"It's none of your fcking business! Just fcking do what I say!" Asik niya. Ang dumi talaga ng bibig. Matindi talaga kapag sinumpong.

Napangiwi ako. "Demonyito." Bulong ko.

"Ano?!"

"Wala po..." Tinapunan niya lang ako ng matalim na tingin. Ngumuso ako. "Uh ang sa'kin lang naman po...Wala naman po sigurong masama kung pakikinggan natin ang mga doktor."

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Galit na tanong niya.

Umiling ako. "Hindi po—"

"Hindi naman pala! Binabayaran ka rito para alagaan ako hindi para panghimasukan ang buhay ko, naiintindihan mo ba?!" Singhal niya.

Tumango ako. "O-Opo, pasensiya na...." Yumuko ako bago siya tinalikuran.

Nakagat ko ang ibabang labi. Kahit sanay na ako sa ugali niya hindi ko pa rin maiwasang hindi magdamdam. I sighed heavily. Kalma lang, Ysa.  Kailangan mong magtiis para kay tatay, kay Joey at para na rin sa sarili mo.

"Gano'n ba talaga si Senyorito Manuel? Masungit?" Tanong ko kay Rina nang makasabay ko siya sa pagkain. Tapos nang kumain ang iba, kasabay ni Nanay Nena kanina. Kami nalang ni Rina ang hindi kaya nagkasabay kami ngayon.

"Hmm ewan lang, ha? Sa tatlong taon ko kasi dito, dalawa o tatlong beses lang ata umuwi rito si Senyorita Manuel, at ngayon lang 'yan nagtagal kasi nga 'di ba...nadisgrasya." Halos pabulong niyang sinabi ang huling salita. Nakinig lang ako sa kaniya. "At sa dalawa o tatlong beses niyang pag-bisita rito pansin ko na ang pagiging tahimik niya. Gwapo sana pero hindi ngumingiti. Siguro masungit na siya noon pa, mas lumala nga lang siguro ngayon."

Napatango ako. Siguro dahil na rin sa kalagayan niya. "Hanggang kailan ba siya magiging ganiyan? kailan daw ba siya makakalakad ulit?" Kuryosong tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, pero narinig ko minsan kay Nanay Nena na makaka-recover daw agad ang Senyorito kapag nagpa-treatment ito? Nakalimutan ko 'yong eksaktong term pero 'yon lang daw ang paraan para makalakad siya ulit."

"Uh theraphy?" Tinagilid ko ang ulo.

Nagliwanag ang mga mata niya. "Oo, theraphy!"

Ngumuso ako. Iyon din ang kailangan ni tatay ngayon pero dahil wala pa kaming pera hindi ko pa siya mapapagamot.

"Bakit hindi pa siya magpa-theraphy? May pera naman sila?" Kung ako siguro may pera tulad nila, baka nagsisimula na sa gamutan si Tatay ngayon.

"Hindi ako sigurado pero parang ayaw yata magpa-theraphy ng Senyorito..."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?...." Naalala ko kanina ang sobrang galit niya habang kausap ang doktor. 'Yon kaya ang dahilan?

"Narinig—" Natigilan siya ng pumasok si Nanay Nena ng kusina at diretso ang mga mata sa amin.

"Ano na namang kalokohan ang sinasabi mo kay Ysa, Rina?" Tanong nito kay Rina sabay baling sa'kin. "Huwag kang maniniwala riyan, Ysa. At puros walang katuturan ang mga sinasabi."

"Grabe siya oh!" Umapila agad si Rina.

Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nakakahiya naman kay Nanay Nena at naabutan niya pa kaming pinag-uusapan si Senyorito Manuel. Baka kung anong isipin niya.

"Ang tagal mo naman!" Asik niya nang bumalik ako ng kwarto niya.

Kumunot ang noo ko at nilingon ang wall clock. Wala pa ngang 10 minutes akong nawala galit na siya? "Pasensiya na po, Senyorito. Hayaan mo po sa susunod na kumain ako, hindi ko na ngunguyain diretso lunok na lang." Nakakahiya naman sa'yo. Pati ata break ko, gusto niya kunin.

Masama ang binalik niyang titig sa'kin. "Niloloko mo ba ako?" Mariing tanong niya.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Hindi po..."

Mas tumalim ang tingin niya sa'kin. "Yeah right!" Irap niya bago ako tinalikuran at nagtungo sa usual spot niya para tumulala na naman sa labas ng bintana.

Nagpigil ako ng ngiti, bakit parang iba ang dating ng irap niya sa'kin?

"May iuutos ka po ba?" Tanong ko.

"Wala!" Galit niyang sagot.

Wala naman pala, ba't atat na atat siyang pabalikin ako. Tsk. Nabuang na naman ang alaga ko.

"Gusto mo po ba ng Ice cream?" Tanong ko.

"Shut up!" Sungit.

Ngumiwi ako. Ang init talaga ng ulo. Hmp!

"Demonyito." Bulong ko.

"What?!" Asik niya. Ang lakas naman ng pandinig nito. Tsk.

"Wala po, Senyorito." Sabi ko na lang.

"Where's my mom?" Seryosong tanong niya.

"Nasa Garden po, gusto mong tawagin ko?"

Umiling siya. "No need." Mariing tugon niya.

Napakamot nalang ako ng pisngi.

When She's goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon