CHAPTER TWO

178 5 0
                                    

“THANK YOU for everything, Yuu.” Kaunting inangat ng ginang ang gilid ng labi saka pinisil ang kamay ni Yuuskei.

A soft smile escape from Yuuskei’s lips. “Tita, everything will be alright. Malalaman din natin kung sino ang pumatay kay Jaisha.” He wants to comfort her. Kahit sa simpleng salita man lang. Kung gaano kasakit ang kaniyang nararamdaman ay triple pa sa nararamdaman ngayon ng ginang.

“So, you can’t also accept the fact that she committed suicide?” mahinang tanong ng ginang saka sinulyapan ang puntod ni Jaisha.

Limang araw na ang nakalipas nang mangyari ang hindi kanais-nais sa artistang si Jaisha Barlon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Kalat na rin sa iba’t ibang social medias ang mga litrato at video ni Yuuskei tungkol sa nangyari sa Jaqei River. Marami ng memes gamit ang mukha niyang umiiyak, napapabuntong hininga na lang siya sa mga kumakalat. Sa limang araw, maraming tumatawag na reporters sa agency niya at dumagsa ang napakaraming articles tungkol lang sa kaniya at kay Jaisha.

“Tita, naniniwala ka sa sinasabi ng iba?” hindi makapaniwalang tanong ni Yuuskei habang ang selpon na nasa bulsa ay patuloy na nag-v-vibrate pero hindi niya ito pinansin.

“H-Hindi naman sa ganoon pero wala na akong magagawa sa nangyari sa anak ko,” naiiyak na saad ng ginang kaya niyakap ito saglit ni Yuuskei.

“Tita, magpahinga ka na, okay? Ayaw na ayaw ni Jaisha ang napapagod ka.” Ngumiti si Yuuskei upang ipadama sa ginang na magiging maayos ang lahat kahit na siya mismo ay hindi alam kung paano maaayos ito.

“Thank you. Magpahinga ka na rin. Alam kong busy ka.”

Tumango si Yuuskei saka kumaway sa ginang na ngayon ay pasakay na sa kotse.

“Saan ba nila nakuha ang contact info ko?” Inis niyang kinuha ang selpon sa bulsa saka pinatay ito.

“Jaisha,” sambit ni Yuuskei habang nakaharap sa lapida ni Jaisha. “This is the worst. I’m the worst. Totally the worst friend you have!”

“Jaisha, why did all of these things happened? Why?” tanong ni Yuuskei kahit na alam niyang hindi ito sasagot kaya mapait siyang ngumiti, mahigpit na hinawakan ang kwintas. “If I accepted your confession that day, hindi ka sana namatay. Mababago sana ang mga nangyayari!” Galit na sinambutan ang sarili at inilandas ang mapapayat na mga daliri sa pangalan ni Jaisha. Kung gaano kainit ang panahon ay kabaliktaran ang nararamdaman ni Yuuskei. Ilang araw na niyang inisip kung ano ang mga dahilan kung bakit ito nangyari pero isa lang ang pumasok sa isip niya. “Jaisha, I’m sorry. I am so sorry. Ako ba ang dahilan? Totoo nga bang nagpakamatay ka?”

“Mr. Yuuskei Hawtson?”

Napalingon si Yuuskei at nakita ang isang inspektor na humawak sa kaso ni Jaisha. “Yes?”

Unting-unti itong naglalakad papalapit sa kaniya. Bawat hakbang na ginagawa’y mas nabibigyang diin ang maskuladong katawan na suot ang hapit na hapit na unipormeng itim na may isang badge na nakadikit kaliwang bahagi ng dibdib. “I am Sebastian Nagaro and I am one of those people who handle this case. Puwede ba kitang makausap tungkol sa nangyari kay Ms. Jaisha Barlon?” tanong nito kaya tumango si Yuuskei.

Umuna sa paglalakad ang inspektor kaya sinundan niya ito. Napahinto ang inspektor sa ilalim ng isang malaking kahoy.

“Let’s get straight to the point.” Inilabas ng inspektor ang ballpen saka isang maliit na notebook at seryosong tinitigan si Yuuskei. “Tinawagan ka ng biktima no’ng Nobyembre 23, 2023, 3:26 P.M. ng hapon. May kahina-hinala ba siyang sinabi sa iyo sa tawag o nagkita kayo?”

Napalunok si Yuuskei sa malalim na pagkakatitig ni Inspector Nagaro at napatitig na lang sa bigote nitong ka-t-trim pa lamang. Napahinto ang pag-iisip ni Yuuskei bang may kamay na kumakaway sa mukha niya.

Living under the Microscope - [BL]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon