mag asawang 'yun ang umaruga at nagpalaki sa'kin."

"Hah! Kaya pala palaging nasa inyo ang mga alaga naming aso, dahil yun sa'yo?"

Natatawa na lang ako ng maalala kong ilang araw naming paghahanap kila Barbie, Julie at Boogie. Ang mga alaga naming aso na ayaw ng umalis sa bahay ng mag asawang Gardo at Selya.

"Isa sa mga taglay na kapangyarihan ng Prinsesa Ayana ay Mahika ng pagkaamo.. Bawat hayop, insekto, halaman o bulaklak, mga ibon.. Mapa lupa, karagatan o himpapawid ay sumusunod, kapag nasasamyo ang kanyang mahalimuyak na bango."

Kaya pala.. Halos lahat ng mga nakasalamuha at nakaharap ko dito ay kilalang kilala sya, at karamihan sa kanila ay mga kaibigan nya. Napabalik ang pansin ko kay Manta ng muli itong magsalita.

"Maaliwalas na araw, Prinsesa Ayana!" Yumokod muna ito sa harapan nila Alitaptap at Ayana bago pinalibot ang tingin saming lahat na naroon. "Maaliwalas na araw sa inyong lahat! Paalam!" Saka ito lumipad palayo.

'Ang ganda naman nya..' Humahangang napasunod ang tingin ko kay Manta na may dilaw na pakpak, di'ko matiyak kung isa ba syang Lambana o Paroparo gaya ni Vega, mas na focus kasing attention ko sa aura nyang kumikinang sa liwanag ng kanyang mga pakpak.

"Ayana, dumating na ang Hari at Reyna.. baka gusto mong sabayan ako sa pagsalubong sa kanila.."

"Mauna kana muna Alitaptap, susunod na lang ako. Sige na!"

Sumulyap muna sa akin si Alitaptap saka kumaway, bago hinila yung Onyx. At sa pagkisap mata ko lang naglaho na yung dalawa.

'Ayana, papasok na sa Palasyo sina Amihan at Mayumi.. Sinalubong na sila ni Urduja...'

   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯Where stories live. Discover now