Ang sagot ng Nurse sa tanong ko ay nasa Principal Office sila. Kasama si Duchess Hina. Silang lahat. Bale mga 5 Minutes palang silang umalis galing dito. Nandito daw talaga silang Siyam kanina, binabantayan ang paggising ko. Kaso bigla silang pinatawag ng Principal kasama si Duchess Hina. Pag-uusapan daw ang nangyare. Ipapaliwanag kung ano ang simula sa nangyareng pagsugod ng mga Grim Reapers dito.

'So andito pala talaga sila kanina... Akala ko kasi wala...'

Matapos na ma e check ng Nurse ang kalagayan ko. Umalis na kaagad sya. May binilin sya na huwag muna akong lumabas hanggat hindi pa sya bumabalik. Kakausapin nya daw muna kasi ang 'Head Medical Mage' kung pwede na daw akong lumabas.

Kaso antagal nya, hindi ko nakayanan na maghintay. Kaya palihim akong lumabas. Dadaan sana ako kanina sa Pintuan nang marinig ko ang Ibang Nurses na nag-uusap. Kung kanina ay kaming mga taga Lustrous Academy ang pinag-uusapan nila, Iba na ang narinig ko sa kanila.

Pinag-uusapan nila si Keith at Sekaro. Malala daw ang kanilang condition. Mabuti nalang daw at nandyan si Elaine Lunar Dawnlight at Sophia Smith Ascart para gamutin ang mga Ilang sugat nila. Kaya pagdating sa mga Medical Nurses kanina hindi na sila nahirapang galingin sila. Kaso malala nga lang dahil nagamot man nila ang sugat nina Keith and Sekaro, may malalim padin daw sila na sugat sa loob. Tanging ang Head Medical Mage lang daw ang makakapagpagaling sa kanilang dalawa.

Nagamot na sila kanina ng Head of Medical. Kaso... Hindi pa sure kung kailan sila magigising.

May Ilang narinig ako na kaya daw sila nagkaganun dahil muntik na daw silang naubusan ng dugo. Ang Ilang nurses naman hindi daw yun ang dahilan, dahil parang nag Stop yung flow ng dugo nila sa kanilang katawan. Ang sabi din ng Iba hindi din daw yun, kasi 'Cardiac Arrest' daw yung rason. Biglang huminto yung Heartbeat nila. Yung mga sugat ay parang tinusok na mga kutsilyo.

Ibat-ibang mga opinion sila. Halatang hindi sigurado sa kanilang sinasabi. Halatang hindi din nila alam kung ano nga ba ang nangyare sa dalawang yun.

Kaya Imbis na dadaan sana ako sa pintuan kanina, ay naisipan ko nalang na dumaan sa bintana. May bintana dito sa Infirmary Room na para saming mga taga Lustrous Academy lang. Naka-lock pero kapag bubuksan mo, bubukas sya. Malamang. Tss!

Pagkalabas ko ng Infirmary Building, may nakasalubong ako na familiar sakin ang mukha. Isa sa mga Celestial Magic Academy Students. Nagulat sya ng makita ako. Pinigilan nya ako. "Kung saan man ang balak mong pumunta Catarina Claes. Huwag mo nang Ituloy. Hindi pa pumapayag si Master Nadine na lumabas ka ng Infirmary..." Sinabi nya yan na may ngiti sa labi. May respeto. Hindi yung bastos.

Kaso hindi ako nakinig sa kanya. Pero sinabi ko sa kanya yung rason kung bakit ako lumabas ng Infirmary Room ng palihim. Dahil maghahanap ako ng Bulaklak para kay Keith, Isasama ko nadin si Sekaro. Nagulat pa sya ng naibanggit ko ang pangalan ng Isa sa mga kaibigan siguro nila. Dahil pareho sila ng School, kaya baka malamang magka-ibigan na sila.

Nang malaman nya ang rason ko sa paglabas, ay pumayag sya na hindi sya magsasalita. Hindi din daw kasi sya makakabisita kay Sekaro kaya humingi sya sakin ng favor. Busy daw kasi sya sa kanyang training sa Infirmary Building. Pansin ko din naman na nakasuot sya ng pang Nurse Dress nila. Nagpakilala syang si 'Carmela Noharana'. A Medical Mage. Kulay Brown na hanggang leeg nya lang ang haba ng kanyang buhok. Trainer pa sya. Work under Master Nadine Summit.

"... Sya nga pala. Kung balak mong pumitas sa bermuda grass ng bulaklak. Huwag mo nang Ituloy. Sa dulo ng paaralang to. May makikita kang nag-Iisang Gate papuntang Mages Town. Pwede kang bumili doon. Kaso... Hindi ka ngalang makakapasok kung wala kang Pass Card. So... Okay lang sakin na gamitin mo yung akin." nakangiting wika ni Carmela Noharana.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Where stories live. Discover now