"Bakit hindi mo sinabi sakin agad kanina? Para umuwi ako agad, kahit office hours pa."

Umiiling siya. Alam ko naman na nag aalanganin sya na sabihin sa akin. Nahihiya pa rin siya sa akin until now.

"Hindi mo naman siya-

"Kulot, ang kulit mo bruha ka. Girl, anak ko na rin siya. Wag ka ng maraming hanash, umuwi na tayo sa bahay kasi need tayo ng junakis natin." hinawakan ko na siya sa kamay at tinangay ko pababa ng rooftop.

Nag tinginan sa amin yung mga employees ko dahil sa kamay naming magkasalikop. Pero hindi ko na sila inintindi. Nakarinig pa ako ng bulungan pero agad ko silang sinamaan ng tingin at pinabalik ko sa kaniya kaniyang department.

"1:00 pm na, nag chichismisan pa rin kayo? Gusto nyong tanggalin ko kayong lahat sa trabaho nyo?!"

Agad naman silang nag alisan at nag sorry sa akin.

"Enough na, vice." pagpapa kalma sa akin ni Karylle habang nirurub ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya, hanggang sa ako ay kumalma.

Hanggang sa sasakyan magkahawak lang ang kamay namin. Pagkarating namin sa bahay, nagpalit lang kami ng damit.

Sana.

Pero nung halikan ko siya, agad syang tumugon and we end up on bed.

Yakap yakap ko siya habang nirurub ko ang kaniyang braso.

"Sana masundan na si Eila no? Para may baby na ulit." sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin bago ako halikan sa labi ng mabilis at bumangon na siya.

"Thank you for accepting me and Eila, ha? Pati kahit mas babae ka pa sakin, sa akin ka pa nahulog."

"Wala eh, tinamaan ang bakla sa merlat e." saad ko. Bumangon na rin ako at sabay kaming nag bihis.

"Let's go? Para matignan na natin si Eila." hinawakan ko na siya sa kamay at  giniya ko palabas ng bahay.


Karylle Tatlonghari, she's my secretary. Noong mag apply sya sa akin, alam kong may anak na siya. Kaya nga daw sya nag sisipag sa pag ttrabaho dahil nga single parent sya. And I hired her.

Sa araw araw na ginawa ng diyos, kahit nag susungit ako sa kaniya at sa ibang empleyado, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Oo, minsan may pagka makulit siya, pero hinahayaan ko lang.

Pero isang araw, di ko namalayan...

Nahulog na pala ako.

Nagka ayaan kami mag bar, kasama namin si Anne na friend ko, employee ko at friend rin pala ni Karylle. Hindi namin namalayan ang oras at inabot kami ng 2 am. Hindi ko noon alam ang uuwian ni Karylle kaya sabi ko sa bahay ko na siya umuwi.

Pero hindi pala dapat.

Kasi napa amin ako sa kaniya na gusto ko sya at agad kong hinalikan.

She responded on my kiss, until narealize ko we are both naked.

Wala na, wala ng urungan pa.

After that night, umiiwas sya sa akin. Sinabi ko naman na liligawan ko siya. Akala nya nag jojoke ako.

Akala nya nag bibiro ako.

Sino ba naman maniniwala sakin? I am all out gay, tapos sa merlat ako nagkagusto.

"Vice, wag na ako please lang. May anak ako. I don't have time for that."

"Girl, susuyuin ko naman yung anak mo eh, hindi lang naman ikaw yung liligawan ko. Ittry ko sa anak mo kung gagana ang ganda ko." hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ko siya sa pisngi.

ViceRylle Collectanea FandonieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang