" Goodmorning everyone!" bati ng guro na kakapasok palang kaya napaayos kaming lahat sa pag upo.
"And before I start  let's welcome our transferee Ms.Shiloh Aaria Tuazon. Welcome Ms.Tuazon by the way I am your adviser Ms.Ann Conde"

" Thankyou Maam" pasalamat ko sa guro

"I know many of you already know her kase dito siya nag aaral noon, Am I right? Tanong niya sa mga kaklase ko.

"Yes Maam!" pasigaw na sagot naman nila

"Ang energetic niyo naman masiyado nadagdagan lang e " napangising sabi ni Ms.Conde. " So today is the Club opening. Hindi ako magtatagal dito para makahanap agad kayo ng sarili niyong club, and here's the room kung saan maaasign ang bawat club" saad niya sabay paste ng papel sa board na nakasaad kung saang room at kung anong club.

"So goodbye class, I'll see you tomorrow and a pleasant morning to you all" paalam samin ni Ms. Conde. Pagkalabas niya ng classroom ay nasipuntahan kaming lahat sa harap ng pisara para tingnan ang idinikit na papel kanina.

Room 004 SciMath
Room 006 Eng. and Fil. Club
Room 008 Glee Club (audition)
Room 014 Sports Club (try out)
Room 016 History
Room 018 Band Club (audition)

"Shiloh anong Club ka ba?" tanong ni Alia sakin

"Ewan ko magbaband club siguro pero dipa ako sure e, ikaw ba?"

"Ha? Talaga!? ah kung ganun mag audition kana agad kase madami ang gusto pumasok sa Band Club din e. Marunong ka pa lang gumamit ng instrument? Anong au-auditionan mo?" sunod-sunod na tanong ni Alia sakin. Ays teka anong instrument ang tinutukoy niya? akala ko ba kaibigan kami noon e bakit di niya alam ang isa sa mga hilig ko?

"ah oo nga kaso magpapaalam pa ako kina mama at papa" sabi ko para di na siya magtanong pa.

Nag uusap sila Alia at iba ko pang kaklase kung saang club sila papasok habang ako nag iisip din kung paano ko sasabin nila mama at papa na sasali ako sa audition ng band club.
Hindi ko alam kung papayag sila pero susubokan ko. Matagal tagal na din simula nung huli akong kumanta kaya why not try ulit.

'Ma goodmorning, ahm gusto ko sanang magpaalam if pwede ba akong mag audition sa band club. Alam kung aayaw kayo ni Papa pero gustong gusto ko pong kumanta ulit. Promise ko pong hindi na mangyayari ang nangyari noon. Please :)' message sent.

" Mag e-english club ako kase sasali akong pressconference sa copy reading and news writing pero bawal din kaming sumali sa mga club e you know buhay SSG officer guys siguro sa eng. and fil. club lang ang pwede kami kase yung mga kasama kung officers same club kami." sabi ng kaklase kung babae na matangkad, maganda at matalino. Ang alam ko Elena pangalan niya, mabait siya at palakaibigan kaya halos buong skwelahan kilala siya kase maingaw din e. SSG officer siya ng school pero minsan siya yung nangunguna sa kalokohan kaya kavibes niya lahat.

" Sa sports ako, longlive to bruh" sabi ni Vincent. Magaling siya sa Basketball kaya nga player siya ng school. Matangkad din siya kaya nung unang kita ko palang sakanya napagkamalan kung bully ng school but no he's super jolly sa lahat ng aspects.

"Ako ewan hahaha charot syempre glee parin singerist kaya to" saad ni Lea na may patapik pa sa sariling dibdib. Lea is cute, she's talkative too pero in a good way.

"Gaga kung dilang siguro madaming ginagawa si Elena waley ka panigurado" ani Vincent

"Bensoy! kaibigan ba talaga kita?!" pagalit na tanong ni Lea. Pero di siya sinagot ni Vincent kaya tinatawanan siya ng iba naming kaklase.

"Marunong kang kumanta?" pakikisali ko sa usapan sabay tanong kay Elena.

"Ah oo marunong lang namn pero dimaganda boses ko hahaha wagkang maniwala kay Bensoy tsk crush lang ako niyan kaya todo ang pag compliment" sabi Elena

Napairap si Vincent sa kanila lalo na kay Elena. "tsk asa"

Si Alia ang nagsabi ng lahat ng nalalaman ko sakanila at siya din ang nagpakilala sa kanila sakin kaya kilala ko na ang iba sakanila. Nakikinig lang ako sa iba pa nilang pinag uusapan nang tumunog yung cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino yung nag text.

'You sure? I know you already know what you're doing pero kung dimo pa kaya please don't force yourself Aaria, the right time will come pero kung yan talaga ang gusto mo e wala na kaming magagawa ni papa mo, the  choice is always yours naman. Thankyou for considering our opinion anak just always remember mama and papa are here for you love.' message recieved

Napangiti ako sa reply ni mama. Diko inaasahan na malaki parin ang tiwala nila sakin despite sa mali kung desisyon noon.

"Sorry mama and papa. I promise dina mauulit ang noon, Hope so." pabulong kong sabi.




















Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events are purely coincidental.

Thankyou😇

THE HEART KNOWSWhere stories live. Discover now