CHAPTER NINE

50 2 0
                                    

“TREVOR!” pasigaw na sabi ni Yuuskei. Hindi ito narinig ni Trevor kaya napasimangot ang binata saka mas nilakasan ang boses. “Trevor!”

He stomps his right foot in madness. Sumasakit na ang kaniyang lalamunan sa katatawag kay Trevor pero wala lang itong kibo sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Chief Inspector Harris sa usal ni Yuuskei. “Hindi mo pa alam ang totoong kalagayan ni Trevor?” tanong niya habang nakatingin kay Trevor na ngayon ay seryosong nakikipag-usap kay Inspector Nagaro.

“Anong kalagayan?”

Nilingon niya si Yuuskei sabay ngiti nang matipid. “He’s deaf, Raven.”

Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi siya makagalaw sa lamig ng buong katawan. Hindi niya magawang magsalita habang nakatitig kay Trevor. “I-I can’t believe it. Bakit wala man lang siyang sinabi? Kaya ba nakatitig siya lagi sa mga nagsasalita?”

“He read lips.” Tinuro pa ni Chief Inspector Harris ang sariling labi.

Tinawag na ni Trevor si Yuuskei. Matagal ito bago marinig ang sigaw niya. Nang lumingon ito sa kaniya ay nagmamartsa itong galit na nakatitig kay Trevor.

“Trevor!” tili ni Yuuskei.

“Yes?”

Napakunot ang noo ng detective nang sumigaw na naman ito. Patuloy lang ito sa pagsigaw ng pangalan ni Trevor kaya nagtanong na si Trevor kung bakit ito sumisigaw. Hindi niya alam kung bakit ang laki ng nganga ni Yuuskei.

“I’m sorry for shouting at you. Please get mad at me.” Galit ang umuusbong sa puso ni Yuuskei ngayon. Ilang araw na silang magkasama ngunit hindi pa rin niya alam ang kalagayan nito.

“Huh? You’re being weird today. Ano ba ang nangyari?”

Napailing lang si Yuuskei ngunit nakatitig pa rin kay Trevor. Paghigpit ng dibdib ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na ito, ang mga mata ni Trevor na nakapokus lang sa bibig ni Yuuskei.

“Stop staring at me, Yuuskei,” reklamo ni Trevor saka umupo sa isang silya at kinuha ang files.

Kung puwede lang tumira si Yuuskei sa SAS ay tumira na siya para lang mas maintindihan nang maayos ang kasong kinakaharap dahil hindi umiwi si Trevor kagabi dahil sa bagong kasong hawak. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Yuuskei ang paghikab ni Trevor. Ang mga mata nitong pilit na binubuksan kahit nahuhulog na.

Napailing na lang ang aktor saka pinagpatuloy ang pagbabasa sa files. “Pang-apat na victim si Jaisha kung hindi kasali si Joana Silvia?” tanong niya.

Tumango si Trevor. “Yes. Kaunting kemikal lang ang inilagay ng killer kay Jaisha. Morgan located the chemicals in her throat. Pinainom niya ito.”

Napakunot ang noo ni Yuuskei sa nalaman. “May ebidensya palang nakita na murder ito pero bakit hindi pinapalabas sa publiko?”

“I told you already, we do not disclose information to the public so that the killer will think that we didn’t find any evidences.” Trevor’s lip twitches, he lied. The case is under covert investigation and Trevor doesn’t care if the killer already knew that they’re finding evidences.

“I heard that this case was closed already. Bakit mo binuksan?”

“I just want to know the truth,” Trevor answered plainly. Napayuko si Yuuskei dahilan para mapaiwas si Trevor. “Huwag kang umasa na ginagawa ko ang lahat ng ito dahil nag-aalala ako sa ’yo.”

“So, what’s the weapon?” pag-iiba ni Yuuskei sa usapan. Hindi siya namimilit sa taong halatang binabalewala ang sarili nitong nararamdaman.

Nang mabasa ni Trevor ang lumitaw sa screen ng selpon kung ano ang sinabi ni Yuuskei ay agad siyang sumagot, “A garden shovel.”

Living under the Microscope - [BL]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon