I came back to my reverie when I heard him asking me. "Oh, don't mind me. I'm just reminiscing some scenes and memories in my mind," I answered

"Uh-huh?" He seemed not sure of my answer.

I just shrugged his uncertainty to me and continue walking. When we got to the block that he parked his motorbike, I immediately stopped as soon as I layed my eyes on his motorcycle.

When I realized what it was, my mouth went wide open. That's a Ducati Desmosedici! For all I know, that's one of a hell motorcycle, and he already had it early in his age? Damn this guy. He is rich.

"Are you just gonna stand there, Frost?"

Napatingin ako sa kaniya na ngayo'y nakaangkas na sa kaniyang motorsiklo. "Is that yours?" I asked in shock while pointing at it.

"Yeah, and I'm proud to say that I bought this with my own money." Pinagpag niya ang upuan.

"For real, Cipher?! Saan ka nakalikom ng malaking halaga ng pera para pambili nito?!" Pasigaw kong tanong dahil hindi pa rin ako makapaniwala na sarili niyang pera ang ginamit sa pagbili ng motor.

"Video games," aniya na parang wala lang sa kaniya ang inakto't tinanong ko at hinagis patungo sa 'kin ang kulay itim na helmet na agad ko namang sinalo.

"And please, stop interrogating me and hop on." Pinaandar niya ang motor.

Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya at umangkas sa kaniyang likod saka isinuot ang helmet.

"Matanong ko nga," napatingin ako sa kaniya, "hindi ka pa ba marunong magmaneho nito?"

Umiling ako. "Ayokong magmaneho nito. Maybe when I'm the right age, I'll buy myself a vehicle like this."

I heard him chuckled. "Pussy."

Binalewala ako na lang ang sinabi niya saka umayos ng upo.

"You might fall, so hold on tight, okay?" Walang lingon-lingon na untag niya.

Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. Gamit ang kanang kamay, kumapit ako sa kaniyang balikat at ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa hulihang bahagi ng motor.

Nang mapansin niyang maayos na ang pagkaka-upo't pagkakakapit ko ay pinaharurot na niya ito.

"Just drive slowly, Cipher! I beg you!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa 'min dulot ng mabilis niyang pagpapatakbo.

Liban sa rason na bagong labas pa lamang ako ng ospital, hindi talaga ako sanay na sumakay sa mga mabibilis na transportasiyon kaya palagi lang akong nagbibisekleta.

Maya-maya ay nararamdaman kong unti-unti niyang binabagalan ang pagmamaneho ng motor. I heard him chuckled, making my eyes rolled up and let him be.

Ilang minuto ang lumipas at narating na namin ang eskwelahan. Nagning-ning agad ang mga mata ko nang masilayan ko ito ng malapitan. Hindi pa rin kumukupas ang karangyaang taglay nito. It's still as beautiful and lively as it was before.

At syempre, hindi rin mawawala ang mga nagsisidatingan mga estudyante at lumalakad papasok sa campus.

"It seems that the helmet couldn't hide the happiness that you are feeling right now. Am I right, Frost?"

Napatingin ako kay Cipher na ngayo'y nakatingin sa 'kin. Tinanggal na niya ang kaniyang suot na helmet at iniipit niya sa bandang kili-kili. Bumalik ulit ang itsura niya sa dati, pero kahit anong pagtatago niya sa kaniyang totoong emosyon ay kita pa rin ito kung tititigan mo ng maigi.

Masayang tumango ako, "syempre naman 'no. Sa wakas ay makakagala na rin ako dito at ang saya lang isipin dahil magbabalik ulit ako sa pag-aaral." Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti ko sa labi at tumingin sa mga naglalakihang building ng eskwelahan.

Scent Of My Memories (Complete)Where stories live. Discover now