PROLOGUE

321 10 0
                                    

I scanned the surroundings for possible paparazzi before storming out of my car. I am relieved when I saw no one. Maraming nakapark na sasakyan sa labas ng bahay, senyales na marami na ang bisitang nasa loob. I am confident that I wasn't followed by anyone. Walang media personnel para magtanong nang kung ano-ano at walang paparazzi para kumuha ng mga litrato ko o ng kung sino mang pwedeng maiugnay sa akin.

The fact that this house is in a private subdivision at hindi alam ng mga tao sa show business ay ang mas nagpagaan ng pakiramdaman ko. Kung may mga nakakaalam man ay ang mga malalapit na kaibigan lang namin at mga pinagkakatiwalaang tao.

Sa labas palang ng bahay ay rinig ko na ang malakas na tugtugin na nanggagaling sa bandang minsan na siyang naging bokalista. The female vocalist hype the crowd with their music. Masarap sa tenga at hindi nakakarindi, just like how we like it. Bigla tuloy na pumasok sa isip ko ang imahe niyang kumakanta sa entablado, tinitilian, sinisigawan at hinahangaan. Kailan kaya ulit kita makikitang nagpeperform? I missed him being the center of the performance.

Bitbit ang biniling regalo para sakanya ay naglakad na ako papasok. Nasa pool area ang party. Hindi ko alam kung tama ba 'tong suot ko o magmumukha akong gate crasher dahil sa maong pants at simpleng T-shirt lang ang suot ko dahil dito na ako dumiretso pagkatapos ng taping para sa isang malaking pelikula na ipapalabas ngayong taon. Wala na akong time para magbihis dahil late na nga ako at mas lalo lamang akong mahuhuli kung maghahanap pa ako ng maisusuot ko. I hope he understands. I texted him but he didn't reply.

Napabuntong-hininga na lang ako. Don't be mad.

Sa pool area na ako dumiretso at nagkalat na ang foam. Halos nakabikini na lahat ng mga babaeng kaibigan namin. The boys are half naked, wearing their trunks or boxers. They're tipsy! Ganun na ako kahuli.

The party is at its peak!

Iginala ko paningin para hanapin ang taong ipinunta ko dito. Magbibihis din ako dahil may mga gamit naman ako sa kwarto niya. Ayokong magmukhang gate crasher sa mismong party ng boyfriend ko.

"Vania!!" I looked at Dalia. She's so loud that her voice outshines the band. Nagtinginan sa amin ang mga kaibigan namin kaya ngumiti ako sakanila at kumaway. They did the same. Hinarap ko si Dalia na malaki ang ngisi. Bumaba ang tingin niya sa paper bag na dala ko bago binalik ang tingin sa akin. "Sobrang tagal mo! Kanina pa naghihintay si Henrico!" she nagged.

"May taping kami. Nag-ingat din ako dahil baka may makasunod." she dramatically heave a sigh.

"Why don't you just quit showbiz and be with Henrico nang hindi nagtatago o ano pa man." it's my turn to heave a sigh. It's not that easy. Sana ganun lang kadali, iwan ang industriyang matagal ko ng tahanan at piliin ang lalaking matagal ko ng kanlungan. Sana ganun lang talaga kadali.

"Where is he?" pagbabago ko ng usapan. She eyed me for quite some time before pointing Henrico. He's with his friends, smoking. He's mad or bored? I guess it's the latter. Ang mga mata niyang sobrang bigat at misteryoso ay bumaling sa akin. He puffed his cigar, looking so mysterious.

It's his eyes that I like the most. Para siyang may tinatago dahil sa misteryoso niyang mga mata, mababanaad mo din ang paglalaro dito. Sobrang bigat niyang tumingin at kung hindi kayo malapit ay talagang maiintimida ka sa mga tingin niya. Siguro dahil sanay na ako sa mga tingin niya kaya kinaya kong tawirin ang pagitan naming dalawa. May mga binati akong mga kaibigan pero hindi na tumigil para makipag-usap dahil alam kong kanina pa naghihintay si Henrico. He looks so bored, sa mismong birthday party niya.

"Vania!" bati ng mga kaibigan niya. Nakita ko pa sa hindi kalayuan ang pinsan niyang si Gregory. May mga kausap ito at lahat ay may mga alak na hawak. Tumango siya.  I smiled at him a bit before giving Henrico's friend my whole attention.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon