Chapter 19

3K 83 28
                                    

Contentment

Mabilis lumipas ang mga araw ng Abril. Hindi ko na rin siguro namalayan ang paglagas ng mga araw sa buwan na ito dahil sa sobrang abala para sa kampanya ni Don. Ilang araw na lang at Mayo na. Malapit na ang botohan kaya mas lalong puspusan ang pangangampanya.

For today, we went to a remote area in Batangas to campaign for Don Adelio and his party. Naka-orange na damit ako na may tatak ng partido ni Don. Naghihiyawan ang mga tao habang nagsasalita si Don sa unahan tungkol sa kanyang plataporma. Nagset-up lang ng dalawang tent at may pakain mamaya.

Pinunasan ko ang aking pawis habang binibilang ang mga naka-pack nang pagkain at tubig. Nakaupo si Donya Hillary sa unahan, nakangiting nakikisabay sa palakpakan. 

"Ipinapangako ko ho na pagdating ng ikalawang taon, mayroon na pong konkretong tulay at daan ang mga liblib na lugar upang mas mapadali ang transportasyon. Ang mga malulubak na daan ay mapapalitan ng magandang kalidad na kalsada!"

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Nahagip ko ang pag-irap ni Gideon sa unahan. Napailing ako sa kanya.

"Don Adelio! Don Adelio!" The people chanted while wavering their fist in the air.

"Ang akin pong asawa ay mayroong scholarship program wala pa man po akong posisyon sa gobyerno. Kaya naman po isa rin sa mga plataporma ko ay libreng pagpapaaral sa mga estudyanteng kapus-palad!"

The cheer roared again. Matamis na ngumiti si Donya Hillary at kumaway sa mga tao. Natatakot akong baka ma-stuck ang eyeballs ni Gideon sa itaas dahil sa kakairap.

Hindi ko alam kung magandang ideya ba na sumama pa siya ngayon kaysa hindi na. Halatang napilitan lang siya. Kung hindi nakatingin sa akin, panay naman ang irap sa unahan. I stifled a smile and just focused on my work. May mga ipinamimigay ding flyers at stickers ni Don Adelio. 

"Ayos na ba ang mga pagkain? Malapit nang matapos ang speech ni Don!" The head staff alerted us.

"Maayos na po. May sobra rin na pagkain kahit medyo marami ang dumalo kaysa sa inasahan," sagot ko naman.

"Oo nga, e. Ang daming dumalo. Sure win na 'tong si Don!"

Mabuti naman kung ganoon. Kung magiging gobernador si Don Adelio, hindi na rin masama. I trust the calibre of the dela Rocas. More so, their compassion for their people. Kung sa rancho pa nga lang maayos na ang pamamalakad nila, at nakakasundo nila ang mga tao, paniguradong magiging maayos ang pamamalakad sa buong siyudad.

Nang matapos na ang speech ni Don at ng iba niyang mga kapartido, pumila na ang mga tao para sa pagkain, halos magtulakan pa. Nakahilera kaming mga staff para ipamigay ang mga pagkain.

"Salamat po sa pagdalo..." paulit-ulit kong sabi tuwing ibinibigay ang nakapack na pagkain.

"Ang ganda mo, Miss," ngumisi ang binatang inabutan ko.

"Salamat. Salamat sa pagdalo," ngumiti ako.

I got distracted when I saw Gideon walked towards my direction. He looked so bored. Natawa ako sa kanya nang makalapit siya.

"Kung ganyan ang itsura mo sa harapan, madidismaya ang mga tao," pabulong kong pangaral sa kanya.

Humalukipkip siya at sinandal ang baywang sa lamesa. Pinanuoran niya akong nag-aabot ng pagkain.

"Pumunta lang ako dito dahil sa 'yo. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Mamaya na pagkatapos. May mga nakapack namang pagkain para sa staff."

Ngumiti ako sa matanda nang abutan siya ng pagkain kaya lang hindi siya agad umalis sa pila. Namamangha siyang tumingin kay Gideon. Napatingin tuloy si Gideon sa kanya.

Whirlwind Quells the Flames (Rancho dela Roca Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon