"Bata, kanina ka Pa namin hinahanap. Dito ka lang pala? "

"Ayoko na po. Huhu... Mama.... "

Parang kinurot ang puso ko na makita si Jinso umiiyak at nagtatawag sa kanyang ina. Takot na takot siya.

"Jinso! ", tawag ko sa kanya kaso nagulat ako na bigla siyang tumakbo palayo sa likod ko.

"Bilisan niyo!Habulin niyo!" sigaw nung isang lalaki habang tumatakbo na sila palapit sa akin.

Binitiwan ko ang bitbit kung mangkok saka inidipa ko ang aking magkabilang kamay para harangan sila.

"Sino ka?  Ang lakas ng loob mong humarang sa dinadaanan namin. Gusto mo bang ilibing karin namin ng buhay? ",matapang sabi ng isang lalaki na may nakakatakot na bigote.

"At sa tingin mo natatakot ako sa inyo.Tssk!  At kayo sino rin kayo para takutin ang bata na walang kalaban-laban sa inyo? Huh?"

"Wala kang alam!, kaya tumabi ka! "

"E di aalamin ko kung sino kayo para malaman ko kung sino tong mga malalakas na loob at bigla nalang susulong sa batang walang kalaban-laban! "

Biglang pumagalpak ng tawa ang lalaki na nasa gitna nila.

"Ang batang pinagtatangol mo ay ibinenta na ng ama niya bilang pambayad ng utang sa Akin bago binawian ng buhay. Sabihin mo kung wala ba akong karapatan sa bata na iyon? "

Bigla akong napahinto.  Benenta ng ama niya si Jinso?  Pero kahit na.  Hindi sana ganon trato nila sa bata.

"Pero hindi parin tama ang ginagawa niyo sa bata.  Tinatakot niyo,mga wala kayong puso! "

"Master, unahin muna natin ang bata. Baka nakalayo na! ", bulong ng isang lalaki sa gilid ng tinawag nilang master.Tumango naman ito sa kanya.

"Hindi maari. Hindi pa tayo tapos! "

Diko na alam kung saan ko na nahugot ang lakas ng loob ko basta para Kay jin so ay lalaban ako.  Child abuse ang ginagawa nila, e.

Sa talim ng tingin ng leader nila ay siguradong pinaglalamayan na ako ngayon pero bigla itong ngumiti  na kinatayo ng balahibo ko . Tumingin siya kaliwa niya at suminyas sa kasama niya.

Nang akmang hahawak na ng lalaki ang braso ko ay mabilis ko itong sinampal kaya napahawak tuloy ito sa kanyang pisngi. Aamba narin sana ang isa ng pigilan siya ng master nila.

"Wala kang karapatan hawakan ako sa marurumi niyong kamay. Hindi niyo ba alam na malaki ang krimen na makukuha niyo aa paghawak sa isang babae na mula sa isang mayamang angkan . ", isa ko sila tinitignan. "Ako si Lady Kim Di Ala na anak ni Menestro Jong"

"Tssk!  At sa tingin mo matitinag mo ako sa ama mong Minestro! "

Halos lumuwa ang mata ko na Biglang dumura siya harap. Nandidiri ako.

The love of a Prince in 1824Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon