Chapter Eight

193 8 0
                                    

Nagising ako sa nagiingay kong cellphone.

"Hello" sagot ko pero wala akong marinig sa kabilang linya.

"Hello , prank call ba to!" Sabi ko ulit.

"Michaella andito ako sa baba nang condo mo" sabi niya.

"Vince. I mean sir Vince? " Garalgal na tNong ko.

"Yes ?"

"Teka lang po. Kagigising ko lng po kasi .wait niyo po ako ng mga 20 minutes" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Di pa ako nakasuklay nangbumba ako. Nakakahiya sa boss ko. Baka magalit yun sa akin.

Pagkababa ko lobby ay nakaupo lang siya dun sa waiting area. Naka de kwatro at nag ce- cellphone. Lumapit ako sa kanya.

"Tara na po" sabi ko habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Okay " sabi nito.

Nagpatiuna na siyang maglakad papuntang kotse niya. Nakasoksok sa kanyang bulsa ang isang kamay habang ang isa naman hawak hawak ang susi. Napakaangas niya tignan lalo na't nakasuot ito ng maong pants at isang v- neck na gray at naka jacket ito ng black din at nakasuot din ito ng shades. Na nagpapa angas sa kanya.

Pagdating sa bahay nila ay naabutan naming naglalaro sina Ace at Venice sa may sala nila.

"Andito na pala papa sila e" ani nito. Nang makita kami.

Tinignan naman kami ni Ace kung asan kami. At nagliwanag bigla yung mukha niya pagkakita sa amin.

"Hello po titA" bati ni Ace.

"Hi" bati ko naman. "Kumusta ka na?"tanong ko.

"I'm fine po. Want play " sabi nito at nilahad sa akin ang laruan niyang blocks.

Binaba ko ang bag ko at naglaro kmi kina Venice at Ace ng puzzle at blocks at kung ano ano pa.  Walang kapaguran si Ace.

"Meryenda po muna kayo ma'am" kasambahay nila Venice. Na medyo may katandaan na.

"Salamat po manang, ilagay niyo nalang po jan sa may mesa" ani ni Venice.

"Meryenda muna tayo baby" aya ko kay Ace.

"Okay po" sabi nito.

Pagkatapos namin magmeryenda ay hindi muna kami naglaro. At hinayaan muna namin si Ace na maglaro.

"Ligo tayo mamayang hapon sa pool " sabi nj Venice.

"Yess i want that to Tita Venice" Ace.

"Ligpit mo na yang toys mo Ace nood na lang tayo okay ba yun sayo?" Tanong ko.

"Yes po" sagot nito at sinunod naman ang sinabi ko.

Nanonuod kmi nang tungkol sa isang family na nagoouting nang pumunta sa amin si Ace.

"Where is your mommy tita Michaella? " Tanong ni Ace sa akin.

I don't know why he asked me that. Siguro namimiss niya lang yung mama niya. Baka nga siguro yun yung dahilan.

"Nasa Ilocos siya kasi nagwowork ako dito sa manila" maingat na sagot ko.

" I don't have mommy but i don't want Trina be my mom"he said.

Bakit kaya ayaw nila kay Trina. Is she really that bad person. Bakit ayaw nalang nila sa kanya.

"Bakit naman baby?" Tanong ko.

"She's bad. She always mad at me and scold me when daddy is not around" Ace.

"Pero sinasabi mo kay daddy mo?"

Umiling siya.

"I'm scared to tell cause when she found out that I tell dad she pat my but"ani nito.

Kawawa naman. Pero bakit di siya naniniwala na masama ang ugali ni Trina si Vince. Ganun na ba niya kamahal si Trina para mawalan siya ng tiwala sa kapatid niya. At nawawalan na rin siya nang oras para sa anak niya.

"Hayaan mo andito naman kami ni tita Venice mo e at saka sina tito Vaughn and Annie. Sina Lola and Lolo mo rin madami kaming love sayo at ipagtatanggol ka namin " ani ko.

"Oo atsaka tatalunin namin yung si Trina demonyita na yun" gigil na sabi ni Venice.

Nagtawanan naman kami ni Ace.

"Your face was funny tita" tatawa tawang sabi ni Ace.

"Funny pala huh" sabi naman ni Venice at kiniliti si Ace.

Tumakbo papunta sa akin si Ace at yinakap ako para itago siya kay Venice. Ako naman ay itinakbo din si Ace habang buhat buhat ko ito dahil nakayakap siya sa akin. Naghabulan kami hanggang sa madulas kami ni Ace pero yinakap ko si Ace para di masaktan sa pagbagsak namin.

"Okay ka lang ba baby?" Tanong ko kay Ace.

"Opo" sabi nito

"Walang masakit sayo baby?" Tanong ko para sure. Takot akong mapagalitan e.

"Yes" sabi nito at tumayo na ako naman ay tatayo na sana pero ang sakit nang bewang at paa ko may gasgas din ng kamay ko.

"Anyare sa inyo?" Tanong ni Venice nang madatnan akong nakaupo sa sahig.

"We fell but tita Michaella protect me so I won't hurt , but I don't think she's okay may sugat siya e." Sabi pa ni Ace. Napakadaldal na niya kahit mag 3 pa lamanag siya.

"Anong nangyare Venice?" Rinig kong tanong ni Vince. Siguro narinig niya sa mga yaya nila.

"They fell in the ground kuya , Ace is okay pero si Michaella may sugat siya." Kwento ni Venice sa Kuya niya.

"Ano ba kasi ginagawa niyo?" Galit na sabi niya. At pinuntahan si Ace. "Okay ka lang Ace?" Tanong nito sa anak niya.

Wow ainabi na ngang okay lang si Ace e. Di pa naniwala sa kapatid niya. Ako yung nasaktan dito . Napairap ako sa kakupalan niya.

"Im okay daddy"sabi namn ni Ace.  " Pero hindi siya okay daddy help her to get up daddy" sabi pa nito.

Buti pa yung bata mabait. Buti nga di namana ni Ace yung sama nang ugali niya. Tinignan naman ako ni Vince. Galit na naman ang mukha niya.  Pumunta siya sa kin at tinulungan tumayo. Napakabango naman niya. Naaakit ako. Napaka manly nang amoy niya.

"Okay na" tamad na sabi niya sa akin.

"Opo Sir" sagot ko naman. Apaka maldito. Ihulog kita sa pool e. Sarap mong sabunutan.

Paika ika akong pumasok sa loob hawak ako ni Venice. Syempre walang modo yung lalakeng yun. Si Ace lang ang kinuha sa loob. Di na talaga ako pupunta pag pinapapunta niya ako dito. Napakasama nang ugali niya.

"A-aray" ani ko nang ipahid ni Venice ang bulak na may betadine.  Ang liit liit pero ang hapdi.

"Ang liit lang e atsaka gasgas lang yan gurl" Venice.

Inirapan ko lng siya , e masakit naman talaga e.

"Ikaw kaya ang itulak ko nang magasgasan yang kamay mo din" inis na sabi ko kay Venice.

"Okay okay di na ako magsasalita" Sabi niya.

Nanghapon din iyon ay hinatid na ako sa condo.

"Hilotin mo nga bewang ko Avi parang na dislocate ata yung mga buto ko " sabi ko kay Avi. Nang patulog na kami.

"Ano ba nangyari kanina" tanong naman ni Avi.

"Natapilok ako kanina" sabi ko naman.

Hinilot niya ako habang kinekwento ko sa kanya yung nangyari kanina.

_____

Vote

Loving the ArrogantWhere stories live. Discover now