CHAPTER 1

1K 14 1
                                    

Bad Romance Chapter 1

"Pa asan si mama? Bakit wala siya sa kusina?" Tanong ko kay papa.

Everyday pagkauwi ko sa bahay galing sa eskwela ay si mama agad ang hinahanap ko parang naka gawian ko ng itanong kay papa kada uwi ko galing sa school. Hinanap ko siya sa kusina, cr, sa kwarto nila papa pero di ko siya makita kaya tumungo ulit ako kay papa upang tanongin siya kung asan si mama.

"Pa may pinuntahan ba si mama bakit wala siya dito sa bahay?"

Hindi sumagot si papa kaya umupo ako sa tabi niya. Nakita kong namumugto ang mata ni papa na parang kakagaling niya lang sa iyak.

"Nak umalis na si mama mo sumama siya sa ibang lalaki iniwan na niya tayo mas pinili niya ang karangyaan kesa sa ating pamilya niya"

" Pa pano na tayo? Pano na ako wala ng mama na aalaga sakin pag may sakit ako wala ng mama na magluluto sa tuwing nagugutom ako wala ng mama na magtatanggol sakin sa tuwing may aaway sakin." Sabi ko habang umiiyak

" Tahan na anak andito pa naman si papa promise di kita iiwan" pagpapatahan sakin ni papa

Pero hindi tinupad ni papa ang pangako niya dahil kinagabihang yun ay kinitil niya ang kanyang sariling buhay. Hindi ko masisi si papa kung bakit niya ginawa yun kasi sobrang mahal niya si mama pero ang di ko maintindihan eh bakit niya kailangang gawin yun.

Sampung taon palang ako ng maulila kay papa at ng iwan kami ni mama. Sa batang edad kong yun ay nabuhay ako mag isa. Hanggang sa tumungtong ako sa edad na 18 ay bumalik si mama para kunin ako at pag aralin.

Kahit masakit sa akin tumira ako kay mama kasama ang bago niyang asawa.

"Akihiro anak siya si Lemuel ang bago mong tatay."

Tingnan ko si Lemuel mula ulo hanggang paa sinusuri ko buong pagkatao niya. Matangkad siya maputi, bilogan ang mata mahaba ang pilik mata at ang sobrang tangos ng ilong sa madaling salita ay gwapo siya. Maganda din naman si mama hindi nga halata na anak niya ako eh dahil parang mag ka edad lang kami. Ako kasi mukhang matanda na dahil sa walong taon na puro problema.

'eto pala pinalit mo kay papa teka eto ba o pang ilang asawa niya na yan' sabi ko sa aking isip.

"Asawa mo yan? Pwede pa nga yang pumasa bilang nakakatanda kong kapatid eh"

" Ahh mukhang bata lang yang si Lemuel nak pero magkasing edad lang kami."

"Okay sabi mo eh"

"Hi Aki ako pala si Lemuel pwede mokong tawaging daddy kung gusto mo" malumanay niyang sabi

" Daddy isa lang tatay ko yun ay si papa kahit anong gawin mo ay di kita kilalaning tatay ko" Sabi ko sabay walk out sa kanila para pumunta ng kwarto ko.

" San ka pupunta?" Tanong ni mama

" Sa kwarto ko gusto kong mapag isa"

" Alam mo ba kung saan ang kwarto mo?" Tanong ng bida bida kong nanay

"Ituro mo na para makapag pahinga na ako"

"Eto ang kwarto mo" sabi niya at dinala niya ako sa kwarto ko.

Inayos ko lahat ng mga damit ko at nilagay sa aparador.

" Bakit puro mukhang luma ang mga damit mo?" Akala ko umalis na siya andito pa pala yan.

" Ikaw ba naman magtrabaho habang nag aaral at lahat ng sweldo mo ay mapunta sa pagkain at pang araw araw mo na pangangailangan tingnan ko lang kung makabili ka pa ng bago mong gamit"

" Sorry aki kung di ako naging mabuting ina sayo sorry kung.." pinutol ko ang sasabihin niya kasi alam kong masasaktan lang ako sa mga sasabihin niya

" Pwede ba lumabas ka muna sa kwarto ko gusto kong magpahinga" sabi ko dahil ayaw kong marinig pa yung paliwanag niya

Bad Romance [ON GOING]Onde histórias criam vida. Descubra agora