Huling Kabanata

161 8 1
                                    


'𝕻𝖆𝖌𝖙𝖆𝖙𝖆𝖕𝖔𝖘'



Isang linggo lang ang nakakalipas sa magkakaparehas na insidente ay unti-unting umaangat sa buhay ang pamilyang naiwan ng lalaki. Sunod-sunod na suwerte ang natatanggap ng mga ito.

Ngunit suwerte nga bang matatawag ang masawi ang isang miyembro ng iyong pamilya para sa kayamanan?

Para sa iba oo... ngunit sa ina ni halma, hindi. Kahit kailan ay hindi niya matatanggap na nawala sa ganoong paraan ang kanilang bunso.

Ngunit ano ang laban niya?--nila?

Mga makapangyarihang nilalang ang kanilang kalaban at kung masaya man ang kanyang anak sa kung nasaan ito naroroon ngayon ay wala na siyang magagawa kundi ang maging masaya na lamang din para dito.

Habang tahimik na ginugunita ang mga ala-ala nito sa kanilang isip. Hinding hindi nila ito makakalimutan, kahit na ilang henerasyon pa ang nagdaan.

Nakilala ang pangalan ni halma bilang pinaka-unang lalaking namatay dahil sa nakabihag ito ng isang mahomanay. Pagkatapos niyon ay hindi na mapigilan ang ilang insidente ng mga kalalakihang nabiktima rin ng mga nilalang na iyon.

At ang iba naman ay sinusubukang hanapin ang mga nilalang na iyon para sa kanilang sariling mga pangangailangan, mga taong ganid na umaaasang makakatanggap ng kayamanan oras na makabihag sila ng isang mahomanay.

Kayo? Naniniwala ba kayo sa mga nilalang na kagaya nila?

Mga nilalang na hindi natin nakikita? Kahit ano pa mang pasya ninyo ay mayroon lamang akong isang gustong ipaalala sa inyo.

Hindi magagawa ang isang nilalang o kwento na magtatagal sa loob ng ilang henerasyon hanggang sa kasalukuyan at hinaharap kung puno lamang ito ng kasinungalingan at kahibangan ng mga nagsasalin ng kwento.

Sa tingin ninyo ay saan manggagaling ang mga ediya na totoo ang mga nilalang na ito kung hindi nila iyon nasaksihan. Maaring gawa-gawa lang din nila ang kwento ngunit alam ko na sa kaibuturan ng inyong mga utak ay napapaisip rin kayo sa kung ano ba ang katotohanan.

Kagaya nga ng isang kasabihan.

'Ang pagsasabi na hindi totoo ang mga hindi maipaliwanag nilalang na nabubuhay kasama natin sa mundo o sa iba pang kalawakan ay parang pagsandok ng isang kutsarang tubig mula sa dagat at sabihin na hindi totoo ang mga pating o naglalakihang hayop na hindi pa nadidiskubre sa karagatan dahil lamang sa wala sila sa tubig na nasa kutsrang sinandok mo.'

Patunay na napakalawak ng kalawakan. Aminin man natin o hindi madami pang hindi nadidiskubre na lugar kahit sa ating sariling mundong tinitirhan. Higit pa dito ay marami ng sikretong organisasyon ang nabuo at sikretong inaaral ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa ating mundo.





___________

Pribadongmanunulat1_

Ako'y labis na nagagalak sa inyong pagbabasa sa aking istoryang ginawa. Sana ay patuloy ninyong subaybayan ang paggawa ko ng mga istoryang kagaya nito.

* ahem * kung hindi niyo na maitatanong ay isa akong malaking tagahanga ng mga ganitong uri ng istorya. Kaya kung mayroon kayong ibang alam na kwento o misteryosong nilalang sa inyong baryo ay 'wag kayong magdalawang isip na magbahagi sa akin (sa comment section : )

 Hindi ako magsasawang basahin ang inyong mga ibabahagi at malay ninyo ay makakuha ako ng panibagong inspirasyon sa mga kwentong ibabahagi ninyo.

Ito muli ang inyong lingkod Pribadongmanunulat1_ (hindi ko na kayo pipiliting iboto o subaybayan ang aking account. Nais ko lamang ay mabasa ang inyong mga ibabahagi.

Salamat aking mga mambabasa, hanggang sa muli.

Dak' kal ginnawa kok neko (Ibig-sabihin ay "Mahal kita" sa lengguwahe ng tribong Tagabawa ng Bagobo sa Mindanao)



---

@pribadongmanunulat1_

2021

Vote & Comment

Mahomanay | Completed ✓Where stories live. Discover now