Chapter 9

3.6K 115 13
                                    

Judgement

Perspective indeed varies depending on how deep you have seen a raw wound. My impression about Gideon may not be that good but I still can't tolerate hearing baseless rumors about him from the workers of their ranch. 

Ibang iba talaga ang opinyon ko sa kanila sa pagpapatalsik kay Jomar dahil alam ko ang tunay na rason ni Gideon. Sila, hindi.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa ni Gideon 'yon. Maybe it wasn't for me alone. He said he did it for everyone. Pero ang isiping pinaniwalaan niya ako kahit iba ang impresyon niya sa akin, at kahit gaano man nakakalason ang mga sinasabi ng ibang tao sa akin, ay hindi ko pa rin magawang pakawalan. 

Sa mga sumunod na araw, walang ibang pinag-usapan ang mga kapitbahay kundi ang pagiging masamang ugali raw ni Gideon. Yes, Jomar is one of the most industrious worker in the ranch. But had he stayed, I wouldn't feel safe. 

"Baka naman nag-away ang dalawang binata. Mas may kapangyarihan si Gideon kaya napalayas," kaswal na sinabi ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.

I pursed my lips. Bumagal ang pagkain ko habang nakikinig sa kanila. Wala akong ibang pinagsabihan dahil... ayaw kong masabihan lang ako ng kung ano. Baka sabihin nila... muntik lang naman palang mangyari... 

Ayaw ko ring sabihin kanila Mama at Papa dahil alam kong hindi nila iyon palalagpasin. Isa pa, wala na si Jomar at ang pamilya niya rito sa rancho. 

"E, ano naman ang pag-aawayan ng dalawa? Napakagalang na bata ni Jomar! Nirerespeto niya ang mga dela Roca kaya panigurado, 'yong isa ang nagsimula ng gulo."

"H'wag kang magsalita ng tapos, Ruth."

"Ano pa bang ibang iniisip mong pag-aawayan nila? Malalagas ang mga trabahante kung hindi pa nila pababalikin si Abelard."

"Ikaw, Morrigan? Ano sa tingin mo ang pinag-awayan ng dalawa?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanilang dalawa. 

"W-Wala po akong ideya, Papa."

"Baka nagkainitan gawa sa kabayo. 'Yong si Jomar ang nagpapaligo sa kabayo ni Gideon, 'di ba? Kung iisipin, napakababaw naman na dahilan pero wala na akong ibang maisip kundi 'yon lang."

Bumagsak ang mga mata ko sa kinakain.

"Sakit sa ulo lang ang dala ng Gideon na 'yan. Pabalikin na lang kasi nila sa ibang bansa at mas maayos pa yata ang rancho noong wala siya. O kaya... 'yang si Deilla na lang ang turuan nilang mamalakad ng mga negosyo nila."

"Masyadong spoiled ang batang 'yon kay Don Adelio. Ayaw pagtrabahuhin kaya mukhang malabo." 

Nang matapos kumain ay agad akong nagligpit, walang imik. Hindi ko talaga magawang maatim ang mga negatibong komento tungkol sa kanya. How can people speak like they know everything, when in fact, they know nothing?

O baka apektado talaga ako dahil alam ko ang pakiramdam ng pinag-uusapan para sa isang negatibong bagay.

How heavy it is to carry the burden of your past. That no matter how much you try to improve yourself, people will still keep throwing your past mistakes on your way to change for the better. I've been suffering from it for so long. And I realized, Gideon is, too. 

Ang hindi pagkinig sa mga sinasabi ng tao ang ginagawa kong pag-ilag tuwing binabato ako. Pero hindi rin maiiwasan na matamaan o madaplisan, at sa tuwing ganoon nga, pati ako ay nagdududa sa sarili ko. You can't evade everything, and when the blades of words hit you, it grazes deeper and deeper until it reaches your soul.

Wala pa rin kaming imikan ni Gideon. Hindi rin naman niya ako pinansin kahit alam kong ramdam niya ang titig ko sa kanya. My day went on but it was never the same like usual.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon