37 "Dinner as a family"

40.3K 644 38
                                          

37 

"Dinner as a family"

Pumasok na ko sa loob ng bahay.

"Pa, nandito na po ako."

Toinks! Nakalimutan kong masyadong malaki na nga pala 'tong bahay compared dun sa apartment. Hindi ako basta-basta maririnig ni papa.

Papaakyat na sana ako sa taas ng mapansin kong bukas ang ilaw sa kitchen. Sumilip ako baka kasi si papa yung nandun.

Nakita ko si tita may hawak na maliit na paper at tintingnan yung laman ng ref. Hindi na sana ako magsasalita pero napansin nya akong nakatayo sa may pintuan.

"Nandito ka na pala. Magbihis ka na at kakain na tayo maya-maya." Then tinuloy nya yung ginagawa nya.

"Ano pong ginagawa nyo?" Usisera daw ako kuno. May masabi lang.

"Just wanna make sure na kumpleto yung groceries dito while we're gone. Ayoko na din kasing maabala ka pa." She explained.

Medyo natanga na naman ako sa narinig ko. Hindi ko naintindihan.

"Si papa po nandito na ba?" follow up question ko.

"Nandun sa taas at nagiimpake. We'll explain it to you later." Then she smiled.

"Okay po." Di na ko nagtanong ulit. Si papa na lang yung tatanungin ko. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng pagkainis.

Umakyat ako sa taas at nagbihis. Hindi ko pa din maintindihan yung sinasabi ni tita. Mamaya na lang siguro ako magtatanong habang kumakain kami.

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng room. Napansin kong bukas yung kwarto nila papa kaya sumilip ako.

Nakita ko si papa na nagaayos ng ilang gamit. Nakita ko din na may ilang mga maletang naka-ready na sa may pintuan.

"Papa, aalis po ba kayo?" Umupo ako sa bed habang pinapanood ko sya.

"May business trip kasi kami ng tita Leticia mo. Medyo matatagalan din, but don't worry. Sinisigurado naman ni Leticia na magiging okay ka dito habang wala kami." Isinara ni papa yung cabinet at lumapit sa'kin.

"Wag kang mag-alala anak, babalik din naman kami." At hinaplos nya ako sa ulo. Bigla namang sumulpot si tita sa pintuan.

"Oh nandyan lang pala kayo. Kakain na tayo. Bumaba na kayo." Ngumiti lang sya at nauna ng bumaba.

Sumunod na din naman kami ni papa. Hindi pa naman ako gutom, pero nakakahiya namang tumanggi. Ang dami pa namang nakahain sa mesa na hindi ko pa natitikman at hindi ko alam kung anong tawag sa mga luto na yun.

"Torrence, try the Scallops Yakitori. Niluto ko yan." Inabot nya sa'kin yung sinasabi nyang food.

Kumuha naman ako ng konti. "Thank you po."

Nagtinginan sila ni papa at nagngitian. Ba yan! Parang teenager lang huh. Wagas maglandian.

"Dapat kumakain ka din ng vegetables." Kinuha nya yung isang bowl ng food. "Here, Confetti Zucchini Relish. Isa yan sa mga favourite namin ng papa mo. Masarap yan."

Syempre kuha naman ako. Balak ata talaga nila akong patabain. Naku, hindi pwede. Pero infairness naman sa mga pagkaing hindi ko alam huh, lahat masasarap at okay sa panlasa ko.

"Bakit parang wala kang gana, anak? Hindi mo ba gusto yung pagkain?" tanong ni papa.

"No papa. Masyado lang akong nasasarapan dito sa pagkain." Nagsasabi naman ako ng totoo pero wala lang talaga akong gana kasi mapapalayo na naman si papa sa'kin.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon