Prologue

7 0 0
                                    

Author: Hello everyone, this is Art.ine thank you for stopping by at my profile and read my story. This is my first story, I don't even know if I'll finish this :'> but I'll try my best. Expect grammatical errors but once I finished this story, rest assured that I'll come back here and edit it. I used actors (mostly korean) to portray the characters in my stories. Some parts of the story contains sensitive topics, so I won't force you to read my stories, only those for who can bare it. That's it, enjoy reading! Mwuah! <333

——————

"Mommy," tawag ko habang lumilinga-linga sa paligid. Kakalabas ko lang galing sa isang toy store nung 'di ko na mahanap si Mommy sa labas.


Umaagos na sa pisnge ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pumasok ulit ako sa store nagbabakasakaling pumasok si Mommy— pero wala.


"Mommy!" Lumabas ulit ako sa store. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang tao dito pero walang kusang lumapit sa'kin para man lang tulungan ako.


Iyak pa rin ako ng iyak, "Hello, why are you crying?" Tanong ng kung sino. It was a lady.


Hindi ko siya pinansin at umiyak lang at kung saan saan napapako ang tingin dahil baka mahagip ko si Mommy, "Do you want lollipop? Here you go," sabi ulit nito kaya napatigil ako sa pag iyak at tiningnan siya na naglalahad sa'kin ng lollipop.


Pinunasan ko ang luha ko at tinanggap ang lollipop tsaka ito binuksan, "How old are you, hija?" She asked.


"Seven," sabi ko at sinubo na ang lollipop na bigay niya. 'Di ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil medyo blurred ang paningin ko sa kakaiyak. But I'm sure that she's grinning and I don't know why...


Tinitingnan lang ako ng babae at ako naman itong busy sa pag kain ng lollipop ko. Napakunot ang noo ko nung parang umiba ang lasa ng lollipop pero pinagpatuloy ko pa rin itong kinain. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at ang huli ko nalang nakita ay sinalo ako ng babae.


Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Tatayo na sana ko nung nagulat ako na nakatali ang kamay at paa ko. 'Di maproseso sa utak ko kung ano ang nangyayari pero nakaramdam ako ng takot.


Umiyak ako, "Mommy! Daddy! Help!" Ubod ng lakas na sigaw ko. Hindi ko makayanang tumitig sa kadiliman ng kwarto dahil parang mas dumidilim at dumidilim lang ito. Ayoko ring pumikit, natatakot ako.


"Mommy!! Daddy!!!" Sigaw ko. Where am I? Sumagi sa utak ko na baka kinidnap ako dahil ganito ang mga nakikita ko sa mga movies...


May bumukas sa pinto kaya may konting liwanag na nakapasok sa kwarto, "Ang sakit sa tenga! Nakakairita!" Sigaw nito at may pinapasok siyang batang lalaki at tinulak para makapasok ng tuluyan sa loob at napadaing ang bata nung sumubsob siya sa sahig.


"P-Please help me," pagmamakaawa ko. "I need Mommy!" Humagulgol na ako.


"'Di ka titigl?!" Sigaw niya at naglakad papunta sa harap ko. 'Di ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa liwanag na nagmumula sa labas.


"Mommy! Dadd—" nagulat ako sa pagsampal niya at humagulgol ng lalo. Napapikit ako sa sobrang sakit ng pagsampal niya sa'kin.


Luckily Found YouWhere stories live. Discover now