"Alas onse," ani ni Manuel,"Nandoon na tayo sa mismong Baryo Argua,"

"Kakain ba muna tayo?," tanong ni Trina,"Para dire diretso na tayo sa paglalakad,"

"Sige, tutal malapit na naman na tayo sa bukana," pag sang ayon naman nina Bryan

Kaya naghanap sila ng mauupuan para makakain na sila ng hapunan, dahil kasi sa pagmamadali nila at ang hangarin nila na makatawid kaagad sa ilog ay nakalimutan na nila ang paghahapunan

Kaagad na nilatag ng mga binata ang dala nilang malaking sapin na nasa bag ni Manuel

"Parang nagpipiknik lang tayo ah," buska ni Trina sabay tawa

"Yaan ninyo," ani ni Yuri,"Pagkatapos ng lahat ng ito ay magpipiknik tayo,"

"Yehey!," ani nila sabay taas ng kamay at nagpalakpakan pa, kaya napapailing nalang siya

Nag umpisa na silang kumain habang nag uusap tungkol sa plano nila sa mga aswang

Napapatingala sila kapag may napapadaang aswang sa himpapawid at sa taas nila

Pero laking tuwa nila dahil nasa ilalim sila isang malaking puno kaya hindi sila napansin ng mga aswang na papunta sa Baryo

"Hindi nila tayo mapapansin," ani niya,"Nagmamadali na sila na makapunta sa Baryo dahil may gagawin pa silang pagdiriwang at pagsasagawa ng ritwal,"

Napatingin sila sa daanan na kanilang dinaanan ng makakita ng mga tumatakbo anng mga naglalakihang aso, baboy, pusa at pato na tumatakbo ng mabilis matapos makaahon sa ilog

"Paunahin na muna natin sila," sabi ng isang boses na nagpalingon sa kanila,"Baka kasi malapa pa tayo,"

"Khael?!," gulat nilang sambit sabay takip ng mga mukha

"Magbihis ka nga muna!," saway ni Sister Janelle sa pamangkin

Nagtawanan naman ang tatlong binata ng mapatakip sa kanyang ibaba ng dalawang kamay si Khael bago nilingon ang katabing si Yuri na nakayuko at napatakip sa mukha ng dalawang kamay

"Heto ang bag mo," sabay abot ni Bryan,"Magbihis kana at para makakain na tayo,"

Kaagad naman itong nagbihis sa likuran ng mga halamanan ng mabilis oara makakain na din siya

"Mabuti at nakabalik ba siya sa tunay niyang kaanyuan," ani ni Aira na nagpatuloy sa pagkain

"Oo nga eh," pagsang ayon nila

"Pasensiya na kayo," ani ni Khael ng makabalik na ito at nakabihis na din, napapakamot pa sa ulo

"Kain kana," ani ni Sister Janelle sabay abot ng pagkain,"Para makaalis na tayo. Kamusta kana?,"

"Heto," sagot nito,"Parang bumalik ang lahat ng lakas ko,"

"Mabuti at maayos kana," ani niya,"Para hindi na tayo mahirapan sa paglaban sa kanila,"

Napatango nalang si Khael at nagpatuloy nalang sila sa pagkain ng kanilang hapunan

**********

Nakadinig naman ng sunod sunod na katok sina Lola Maria ng mga sandaling iyon

Nagkatinginan naman silang lahat habang nasa sala sila ng bahay, nagpapahinga habang nakikiramdam sa kapaligiran

Hindi muna sila umimik at pinakinggan ang pagkatok

"Lola Maria!,"

"Ay kambing na buntis!," bigkas nila ng biglang sumulpot si Gudo sa kanilang harapan

"Lola naman hindi ako buntis!," natatawang napapakamot na sambit ni Gudo,"May kasama po ako sa labas,"

"Bakit di mo siya papasukin?," tanong naman ni Nanay Alfie na sapo ang dibdib

"Kayo lang po ang pwede mag imbita sa kanya," ani ni Gudo,"Ang nagmamay ari ng bahay lang ang pwede magpapasok sa isang uri ng aswang,"

"Aswabg ang kasama mo?," tanong ni Tatay Carlos

"Opo, Lola Maria, kilala niyo siya," ani ni Gudo

Tumango lang si Lola Maria bago tumayo at pinuntahan ang nasa labas ng pintuan na patuloy pa din na kumakatok

"Alfie," tawag ni Lola Maria ng mapagbuksan ang kumakatok

Kaagad naman na tumayo si Alfie at pinuntahan naman si Lola Maria na nasa tapat ng pintuan na nakabukas na din

Nanlaki ang mga mata ni Alfie ng mapagsino ang kanilang panauhin ng ganoong oras

"Mahal na Hari?!," gulat na sambit ni Alfie na hindi makapaniwala sa nakikita nito ngayon

"Ako nga, Alfie," nakangiting tugon ni Kharry sa kaibigan ni Mayumi

"Tuloy ka, Kamahalan," yaya nito  sabay yuko sa kanyang pinaglilingkuran noon

Nang matapos makapasok ay isinarado na kaagad ni Lola Maria ang pintuan

Niyakap naman ng mahigpit ni Kharry ang kaibigan at sa nagpalaki sa kanilang anak ng mahigpit habang umiiyak iyon

Natatawa nalang si Gudo habang umiiwas ng mata para hindi sin mapaiyak sa mga iyon

Niyakap din ni Kharry si Lola Maria at Carlos, na tila nasasabik sa mga iyon na matagal ng hindi nakikita

Na parang mga anak na nawalay ng napakatagal ng panahon sa piling ng mga magulang

Nagtagal sila sa ganoong posisyon dahil sa nag iiyakan na sila, hindi dahil sa pananabik kundi sa katuwaan na makita ang butihing Hari na sa akala nila ay matagal ng patay at hindi na muling makikita

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

So ayan na po, nakaka excite naman at nakakakaba ang mga susunod na mangyayari😯😯😯

Abangan po natin ang nalalapit na pagtatapos ng Season 2✌✌✌✌



Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon