Chapter 28

4.7K 97 21
                                    

Euphoria

Simula nang nagkita ulit kami ni Gideon, araw-araw na akong stressed. I feel like our meetings are always just days ahead kahit hindi naman. I dreaded the weeks to come because he might schedule a meeting again, and I don't think I will ever be ready for that.

Ni hindi ko alam kung bakit ako naiinis! Hindi ko maintindihan kung bakit apektado ako! At mas hindi ko mawari kung bakit naiinis pa nga ako na hindi siya nagschedule ng meeting ngayong darating na Sabado!

I thought we'll meet again? Is he busy this weekend? Anong plano niya ngayong weekend, kung ganoon? Babae ba?

Dapat wala na akong pakealam!

Natanaw ko na si Papa na kumaway sa maliit naming garahe. Nagdadrive ako at wala akong ibang inisip kundi ang pagkikita ulit namin ni Gideon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Binibigyan ako ng senyas ni Papa kung tama ba ang pagkakapark ko. When I successfully parked the car, I immediately gathered my things and went out of the car. Sumalubong sa akin si Papa. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Medyo late ka ngayon, ah? May nilakaran ka?" Inakbayan ako ni Papa habang papasok kami ng bahay.

"Wala, Pa. Naextend 'yong meeting, e. Natagalan ang dating ng mga Montealegre. Kumain na po kayo?"

"Hindi pa, s'yempre! Hinihintay ka namin ng Mama mo!"

"Sana kumain na kayo. Anong oras na..."

"Ayos lang! Hindi pa naman kami gutom pero ngayong nandito ka na, kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain!"

I smiled and nodded. Isinantabi ko muna ang pagkakabahala ko tungkol kay Gideon. Dapat talaga hindi ko na siya iniisip!

Kinuha ni Papa ang mga gamit ko at siya na mismo ang nag-akyat sa taas. Humalik ako kay Mama at tinulungan siyang maghain sa lamesa. Her aura is really light nowadays. I'm happy that she's finally having a bright radiance in our new life.

"Umupo ka na lang! Galing ka sa trabaho kaya ako na ang maghahain!" Saway ni Mama.

"Ayos lang, Ma!"

Umilag ako sa kanya nang sinubukan niyang bawiin ang baso sa akin. I chuckled and put the glasses on our respective placemats. Maliwanag ang buong kusina. Maliit lang ang dining table namin dahil hindi naman kalakihan ang apartment pero ayos na rin. Kapag natapos ko ang sasakyan, ipapaextend ko na lang 'tong kusina. Sobrang dami kong plano sa buhay kaya dapat talaga doble kayod!

Naupo na kaming lahat sa hapag. Sinimulan ni Mama ang dasal at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

"Natanggap ka na ba roon sa in-apply-an mong trabaho? 'Yong ano... financial advisor ba 'yon?" Si Mama.

Halos masamid ako sa sabaw ng sinigang na hinigop ko. Naubo ako. Kung malalaman nila kung sino ang boss ko, baka mawindang sila Mama!

"Ayos ka lang?" Inabutan ako ni Papa ng tubig.

I smiled and sipped on the water. Taas kilay lang na nakatingin sa akin si Mama. Hindi na mainitin ang ulo niya pero isa lang ang hindi nagbago, ang pagiging mataray niya.

"Uh, opo. Dalawang beses na nga po akong nakipagkita sa boss ko roon," I chuckled nervously.

"O, ba't 'di mo sinabi sa amin?"

Kasi balak ko po talagang mag-withdraw na! Pero hindi ko sinabi iyon. I just pursed my lips.

"Sinong boss mo roon?" Tanong ni Mama bago humigop ng sabaw.

"Uh, si G-Gideon po..."

At tuluyan na ngang naibuga ni Mama ang hinigop na sabaw. Maging si Papa ay naubo rin. Mas lalo akong napayuko.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon