Chapter 2

140 6 0
                                    

Chapter 2

Aver:

Sage, nakuha mo ba yung blueprint mo kay Leigh? Di nagrereply si bakla. 

Sage:

Yes, inabot niya sakin kaninang umaga. Thanks, Aver!

Buti naman. Medyo kinabahan ako nung naalala ko yung blueprint na pinapagawa ni Sage. Baka kasi nakalimutan i-abot ni Leigh.

Makakalimutin pa naman 'yon minsan.

Aver:

Welcome! Next time ulit ah! Char!

Matapos kong isend iyon kay Sage ay pinatay ko na ang ang cellphone at tinago sa loob ng bag.

Kailangan ko na kasi maghanda para sa trabaho dito sa bar bilang waitress. Magpapalit pa ako ng uniform.

Tuwing Thursday to Saturday, 8 pm hanggang 2 am ang oras ko dito kaya kinaumagahan during class, lagi talaga akong lutang. Buti na lang kapag Thursday hindi masyado matao kaya hindi masyadong nakakapagod.

Mas madalas kasi na ang dagsa ng tao ay tuwing Friday at Saturday. Noon ay sa isang fast food chain ako nagta-trabaho, pero hindi sapat dahil kailangan ko pa magpadala kay Mama ng pera.

Ang hirap maging working student, sa totoo lang.

Ang mahal ng edukasyon. Ang mahal ng renta. Ang mahal ng pagkain. In short, ang mahal mabuhay.

Nilabas ko mula sa bag ang maliit na pouch na nagsisilbing hygiene kit.

Matapos ay tinago ko na sa locker ang bag at kinuha naman ang uniform na black polo at leather pencil skirt.

Kumpara sa iba, matino talaga 'tong uniform namin. Kaya hindi talaga ako nagdalawang isip nung araw na nakita kong open sila for waitress.

Mabilis akong nakapagpalit sa restroom at agad humarap sa salamin para mag-ayos ng sarili.

Dahil maaga pa naman, brinaid ko ang dulo ng buhok at pina-ikot yun bilang magsilbing bun. Nang tingin ko'y ayos na ay agad ako bumalik sa locker area para itabi sa loob ng bag ang pouch na dala.

Umupo pa ako saglit doon para hintayin ang saktong 8 pm bago lumabas.

May mga dumadating din na mga kasamahan ko kaya paminsan minsa'y nag-uusap kami pampalipas oras.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng mga kasamahan ko.

Kumpara kanina noong dumating ako, mas madami na ang tao ngayon. Dali-dali tuloy akong lumapit sa grupo ng mga lalaki na nagtaas ng kamay para umorder.

"May I take your order, Sir?" Inilabas ko ang maliit na pad at ballpen.

Hindi ko alam kung narinig ba nila ako dahil nagkakasayahan pa ang mga lalaki.

Mukhang hindi nila napansin ang paglapit ko.

"Excuse me, Sir. May I take your order po?" Ulit ko doon sa lalaking nagtaas ng kamay.

"Hoy, Bogs! Umorder ka na, gagong 'to. Kanina pa naghihintay si miss ganda, oh." Hirap na sabi noong lalaking kaharap nung Bogs dahil siguro sa kalasingan.

Totoong natutuwa ako at nafa-flattered kapag nasasabihan ng maganda ng mga kaibigan at kakilala. Pero kapag sa mga ganito talaga hindi ko magawang matuwa dahil alam kong may laman iyon.

Humarap na rin agad yung Bogs dahil sa pagpuna sa'kin noong kasama niya.

Pagharap nung Bogs, napansin ko ang pagdaan ng mga mata niya sa kabuuan ko.

He Loves Me, He Loves Me Not (College Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon