"Where am I?! Please! Let me go!" Sigaw ko ulit pero dumapo na naman ang palad niya sa kabilang pisnge ko. Umalingawngaw ang tunog nun sa kabuuan ng silid. Sa sobrang lakas ng pagsampal nito ay nalasahan ko na ang sarili kong dugo na nasa may labi ko.


"Pag 'di ka tumahimik pagsasampalin kita hanggang sa hindi kana makapagsalita pa!" Galit na sigaw niya kaya impit akong umiyak. Tumalikod na siya.


Kanina pa rumaragasa ang mga luha ko, "T-Tata..wagin ko ang.. police!" Sabi ko at napatigil ulit siya sa paglalakad.


"Ayaw mo talagang makinig ha?!" Galit na sigaw niya at pinagsasampal ulit ako.


Lumalakas na ang pag iiyak ko, bawat na malulutong na sampal na natatanggap ko ay parang hihiwalay na ang ulo ko sa sobrang lakas nito. "Tama na po!" Sigaw ko.


"Tama na!! Ayoko na po!"


"Titigil na po ako! Tama na po!"


"Elle!" Paggising sa'kin ni Ely. Agad kong minulat ang mata ko at tiningnan ang paligid. I'm at my room. Niyakap ako ni Ely at ako naman itong napahagulgol.


"Shhh, I'm here na, okay? Tahan na," pagpapatahan niya sa'kin at hinahagod ang likuran ko.


"Ely, natatakot ako!" Sigaw ko sa gitna ng pag-iiyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Kumalas siya saglit sa pagyakap sa'kin at binuksan ang maliit na cabinet na nasa gilid ng kama ko at kumuha ng isang gamot na pampakalma at tubig. Ininom ko kaagad iyon.


"Nandito na 'ko. It's just a bad dream, everything's fine," mahinang sambit niya at niyakap ulit ako ng mahigpit.


'Di nagtagal ay tumahan na rin ako pero humihikbi pa rin, "Should I call tita?" Tanong niya at kumalas sa pagkakayap sa'kin. Umiling kaagad ako.


"N-No, they're busy, ayokong makadisturbo sakanila," mahinang sabi ko at napabuntong hininga siya.


"Are you really sure na okay ka na? I can stay longer here," nag-aalalang tanong niya sa'kin. I plastered a small smile on my face.


"Okay na 'ko, you should go home na. Baka hinahanap kana nila tita," sabi ko. Nag-aalinlangan pa siya pero pinilit ko nalang siya hanggang sa napilitan siyang umuwi.


"Just call me if you need someone, okay?" Saad niya na ikinatango ko sabay yakap sakanya.


"Thank you," sabi ko sakanya at ngumiti naman siya sa'kin.


"Wala 'yun, una na 'ko ha?" Sabi niya at tumango naman ako at sinundan lang siyang lumabas ng kwarto ko.


Bumuntong hininga nalang ako at nalahilamos sa mukha. Still having those nightmares, again...


Bumalikwas na ako sa kama ko nung naalala ko na may dinner pala kami nila Mom mamaya.


Nagsuot lang ako ng black strapless dress and paired it with a stiletto heels. Kinulot ko nalang din ang buhok ko sa dulo at nag suot lang nang minimal make-up.

 Kinulot ko nalang din ang buhok ko sa dulo at nag suot lang nang minimal make-up

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Luckily Found YouWhere stories live. Discover now