Hindi makapaniwala si Lara sa sinabi nito. Tinawag niya lang na 'lalakeng 'yon' ang crown prince at mukhang seryoso rin siya sa sinabi nito kaya bumagsak ang kaniyang ngiti.

Isa pa lang guni-guni...?

Napabuntong-hininga na lamang ito."Nga pala, Miss.. Bakit hindi mo pa binubuksan ang mga invitation letters mo?"


"Hindi ko kaya... Sobrang dami. " Sagot ni Elsie sabay tingin sa mga liham na nagpatong-patong na sa kaniyang lamesahan. "Masakit na rin pisngi ko sa kakangiti kaya huwag na."

"Pero kailangan ninyong dumalo sa kahit isang okasyon lang.. Nakatutulong 'yon para gumanda ang social image ninyo."




Social image?



Napaisip naman si Elsie sa sinabi nito.
Sabagay, I'm still the crown princess.. Hindi naman ako pwedeng maging snob.

Napatayo at lumapit na ito sa kaniyang working table sabay iniisa-isang binuksan ang mga liham. Ngunit habang tinitignan niya ang mga ito ay may napansin siya kaya napatawa ito.

Napakunot ang noo ni Lara. "Ano namang nakakatawa, Miss?" Takang tanong nito.



Napasandal siya sa backrest ng kaniyang upuan. "I forgot that scheming is nobles' true nature." Ngisi nito. Lumapit si Lara at tinignan ang mga liham. Doon ay bahagya rin itong nagulat nang makita ito dahil bawat liham ay nakasulat sa isang hindi pamilyar na lengguwahe.


"Miss, ang lengguwaheng ito..."


"It's Latin, ang imperial language ng Aragon.. Siguro ay iniisip nilang hindi ko alam gumamit ng lengguwaheng 'yan."


Napatango naman si Lara. "Tama .. natatandaan kong nakita ko kayong pinag-aaralan ito dati."


Hmm? Pinag-aralan ni Elsie? Kung gano'n 'yan siguro yung dahilan kaya kahit ako naiintindihan ang lengguwaheng ito...


"Ano nang plano ninyo, Miss?"




Ipinatong ni Elsie ang kaniyang ulo sa kaniyang magkadikit na kamay habang ang kaniyang mga siko naman ay nakapatong sa lamesahan."Well, instead of coming one by one, I'll host my own party." Ngiti nito.



And I'll let them feel what it feels to be screwed over by their own plans...







*******

Sampung araw bago ang kasalan ay ikinalat na ni Elsie ang mga liham para sa nalalapit na party na inihanda nito. Napaupo ito sa kaniyang kama.


All well and prepared..



Napangisi ito at napagulong-gulong na sa kama pero agad din siyang napatigil nang bigla niyang naramdaman ang pagkagutom.


Ugh, hindi pa kasi ako kumakain... Pagkatapos ba naman akong ipag-diet ni Lara. She'll kill me with water..


Ilang beses pang kumalam ang kaniyang tiyan bago ito napabangon. Hindi pwede! Magnanakaw na lang ako sa kusina! Napatawa ng masama si Elsie dahil sigurado itong makakanakaw siya dahil gabi na kung saan tulog ang lahat.
















I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Where stories live. Discover now