Chapter 22

2.9K 83 10
                                    

You First

The papers were stained with tears from two decades and a half ago. And now my fresh tears dropped on the paper as I tried to get a hold of myself, even when I know it was impossible when I am already this confused and furious.

Halos maguyumos ko ang papel dahil sa sobrang galit ko. This contract jailed her in this ranch for so long! Her dreams were ruined because of this! Why would she have millions of debt? And why was this even allowed?

It was dated Twenty-five years ago. I wasn't even born back then. Hindi si Don Adelio ang isa pang receipient ng kontrata, kundi ang kanyang ama, ang dating gobernardor na si Senyor Anthony dela Roca.

Saan naman ginamit ni Mama ang milyon-milyong utang niya? Kung may ganoon siya kalaking pera, bakit naghihirap kami ngayon? Why did she sign this contract? Or... was she forced to? 

Sa sobrang galit at pagkalito ko, wala na ako sa sarili nang lumabas ng opisina dala ang mga papel. Halos magusot iyon dahil sa nakakuyom kong kamao. My vision was blurred with tears of frustration and anger. Maybe it was because of adrenaline rush that I was already inside the house in no time. Walang pasok si Mama ngayon kaya naroon siya sa bahay nang naabutan ko.

"O, anong nangyari sa 'yo?" Si Papa na naalarma nang nakitang bumubuhos ang luha ko.

Nilagpasan ko si Papa at dumiretso kay Mama na gulantang din sa ayos ko.

"Ma, ano 'to?!" Halos mamaos ang sigaw ko.

"Anong problema, anak?"

"Ano 'yan?" Kumunot ang noo ni Mama.

I gasped and showed her the papers. Kunot-noo niyang kinuha ang mga papel at nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita kung ano iyon. She looked horrified while reading the contract. Nang nag-angat siya ng tingin sa akin ay may luha na rin ang kanyang mga mata.

"S-Saan mo nakuha 'to? Paano napunta sa 'yo 'to?!"

"Mahalaga pa ba 'yon, Ma? Ano 'yan? Bakit may milyon-milyon kang utang?! Bakit ka pumirma r'yan, Ma?!"

Kunot-noong kinuha ni Papa ang mga papel at mas lalo akong nanlumo nang nakitang ni hindi na nagulat si Papa nang mabasa iyon. Umigting lang ang kanyang panga at hindi makatingin sa akin.

"Alam mo rin ito, Pa?! Kaya ba hindi kayo nakaalis ng rancho ni Mama? Kasi may pinirmahan kang kontrata?" Bumuhos ang luha ko.

I am so angry! Who would do such thing? At sino naman ang tangang pipirma ng ganoong kontrata?!

Humahagulhol na rin si Mama. I am so angry. I don't think I could ever go back. I don't think I could ever see the ranch the same way again. I don't think I could ever look and forgive the dela Rocas for this! Hindi man si Don Adelio ang nagpapirma kay Mama noon, imposibleng hindi nila alam ito! He enabled this misery to happen to my poor mother!

"Hindi ka naman tanga para pumirma ng ganyang kontrata, hindi ba? Hindi 'yan makatao! Sino ang gagawa niyan? Bakit ka pumayag, Mama?!"

"Morrigan, anak, mag-usap tayo nang maayos-"

"Hindi ako tanga, Morrigan, pero desperada na ako noong panahong 'yan!" Umiiyak na sinabi ni Mama.

"Bakit?" Pasuko kong bulong.

Hindi alam ni Papa kung kanino siya dadalo. Marahas siyang bumuntong hininga at sinarado ang pinto ng aming munting bahay bago lumapit muli sa umiiyak na si Mama. I feel bad for her. This must not be easy for her but I need answers. I'm too furious to calm down!

Ang isipin na basta na lang nila iniwan ang kontratang iyon sa lamesa sa opisina, ibig sabihin lang noon na wala na lang sa kanila iyon! At mas lalong nakakagalit. Gustong gusto kong sumabog sa galit. My mother lived in misery because of these damn papers!

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon