Chapter fourteen

349 14 7
                                    

Nakatingin lang ako sa bintana habang siya ay tahimik na nagdra drive. Ayokong ako ang unang magsalita at Nahihiya akong kausapin siya Pero no choice kailangan kong humingi nang sorry sa nangyari noon kay Ace. Naaapektohan pa rin ko sa nangyari. Dahil don hindi ko na nakakasama si Ace. Naaawa ako sa bata.

"Sorry po sir , alam ko pong galit po kayo sa akin dahil sa nangyari kay Ace. Maniwala po kayo Sir hindi ko sinasadya yung nangyari. Buti nalang po si Leo ang nakakita sa kanya. " Sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya habang siya naman ay paminsan minsanh  tumitingin sa akin.

"I know " maikling sabi niya habang ang tingin ay sa harapan. "Sino ba yung lalaki kanina?" Tanong niya. "Akala mo kung sino. Hindi mo naamn pala boyfriend" bulong niya pero di ko alam malakas pala pandinig ko at narinig ko iyon.

"Ah siya po yung nakakita kay Ace" sabi ko. Natahimik siya bigla. Nakatingin ako sa kanya kaya kita ko kung paano lumabas ang kanyang ugat sa kamay pag liliko at magkakambyo . Nakaka attract naman. Parang gusto ko siyang hawakan. HAHAHA.

Nang tumingin ako sa mukha niya ay kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Ang haba rin ng pilik mata niya. Ang kinis kinis nang balat niya. Parang nagpapafacial siya palagi.  Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Napaka pula naman . Parang ang sarap halikan.

Nanlaki mata ko nang pinalandas niya ang kanyang dila sa kanyang labi para basahin ito. Sarap halikan. 

Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang bigla itong tumibok ng mabilis. Nako wag kang umarte nang ganyan heart huh. Boss ko yan wag ka mafafall.

Iwinaksi ko ang iniisip kong iyon. Dahil hindi ko pwedeng mahalin ang boss ko.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makita kong medyo makalayo na kami. Tinignan ko ito.

"You'll know when we get there" sabi niya habang nakangisi ito.

"Sabihin mo na po kasi Sir, gusto ko na pong umuwi. Inaantok na ako at isa pa po may lakad ako bukas?" Litanya ko sa kanya. Wala man lang siyang balak sabihin kung saan niya ako dadalhin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa may port. Bakit kami nasa port. Sasakay kami s barko? . Nako takot pa naman ako sa malalim na tubig di kasi ako marunong maglangoy.

"Sasakay po tayo jan?" Tanong ko kay Vince. Pagkapark niya nang kotse. Nakaturo ang kamay ko sa barkong nasa gilid.

"Hindi diyan pero, sasakay tayo." Sabi niya habang nakangisi. Napakagwapo niya tignan. Pero para naman itong may planong masama.

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit? Saan ba kami pupunta? Nako kidnapping to!.. pero ako ang sumama sa kanya . Jusko Michaella Jordan.  Ano ba kasi pumasok sa isip mo na sumama sa kanya. Muka pa naman siyang nakainom. Pero boss ko siya alangan naman na sa di ko kilala ako sumama diba.

"Let's go" ani Vince. Habang papunta sa yate. YATE. as in YATCH. alam kong sa kanya iyon dahil may nakasulat doon na Vince Khael.

"Wala po akong dalang damit. San po ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya habang naglalakad pa rin papunta doon. Nang nasa may malapit na kami ay huminto siya sa may tulay papunta doon.

"Don't worry, ako nang bahala " ani nito. At inilalayan niya ako papunta sa yate. Pagsalampa ko doon ay nanlamig ako kinakabahan ako dahil mejo umuga ito. Dahil sa kaba ko ay napahigpit ang hawak ko kay Vince ay nahatak ko din ito kaya napalapit siya sa akin.

Napatulala ako dahil napakalapit ang kanyang mukha sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras. Mas gwapo pala siya pag malapitan. Nakatogtig lang din sa akin si Vince pero mayroon nang namumuong ngisi ang kanya labi nang tignan. Ko ito.

Loving the ArrogantΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα