Chapter 8: Biami Moment

Magsimula sa umpisa
                                    

Halos magkasunod lang kaming dumating nung kontraktor.

Maganda naman pala yung design dito sa baba, madaming pwedeng idagdag kasi maluwang. Sa second floor dito madaming babaguhin para mas komportable kumain. Sa 3rd floor mukhang office naman to, dito siguro sila matatagalan. Yung roof top ang bet ko, Aayusin lang yung small room tapos lalagyan ng sky scraper.

Lahat naman ng idea nila nagustuhan ko, kahit si Fatima nag agree din kaya it's a deal na, sila na bahala kelan sila mag start.

Bumalik kami sa second floor para I double check. Nakikinig ako dun sa contractor ng kalabitin ako ni Fatima, nagugutom na ba siya.

Nasa Blanka's sila Yumi at wala silang mauupuan.

Pagkarinig ko sa Yumi parang gusto kong ngumiti pero pinigilan ko,maya ano pa isipin netong kasama namin.

Asan, tanong ko sa kanya medyo pabulong saka tumingin sa kabilang building.

Tinuro niya si Heart at Ashtine na palingon lingon pa din. Magkakasama pa din pala sila. Parang kami naman ni Fatima di magkasama eeeyyyzzz.

Kinuha ko sa bulsa ng pants ko yung phone ko and dial Blanka's hotline, hello pa check sa second floor, may magandang dilag dun nakatayo malapit sa private room, tell her that they can use it muna.

Nakakaloko namang tumingin tong si Fatima, bilis ah kilos agad sana all, binatukan ko nga dami pang sinasabi eh.

Bumalik kami sa may katapat ng resto, saktong paglingon ko nakatingin sa may gawi namin sila Yumi, kumaway ako sa kanila and they wave back hahaha, ooopps narinig ni Fatima at lumingon din siya, nakataas pa din kamay ko kasi kakaway ulet sana ako, nakita niyang kumakaway sila Yumi sa kabilang building kaya kumaway kaway na din siya mas hyper pa.

Parang biglang gusto kong mag tiktok kaya inaya ko si Fatima.

Nag ikot ikot pa kami sa buong building, napakalawak talaga sa baba sabi nga ni Fatima we can put mini stage yung convertible just in case my gustong magpasikat, or mag propose ganyan. Well not bad.

Tara nagugutom na ako, aya ko sa kanya alam ko namang nagugutom na siya at di pa yan nag breakfast.

Mauna kana sa taas, sunod ako, kailangan ko magbanyo eh, utos ko kay Fat, agad naman siyang tumango at umakyat na. Nakapag order naman na ako eh, antayin nalang maserved sa table.

Buti nalang at pinasadya kong maluwang ang washroom, ayoko kasi ng pumipila sa pagbabanyo.

May dalawang tauhan dito na nag me maintain ng kalinisan and they are doing a great job pwede ng matulog dito sa linis.

Tiningnan ko sarili ko sa salamin tsk bakit ganun ganda pa din kahit nadagdagan yung cut sa lips ko.

I took a photo and upload sa SNS ko, yeah may instagram ako you can follow me guys😁

Di ko napansin si ate nakatingin pala saakin hehehe, nag pogi pose pa ako saka nag salute sa kanya bago tinungo yung pintuan.

Sa pagmamadali kong makaalis basta ko nalang hinila pabukas yung pintuan not knowing na may tao namang papasok, itutulak niya din siguro pabukas yung pinto kaya nawalan siya ng control dahil wala siyang pintuan na itutulak.

Kahit nagulat ako mabilis yung reflexes ko at sinalo ko siya payakap bago pa man humalik yung mukha niya sa sahig kung maganda to sayang naman kung magasgasan.

Dahil sa lakas ng impact nawalan din ako ng balanse kaya tumama yung likod ko sa may malapit na sink.

Ouch, sabi ko ng maramdaman ko yung pagtama ko sa sink, nakayakap pa din kami sa isa't isa, ang bilis ng tibok ng puso niya, or tibok ng puso ko yun, ay ewan basta hmmm ang bango niya nakakarelax, time freeze hehe ganito nalang kami forever.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon