"Tarantado ka."

"May I remind you, bambolina. Pasigaw mong inungol ang pangalan ng tarantadong ito," sabi niya na may halong ngisi.

I clenched my teeth as I stop myself from hitting him one more time. Tama naman ang sinabi niya at tinamaan ako, sapol na sapol.

At agad na tinupok ng apoy ang aking magkabilang pisngi noong maalala ko ang mesa kung saan kami gumawa ng milagro. Kanina lang, habang kumakain kami ro'n ng pang umagahan, nagulat na lang ako noong walang sabi iyong bumagsak. Bumigay 'yong dalawang paa ng mesa na siyang naging sanhi ng pagkabasag ng dalawang plato at isang baso namin.

My cheeks were on fire and Lurusus just smirked. Tinawanan pa niya iyong mesa nang malakas.

Dahil nga sa pagkasira no'ng mesa, agad kong sinisi si Lurusus at guilty naman siya. Imbes na kumuha kami ng panibagong mesa, pinaayos ko na lang iyon sa kaniya para hindi na muli kami bibili ng iba. Thankfully, he knew how to fix it.

Kaso panay ang tili niya kanina habang nagmamartilyo. Tinakpan ko na lang ang tenga ko dahil rinding-rinding na ako sa napakatinis niyang boses. Halos rinig na rinig na rin sa kabilang bundok 'yong tili niya.

Sinubukan ko namang takpan 'yong bibig niya kaso dinilaan niya lang iyong kamay ko kaya pinabayaan ko na siyang tumili nang tumili hanggang sa matapos siya sa pag-aayos.

At ngayon nga, nagpapahinga kuno siya dahil napagod siya sa pag-aayos ng mesa namin kanina.

E sino ba namang hindi mapapagod? Mas marami pa siyang tili kaysa sa ginawa niyang pagpukpok ng martilyo.

Dahan-dahan siyang tumagilid paharap sa akin bago binaon ang kaniyang mukha sa aking tiyan. He circled his arms around my waist.

Palihim akong napangiti bago hinaplos ang buhok niyang mas malambot pa kaysa sa buhok ko.

"Lurusus," tawag ko sa kaniya.

He scrunched his nose. "Hmm?"

"Anong conditioner ang gamit mo? Ang lambot kasi ng buhok mo e. Gusto ko rin sanang subukan," sambit ko habang pinaglalaruan ang kaniyang buhok.

"Ewan ko. Hindi ko alam 'yong pangalan e. 'Di ko kasi mabasa. Basta galing ibang bansa," sagot niya habang nakasubsob pa rin sa tiyan ko.

"Gano'n? Edi bigyan mo na lang ako."

"Sige. Isang libo bawat patak."

Napakurap ako. "Bakit ang mahal naman? Girlfriend mo naman ako. 'Di pa pwedeng libre na lang?"

He pulled his head before looking at me. "Gusto mo ng libre?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman."

Sino ba naman ang aayaw sa libre 'di ba?

"'Yong tamod ko, libre. Iyon na lang gawin mong conditioner. Nasarapan ka na, nakatipid ka pa. 'Di ba?" aniya bago kumindat.

Baka nga mas lalong tumigas 'yong buhok ko kapag tamod niya ginamit ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinampas siya sa ulo. Mabilis siyang dumaing bago hinawakan ang likod ng ulo niya at hinimas-himas.

"Umayos ka, Lurusus ha," pagbabanta ko.

"Maayos naman ako ah," sabi niya. "Gusto ko nga magtayo ng bagong business."

I looked at him with interest. "Talaga? Ano namang negosyo?"

"Uso ang milktea ngayon. Maybe I can build a cafe that only offers milktea."

"Ano namang ipapangalan mo?"

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✔︎Where stories live. Discover now