Chapter 3

3 0 0
                                    

"Mommy.. Daddy..." humihikbi kong sabi. Hindi ko na nilakasan ang boses ko dahil baka marinig na naman nila at mahapdi pa ang magkabilang pisngi ko sa pagsampal nung babae kanina.


"Hey," napalingon ako sa lalaking pilit na lumapit sa'kin, hindi siya makagalaw nang maayos dahil nakatali rin ang kamay at paa niya.


"I'm scared," sabi ko at tumulo na naman ang luha ko.


"Put your head on my shoulder," utos niya kaya nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at patuloy parin sa paghihikbi. "It's going to be fine," sabi niya.


Ilang minutong katahimikan nung nagsalita na naman siya, "How's... How's your cheeks?" Tanong niya.


Kanina pa 'ko umiiyak pero 'di ako nauubusan ng luha, "It hurts," sabi ko. Ramdam kong basang-basa na ang balikat niya dahil sa'kin pero hindi siya nagreklamo.


"It's okay, we'll find ways to escape here. Nandito lang ako, okay?" He tried his best to comfort me and I guess it's effective kasi tumahan naman ako at tanging hikbi nalang.


"Promise you'll never leave me?" Tanong ko at inangat ng konti ang mukha ko para tignan kung ano ang sagot niya.


Tumango naman siya, "Promise," sabi niya. 'Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya.


Nagising ako nung may narinig akong putukan sa labas. Nakahiga na ako sa sahig, nilibot ko ang paligid pero wala na yung lalaki kanina.


Sa pagkakataong ito ay kinabahan na naman ako, I thought he just promised me awhile ago na 'di niya 'ko iiwan? Where is he?


Bzzzzzz!!
Pilit kong inabot ang phone ko sa may side cabinet ng bed ko. Someone's calling.


"Hmm?"


[Sorry, nagising ata kita.] It was Ely's voice.


"No, uhm kakagising ko lang," sabi ko at kinukusot-kusot ang mata.


[Do you want to hang out here?] Tanong niya.


"Yeah sure, later. See you," sabi ko at may pinag-uusapan pa kami at pinatay na ang tawag pagkatapos.


9 am na pala. Bumangon na ako at naligo. Feel kong pumunta sa park ngayon at magpahangin. Nagsuot lang ako ng black spaghetti straps na top na medyo kita ang tiyan ko ng konti at nakamaong shorts. Nilugay ko lang ang buhok ko at nagliptint din.


Umupo ako sa isang bench na katapat sa slide at tinitingnan ang mga batang naglalaro. They're laughing, running in circles, mga common things na ginagawa ng mga bata na 'di ko naranasan pagkatapos nung insidente noon. I isolated myself from others, I've developed trust issues and trauma...


Tumakbo palayo ang mga bata nung may babaeng lumapit sakanila, natawa ako. Ayaw pa ata nilang umuwi, "No!" Sigaw nung batang babae na nasa swing umuupo. Nakatalikod sa'kin ang babae, must be her Mom.


Rinig ko kung paano umayaw at umiyak ang bata nung hihilahin na siya ng nanay niya, "No! I won't go with you!" Her Mom keeps pulling her hand away from the swing, the girl insisted. "Go away! I don't know you!" That made me stand up and approached them.


Kitang-kita ko sa mata ng bata ang takot, "Excuse me, you're hurting the kid," ani ko at pilit na lakihan ang boses para matinag ang babae.


"Anong nasasaktan? Bakit? Kaano-ano mo ba ang anak ko?" Inis na saad nung babae. I think she's in the mid-40s.


"You're not my mommy!!" Sigaw ng bata. I don't know what to do, medyo nanginginig na rin ako sa takot.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luckily Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon