Chapter 9: Fatima's Flashback

ابدأ من البداية
                                    

Dito pala sila nagkikita bago papasok sa room. Nakatayo lang ako malapit sa kanila, nandito na din yung isang laging naka hairband.

Tara na, baka dumating na si Maam, pagalitan niya tayo kung malelate tayo, aya niya kay iyakin tapos magkahawak kamay na silang naglakad. Naalala niya siguro ako kaya siya lumingon at tinawag na ako.

Ako si Bianca, sabi ni chubby.

Ako si Yumi, sabi ni iyakin.

Heart here, sabi naman ni bunny.

Ako naman si Fatima, sabi ko sa kanila tapos ngumiti ako yung kita sungki ko.

Mula ng araw na yun palagi na akong nakasunod kay Bianca, minsan pag nahuhuli siya ng dating mag isa akong pumupunta dun sa puno sa likod ng school.

Binabantayan ko sila Heart habang hinihintay si Bianca. Feeling strong ako eh.

Ang cute cute lang talaga ni Heart, nilagay ko yung bag ko sa lap ko saka nangalumbaba at tinitigan siya.

Di ko namalayang tumabi sa akin si Yumi, crush mo si Heart no? tanong niyang naka nguso sa gawi ni Heart.

Hoy hindi ah, babae ako bakit ako magkaka crush sa babae? sabi ko sa kanya ng nakakunot ang noo.

Bakit ako babae din naman ah pero crush ko si cakes. Pag laki ko liligawan ko siya, siya lang gusto ko maging girlfriend, tapos pakakasalan ko siya hehehe. bakit ganun ang dali lang sa kanya na sabihin yun.

Lumingon saamin si Heart, sumimangot siya saka lumapit din saamin.

Bakit kayo magkatabi, isusumbong kita kay cakes, crush mo ba siya? tanong niya sa akin na nakaturo kay Yumi.

Nanlaki yung mga mata ko, at di nakasagot. Sakto naman dumating na si Bianca, narinig kaya niya.

Sinong crush mo Fatima? agad na tanong niya sa akin na nakatayo na sa harapan ko, mukha siyang bully ngayon promise, lagot ka mapipisa ka pag dinaganan ka niyan.

Wala akong crush, nauutal kong sagot na nakayuko.

Cakes crush niyan si Yumi, naka ngusong sumbong ni Heart sa kanya.

Bigla namang bumungisngis tong si Yumi kaya nilingon ko siya, tapos bumulong siya saakin. Nagseselos na si Heart mo, sabi niya kaya napangiti ako.

Tumikhim si Bianca kaya tiningala ko siya, whoa teka Yumi parang si Bianca yata yung nagseselos, ang sama na ng tingin niya sa akin oh.

Tumayo si Yumi at niyakap si Bianca tapos kiniss niya sa pisngi. Saka palang ngumiti si Bianca at nilagay yung bulaklak na dala niya sa tenga ni Yumi.

Nakakatakot din pala to si Bianca. Tumayo na din kami ni Heart. Nauna ng naglakad si Yumi at Bianca sumunod na din kami, bali ako yung nasa hulihan di kami sabay ni Heart.

Di kami magkakatabi sa classroom kasi alphabetically arrange kami, palagi nalang ako nasa harapan.

Pagkatapos ng klase nauna akong lumabas tapos si Heart, si Yumi at Bianca bibili lang daw muna ng food sa canteen kasi di kami nag recess kanina.

Umupo na si Heart dun sa palagi niyang inuupuan kapag nandito kami sa puno.

Hoy Fatima, wag mong I crush si Yumi, di ka naman I ka crush nun kasi si cakes lang love niya, biglang sabi ni Heart.

So It's Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن