SN-04

4K 60 14
                                    


Not edited. Makakabasa kayo ng mga typos and grammatical error!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AISSEN MILLER


"Ang gandang lalake mo talaga bunso. Naku tinalo mo pa ako!" ang puri at namamanghang turan ng ate ko pagkababa ko sa sala. I'm wearing a pink long sleeves at tinirnuhan ko ng fitted pants. Favorite ko talaga ang kulay pink na kulay.

"Nambola ka pa ate hahaha. Bakit kase ako yung naisipan mong isama sa art work exhibit mo?" ang sabi ko. Bahagyang lumapit sa akin si ate inaayos ang aking kwelyo.

"Syempre naman ano ka ba para mas dumaming papasok sa gallery ko nu. Tyaka wag mong sabihin sa jowa mo na maramig papabols na dadalo baka sumugod nalang iyon at mag eskandalo sa gallery ko" aniya at natawa naman ako dahil may katutuhanan ang mga sinabi niya. Ginamit niya pa talaga ako. Kahit hindi naman ako kasama ay marami parin ang dadalo sa art work gallery ni ate. Ang gaganda ba naman kase ng mga gawa niya.

"Halika na nga at kanina pa nag-iintay si arthur sa kotse. Kawawa naman ang aking lalabs" ang kwelang saad nito at hinigit nalang ako palabas ng bahay. Ni lock ko muna ang pintuan dahil wala namang taong maiiwan sa loob. Naka day off kase ang dalawang katulong dito sa bahay.

Ang naghihintay na nobyo ni ate ay seryuso lang nakatingin sa kawalan habang naka sandig sa kotse. Agad naman itong niyakap at hinalikan sa pisnge.

"Kanina ka pa love? Sorry kung natagalan kame alam mo naman nagpapaganda pa haha" sabi nito sa nobyo. Medyo nagulat pa ito dahil sa pagsulpot ni ate.

Kalaunay napangiti ito at sinakop ang labi ng malande kong ate. Napatakip ako ng bahagya sa aking bibig dahil nagkainan na ng labi ang dalawa. Where na ba you babe?

"Ehem! I'm here guys! Kung gusto nyong ituloy iyan pwede naman tayo wag nalang dumalo sa event" ang pag-awat ko sa dalawa. Si kuya arthur na ang humiwalay dahil ang maharot kong ate ay mas hinapit pa ang katawan nito sa nobyo. Grabe ang wild pala ni ate hahaha mabuti hindi ako nagmana chur.

"Oh I'm sorry bayaw your sister is so agressive!" ang natatawang saad ni kuya arthur imbes na mahiya sa akin. Taray! bayaw talaga? As far as I know hindi pa sila kasal.

"Duh! Gusto mo din naman eh tsee!" ang kunwareng naiinis na hampas sa braso ng nobyo. Natawa nalang din ako dahil totoo naman ang sinabi ni kuya arthur.

Ito din kase si ate ang harot. Kita nyo naman laban na laban sa laplapan hahaha. Ang gwapo naman kase ni kuya arthur sa suot nito hapit na hapit ang kulay abong long sleeves sa maskuladong katawan nito. Habulin din ito ng babae pero dahil loyal ito kay ate hindi niya na binibigyan ng pansin ang mga babaeng nakakandarapa. Isa siya sa halimbawa ng tall dark and handome. Mas nakakapag bigay ng appeal dito morenong balat. Kaya hindi mapakawalan ni ate bukod kase sa angking kagwapuhan nito ay madami na din itong achievement at galing pa sa mayamang angkan.

Para sa akin naman kahit hindi mayaman ang jowa ko ay okay lang sa akin at hindi naman mataas ang standard ko kaso nga lang binigay sa akin ng universe ang gwapo at hot kong boyfriend bunos pa na galing ito sa mayamang angkan.

Sa back seat ako umupo at sa harapan naman si ate ofcourse katabi ng nobyo niya alangan naman ako ang katabi diba?

Sinimulan ng paandarin ni kuya arthur ang sasakyan. Isinandal ko nalang ang aking sarili back rest at napapatingin sa dinadaanan.

Tanging pag-uusap lang nila ate at ng nobyo niya ang nagsasalita at tahimik lamang akong nakikinig sa kanila. I realize na parang third wheel ako sa dalawang naglalandian ngayon. Bahala sila dyan basta ayusin lang ni kuya arthur ang pagmamaneho baka dahil sa kaharutan ng dalawang ito ay madisgrasya pa kame.

Daddy Series#3: Sinful Night (Mpreg) (On-going) Where stories live. Discover now