Sa mga oras din na 'yon, kakauwi lamang ni Zeid sa kaniyang mansion. Galing ito sa imperial palace at inasikaso ang mga aristocrats na tumututol pa rin sa kasalan nila ni Elsie.

Those trashes.. Pairing me with that 'woman'. If I really get pissed, I'll just cut their tongues off...



Malamang ang 'woman' na tinutukoy niya ay si Lucia na sinusuportahan ng lahat. Inalis na nito ang kaniyang overcoat at ipinatong sa backrest kaniyang upuan sabay umupo na.


"Anyway, how's my wife doing?" Tanong nito sa butler.


Malamang din ay ang 'wife' na tinutukoy niya ay si Elsie. Parang nagalanganin pang sumagot ang matanda at napatikhim muna. "N-nitong mga nakaraang araw kasi, naging abala po siya sa pag-aayos ng isang party sa kaniyang mansion, your highness."


"And?"


"Hindi pa po siya nakakapili ng kaniyang wedding shoes, jewelries at ganoon din po ang kaniyang wedding gown."



Agad na napakunot ang noo ni Zeid. "What?!"



"Mas pinagtuunan niya pa po ng pansin ang paghahanda sa party at tinanggihan muna ang mga designers." Dagdag nito.

Napahawak si Zeid sa bridge ng kaniyang ilong.


Is that party, much more important than our wedding?


"Alright, prepare the carriage, pupuntahan ko siya." Utos nito.

"Masusunod po, your Highness." Sagot kaagad ng butler at sinunod ang utos sa kaniya.









Ilang minuto lamang na biyahe ay dumating na ang Crown Prince sa Serino palace kung saan kasalukuyang na nanatili si Elsie. Binati siya ng mga knights na nagbabantay doon sabay pinagbuksan ng gate. Dumeretso na rin siya sa kuwarto ni Elsie at dahil nga walang 'manners' si Zeid ay basta-basta niya na lang binuksan ang pintuan.
Doon niya nadatnan ito na nakaupo sa kaniyang kama habang nakasuot ng nightgown.




"I heard that you were too busy from hosting your very own special party that you almost decline your designers." Nakahalukipkip na sabi kaagad nito at pinipigilan ang inis na kaniyang nararamdaman. "Ngayon ko lang pala alam na mas importante ang party mo than our wedding.."



Ngumiti si Elsie. "I'm sorry.. Masyado lang akong napatutok sa party." Tumayo ito at saka lumapit kay Zeid sabay ipinatong ang kaniyang mga braso sa magkabilang balikat nito. "Now, shall I compensate for making trouble?" Dagdag na tanong niya at saka inilapit ang kaniyang labi sabay hinalikan ito. Bahagyang nagulat pa ang Crown prince sa ginawa nito pero agad din na ibinalik ang halik.








Yes! Sabi na nga ba makakatakas ako ng pagkain.. Muahaha!


Kagagaling lamang ni Elsie sa kusina dala-dala ang nakuha nitong isang tupperware ng cookies at pabalik na rin ito sa kaniyang kuwarto. Malaki ang pasasalamat niya at hindi ni-lock ng mga katulong ang pintuan ng kusina kanina kaya madali lamang itong nakapasok.


I think I'm gonna survive for today...


Masaya nitong sinimulang kainin ang isang cookie kasabay ng pagbubukas nito sa pintuan ng kaniyang kuwarto. NGUNIT hindi nito inaasahan ang kaniyang madadatnan doon. Nasa kaniyang kama ang dalawang tao— si Zeid na nakapaibabaw kay Lucia. Napatingin ang dalawa sa kaniya at doon namayani ang katahimikan.


I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Where stories live. Discover now