16

39 0 0
                                    




"Just sleep kuya will be here,"


Hinaplos niya ang buhok ko at saka ako marahang tinapik-tapik sa balikat. Pinikit ko ang mata ako at sinimulang matulog, nandito si kuya kaya alam kong ligtas ako. Hindi ko pa pala na ko-contact si ethan, bumangon ako at kinuha ang cellphone ko sa loob ng purse ko, napatingin din si kuya sa akin at naalis ang atensiyon sa librong binabasa, I dialed his number and he answer after two rings.


[Hey love, how are you? did you ate? did something happened?]


Napa-ngiti naman ako at nakita ko si kuya na ngumuso at siningkitan ako ng mata, "Kumain na ako, ikaw kumain ka na ba? naglalaro ka parin ba?"


[Hindi na iniintay ko nalang ang tawag mo]


"Iniintay pero dalawang ring bago sagutin?"


[Umihi ako e bawal ba ma late grabe ka, pag ba na late di mo na ako mahal?" Hindi ko siya nakikita pero alam kong naka nguso siya at naka kunot noo.


"Arte 'oy, sige na tumawag lang ako katabi ko si kuya ko e, matutulog na ako kita tayo bukas,"


[Huh?! may kuya ka? akala ko ba special child ka este only child ka?] KInabahan ata siya.


"Siraulo ka, wait kinabahan ka ata ah, ayos ka lang, pinsan ko yun"


[Ah, okay bye, see you tomorrow susunduin kita ah, I love you,]


Napatingin ako kay kuya, at nanonood siya sa akin, magsasabi ba ako ng I love you? hala.


"I love you, goodnight" saka ko pinatay ang tawag.


"Boyfriend? sino yun?" he asked eyes still on the book he's reading.


"Ethan trevor monteverde kuya, kuya mabait siya promise and he is the guy na hindi ako sasaktan,"


Tiningnan niya ako saka sinara ang libro at tinggal ang specs niya. Humarap siya sa akin saka sinalat ang noo ko tinitingnan ba niya kung may lagnat ba ako o ano.


"Dalaga ka na talaga," emosyonal nyang tugon.


"Hindi kita pipigilan sa gusto mo basta ba alam mong hindi mo ikakapahamak ang ginagawa mo, oo wala ang mommy mo, wala pa siya sa tabi mo pero tandaan mo hindi ako nagkulang sayo ng paalala, marigold, wag mong hahayaang sasaktan ka ng mga tao, hindi ka pinanganak para saktan lang, 'wag na 'wag mong hahayaang sasaktan ka ng lalaking iyan, nang sinabi mo sa akin na hindi ka niya sasaktan ay naniniwala ako sayo, alam kong hindi niya gagawin iyon," hinaplos niya ang ulo at nangingiti akong tinapik sa bumbunan, pero naging intersado ako sa mg huling sinabi niya.


"Pero wag kang papakasiguro ah, sige na tulog na," hinalikan niya ang noo ko saka ako kinumutan para matulog.


Kinaumagahan nagising ako wala na si kuya sa tabi ko umalis na pala siya may pasok pa yon e, nag simula na din akong mag ayos ng gamit ko at naligo na ako, ginawa ko ang pagaayos ng mukha at ootd ko, bumaba ako ng naka tote bag at naabutan ko si grandma na nasa lamesa kumakain mag-isa. Naguguluhan parin ako sa ginawa niya kagabi kaya nag he-hesitate ako kung lalapitan ko ba siya o hindi.


"If you're going to school eat first marigold,"


Umupo ako at nagsimulang kumain, hindi kami nag iimikan, natapos siyang kumain pero hindi parin siya umaalis sa lamesa, tiningnan ko siya at iniintay niya ako, natapos ako kumain at saka lang siya tumayo ni hindi nag paalam sa akin.


Lumabas ako at nakita kong naka ready na si kuya alex, magpapahatid ako dahil yung putangina kong kotse at naka dakota parin, at susunduin naman ako ni ethan mamaya. pasalamat yung babaeng yon at may jowa akong nagsusundo sa akin... sige kaniya muna iyon tutal naman walang jowa ang isang yon. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay nag se-cellphone lang ako at nakita ko ang ig story ni sean nasa isang restaurant sila at kumakain kasama ang mga kabigan niya, pati yung babaeng nasa ig story niya noon ay nandoon din, wow.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now