15

34 0 0
                                    



"Oh my god!"


Agad akong dinaluhan ng mommy ni ethan ng makapasok kami sa loob ng bahay nila at nakita kami ni ethan na basa ng ulan, tumakbo si ethan sa isang kwarto malapit sa kitchen at paglabas niya ay may towel na sa leeg niya at may dala siyang towel para sa akin yon sure ako.


"Here," nang maibigay niya sa akin ang towel mommy naman ni ethan ang umagaw noon at siya ang nag punas sa buhok ko, kinuha naman ni ethan ang palad ko at pinagdikit iyon saka nalapit sa bibig niya at binugahan ng hangin.


Napa ngiti ako ng malungkot, sana kung nandito si mommy may gagawa nito sa akin hindi sila, pero thankful din naman ako dahil ginawa nila ito sa akin, at least na experience ko kaysa wala talaga.


"Sige na, okay na yan, umakyat na kayo sa kwarto mo sean at maligo na kayo," parehas kaming napatingin sa kaniya dahil iba ang pumasok sa utak ko sa sinabi niya, nagkatinginan din kami ni sean, pero ngumiti lang ng nakakaloko ang mommy niya at saka kami iniwan.


Umakyat kami sa kwarto niya at nag labas siya ng hoodie at pajama sa closet niya, "Mauna ka na maligo," sabi niya sa akin at nginitian ako.


Napamaang ako, "Pero ikaw, basa ka rin ng ulan e, maligo ka na din," sabi ko, mabilis na nawala ang ngiti niya at nagugulat na tumingin sa akin.


"S-sabay? A-as in sabay tayo mari?" Tanong niya at nauutal pa.


"Huh?! H-hoy!! Hindi ah! Sabi ko maligo ka na din dun ka sa isang banyo niyo ako dito sa kwarto mo o ikaw dito doon ako sa isang banyo, aba naman mr. monteverde! Naging tayo kanina palang, nasa R-18 ka na jan! Sige na nakapag decide na ako, dito ako maliligo sa kwarto mo," hinalikan ko muna ang baba niya dahil hindi ko abot ang pisngi niya sa sobrang tangkad bago pumasok ng bathroom niya.


Natawa pa ako dahil rinig ko ang pagtawag niya sa akin kaya mas lalo akong tumakbo papasok sa bathroom niya, naligo ako at talagang binagalan ko para pag labas ko ay tapos na din siya, nagbihis ako ng hoodie at pajama na pinahiram niya sa akin, nagsuklay na din ako para bihis na akong lalabas.


Nag perfume din ako ng perfume niya, lumabas ako at nandoon siya umiinom ng beer in can at naka harap sa malaki niyang bintana, naka hoodie din siya at naka pajama nasa bulsa isang kamay habang ang isa ay hawak ang alak.


Walang ingay ang paa akong naglakad papunta sa kaniya saka ko siya niyakap sa mula sa likod, "You okay baby?" I whispered.


Nakatingala ako sa kaniya at lumingon siya sa akin at saka natawa, hinawakan niya ang kamay kong naka yakap sa kaniya at pinagsiklop iyon.


"Hindi ako aalis, Mari. Gusto ko lang makita si daddy ngayon dahil naguguluhan ako sa nangyari sa pagitan natin at wala akong ideya kung paano ayusin iyon, kailangan ko ng advice..." bumuntong hininga siya. "Sorry if I made you think that I'm leaving and for making you upset," napamaang ako at siya pa ang nanghingi ng tawad.


"Thank you dahil dito pina realize mo sa akin kung gaano kita kamahal, alam kong ang weird na kailangan mo pang umalis para ma realize ko na mahal pala kita pero kanina kung pipiliin mong umalis pagkatapos kong sabihin na mahal kita papakawalan kita ng bukal sa loob, pero nagpapasalamat parin ako dahil nagkaroon ako ng chance na sabihin sayo kung gaano kita kamahal, kahit hindi ka mag stay okay lang sa akin, basta alam mo lahat ng nararamdaman ko," mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya at naramdam kong ganon din ang hawak niya na nasa kamay ko.


Humarap siya sa akin at inilapag ang beer sa lamesa saka ako hinalikan sa labo at noo at niyakap ng mahigpit, nakuntento ako sa ganoon lang, sobrang gaan ng loob ko dahil yakap niya ako, sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ko ang tibok ng puso niya, nilalanghap ko din ang mabango niyang amoy, hanggang hindi ko namalayang tulog na pala ako sa dibdib niya.


Unexpected Flight (Monteverde Series #1)Where stories live. Discover now